Isa,dalawa,tatlo...
Uumpisahan ko sa mga sandaling ako pa at may tayo,
Uulitin ko ang nakaraan kung saan ako ang dahilan ng mga ngiti mo,
Ibabalik tanaw ko kung saan ako pa ang mahal mo,
Ngunit kabit paulit ulit kong bilangin ang mga numero kahit paulit-ulit kong balikan ang nakaraan nandito na ako sa panahong ako'y nasaktan nandito na ko sa panahong wala ng tayo dahil meron ng kayo....
Mga panahong di ko inaasahan
Ikaw ang minahal ko at ginawa ko pang mundo,
Pero bakit parang andali para sayo na bitawan ako,
Andali para sayo napalitan ako..
At sa pag lipas pa ng mga segundo ay
Nakikita ko ang mga hakbang mo papalayo,
Nakikita ko ang anino mo na unti unting naglalaho sa paningin ko..
ngunit Sana kasabay ng iyong pag layo ay tinangay mo na ang puso nawalang ibang tinibok kundi ang pangalan mo.