iniwan ng walang dahilan

0 0 0
                                    

Bakit?
Yan ang aking unang katanungan ng akoy iyong iwan,
Bakit Nawala ka sa isang kisap mata,
Bakit parang akoy nawalan ng halaga,
Ni isang salita mula sayo na akoy iyong iiwan ay wala akong nakuha,
Inisip ko kung bat tayo humantong sa ganto,
Naparang di ako naging parte ng maliit mong mundo,
Pinanghawakan ko pa ang matatamis mong salita,
Mga salitang sa sobrang sinsero kala ko totoo
Na bihag ako sa mga ngiti at tawa mo,
Na ni minsan di sumagi sa isip ko na akoy iyong iiwan,
Bakit mo pa sasabihin ang mga salitang " mahal kita"at "di kita iiwan" kung mawawala ka rin pala,
Nakakapanghina di dahil nawala ka kung di dahil umasa ako na tayo na pero bigla ka na lang nawala,
Nakakatawa ngang isipin na gawa mo pa akong iwan bukod sa minahal kita ginawa pa kitang mundo pero nagawa mo pa rin akong iwan,


tulaWhere stories live. Discover now