SAMANTHA'S POVNalimpungatan ako sa aking pag kakatulog. Minulat ko ang aking mga mata at tumumbad sa akin ang mukha ni clarence
Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko at halos mag kadikit na kami ng ilong
Bigla siyang napalayo sa akin ng nakita niya akong gising na "Gising ka na pala" napakamot siya sa kanyang ulo at hindi siya maka tingin sa akin ng maayos
"Asan na sila?" Nag tataka kong tanong nang ilibot ko ang aking paningin sa loob ng kotse
"Nauna na sa loob" napatingin ako sa labas ng bintana. Nandito na pala kami sa labas ng hotel. "Ano tara na sa loob?"
napatango nalang ako sa sinabi niya at bumaba na sa kotse.
"Teka, Asan na ang mga gamit ko?" taka kong tanong nang binuksan ko ang likod ng kotse at wala doon ang aking mga gamit"Dinala na nila Tristan at Ojay sa loob. Nandun na lahat"
Sabay kaming pumasok ni clarence sa loob ng hotel. Malawak ang loob ng hotel at ang linis ng paligid. Ang aliwalas tignan at ang tahimik. Tanging ang mga nag tatrabaho lang sa hotel ang nasa loob at may ilan ilan ding mga torista
pumasok kami ni clarence sa loob ng elevator at pinindot niya ang 9th floor.
Wala kaming imikang dalawa. Tila ba nahihiya kami sa isa't isa dala narin siguro yung nangyari kanina. Ano ba kasi yun? Parang di tuloy ako makapag isip ng maayos.
Bumukas ang elevator at tumubad sa amin ang malinis at malawak na hallway. Tahimik ang buong hallway. Siguro yung mga taong naka check in dito ay nasa loob ng kanilang kwarto or di kaya nasa labas
"Tayo lang yung naka check in dito" nagulat ako sa biglang pag salita ni clarence
"Anong tayong dalawa lang? Ha? As in tayo lang dalawa yung naka check in dito sa buong kwarto na to?" Nilibot ko naman ang aking paningin sa loob ng hallway. Apat na kwarto sa kaliwa at apat din na kwarto sa kanan.
Nagulat ako ng binatukan ako ni clarence sa ulo
"aww!" Sabi ko sabay kamot sa binatukan niyang parte ng ulo ko
"Wala akong sinabing tayong dalawa lang tangeks. Sira talaga ulo mo. Ang ibig kong sabihin tayong lahat mag kakaibigan ang naka check in dito sa floor na to." Napataray ako ng tingin
"Hindi mo kasi nililinaw. Nambatok ka pa ang sakit kaya"
"Gets mo na" sarkastiko niyang sabi. Kukurutin ko siya sana sa tagiliran ng biglang bumukas yung pintuan dun sa huling dulo ng hallway. Lumabas si ojay sa kanang pintuan dun sa dulo
YOU ARE READING
Lucky To Meet You
No Ficción"KAIBIGAN" Ang kaibigan ay binubuo ng saya, Lungkot, Damayan, Samahan at Pag mamahalan. Ngunit kung ang salitang MAGKAIBIGAN ay nauwi sa MAGKA-IBIGAN? "Umamin ka na sa taong gusto mo. So what if you got rejected? Atleast you tried and you have no...