Nagpatuloy ang buhay ni Delico sa kabila ng kanyang nararamdamang sakit. Naging positibo siya sa araw-araw na nagdaan dahil ang main goal niya ngayon ay bago siya kunin ng maykapal ay paghandaan ang lahat. Mula sa kabaong, lote na paglilibingan, pera na iiwan niya sa Nanay. Hindi naman siguro masama ang paghandaan ang sariling kamatayan diba?
"Dorothy, wag ka mo nang magboyfriend ha? Enjoy mo muna ang pagkadalaga mo. May kapatid ka pa." Ani ni Delico sa telepono.
"Yes, Sir! Kapag nakapagtrabaho na ako, Kuya kailangan mo ng maghanap ng mapapangasawa ha? Nasa tamang edad ka na eh. Wag nang magalala kay nanay at sa mga kapatid natin." Masayang tugon nito sakanya.
Nanubig ang kanyang mata sa narinig mula sa kapatid. Napakurap-kurap siya upang mawala ang tubig sa mata na nagsisimulang kumawala. For Christ's sake! Nasa gitna siya ng daan pauwi sa apartment niya.
"Good. Regards mo nalang ako kay nanay at sa kapatid natin. Yong gamot niya ha? Sabihin mo kina Denmark, Denzel, Darius na mag-aral ng mabuti ha? Wag magpapasobra sa computer."
"Areglado Boss!" Sabay-sabay na bigkas ng nasa kabilang linya. Narinig din niya ang pagtawa ng Nanay. Mukhang ni- Loudspeaker ni Dorothy ang tawag niya.
"Oh siya, babye na. Love you!"
" We love you, too, Kuya!" They said again in unison.
Natatawang pinatay niya ang tawag. Tumingala siya sa langit at ngumiti. Hindi na masama. Hindi ba Lord?
Nagtaka siya ng may namataan siyang tao sa gate ng bahay. May dalang bag, nakatalikud ito sa kanya. Lalaki, sigurado siya base sa gupit at katawan, may buhok itong kulay na parang may pagkabrown na may pagkablack. Malapad ang likod, may muscle.
"Excuse me?" Tawag-pansin niya sa lalaki. Mabilis na humarap ito sakanya. Pamilyar ang mukha nito hindi niya lang maisip kong saan niya ito nakita.
"Delico Clamora?" Anitong patanong.
"Yes?"
"I'm Zehel, from Britain, one of Borja's family's friend. I'm on vacation and they suggested their house here to stay." Dire-diretso nitong salita.
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. Bakit hindi siya na- inform sa ganitong bagay? Hindi kaya bagong mudos ito ngayon?
Para makasiguro ay tatawagan niya ngayon din mismo ang mga apo nila Lola Stella at Lolo Ale. "You better telling me the truth, Mister or else." He said in warning tune and give him a glare before he dial the number of Borja. Hindi niya inalis ang mata kay Zehel. Mahirap na.
Amused naman siyang tinignan ni Zehel.
"Delly!" Masayang bati nang sa kabilang linya. Nabosesan niya ito. Si Garretta.
"I'm sorry for so suddenly call, Ma'am Garretta but there is a man who claim that he is your family friend. His name is Zehel---" tinakpan niya ang telepono sandali at tinanong kong anong apilyedo ni Zehel.
"Cordijeras." Sagot ng huli.
Tumango siya at ibinalik sa tenga ang telepono. "Zehel Cordijeras is the name, Ma'am."
"Oh, Yes! I know him, Delly. I'm so sorry that we didn't informed you for his arrival. Biglaan lang kasi yang nagsabi na magbabakasyon d'yan sa pinas kaya imbes na maghotel e nagsuggest na akong diyan nalang sa bahay. Is it okay with you, Delly?"
"Yes po. Okay lang." Sagot niya. Hindi naman siya pwedeng hindi pumayag, pinatira lang siya ng mga ito sa bahay para may tumao at mag-asikaso.
"Thank you, Delly! Don't worry behave naman si Zehel. And if he do something nasty towards you, you can kick him out to our house. Okay?" Naguguluhang napatingin si Delly sa aparatong hawak. Wala na sa kabilang linya si Maam Garretta dahil ito mismo ang nagpatay ng tawag na hindi man lang siya nakapiyok. Anong ibig sabihin nito?
"So?" Utag ni Zehel sakanya.
Walang imik na binuksan ang Gate ng bahay. Pinauna niya ito bago sumunod at ni lock ang gate mula sa loob.
Siya ang unang pumasok sa front door tapos ibinato kay Zehel ang susi. "You can have that." Nasalo naman nito. "I have spare key, feel at home. Ikaw ng bahalang maghanap ng kwarto mo. Yong mga naka-lock na kwarto sa taas off limits yon. May stock sa ref ikaw na magluto para sa sarili mo."
Biglang humarap si Delly sa lalaki. Naalala niyang taga ibang bansa ito at baka hindi siya maintindihan. "Do you understand what I'm saying, did you?" Tanong niya.
"Perfectly, Sir!" Biro nito.
Tumango lang siya bilang pagtugon at iniwan na ito para pumunta sa kwarto niya na malapit lang sa kusina. Sa maid's quarter ang napili niya. May dalawang higaan sa loob. Komportable na siya dun, ayaw niya kasing magsaka-kanaog sa taas.
Bago siya pumasok sa kwarto para magpahinga muna ay kumuha muna siya ng tubig para dalhin sa silid. Minsan kasi tinatamad siya bumangon at inuubo din siya tuwing gabi o madaling araw.
Muntik na niyang mabitawan ang pitchel ng tubig nang umatake ang sakit sa kanyang ulo. Nagmamadali siyang pumasok bitbit ang tubig kahit parang nabibiyak ang ulo niya sa sakit. Wala siyang paki kong nakita siya ni Zehel sa sitwasyong nasasaktan, ang importante ay mainom niya ang gamot upang maibsan ang sakit. But he doubt that.
Hindi niya pinansin ang pagtawag nito sa kanya. Mabilis niyang ini-lock ang kwarto at kinuha ang gamot sa drawer. Tiniis niya ang sakit sa ulo ng walang ingay. Matagal iyong nawala hanggang sa nakatulugan na niya.
Isang malamig na kamay ang humahaplos sa mukha at buhok niya ang nagpagising sa natutulog nyang diwa. Sino kaya ito?
Malamlam na liwanag ang nabungaran niya sa kwarto at si Zehel. Ang lalaki pala ang humahaplos na may malamig na kamay. "Zehel, paano ka nakapasok?" Paos niyang tanong.
"Gising kana! Don't ever do that again, Delly you make me worried." Anas nitong hindi sinagot ang kanyang katanungan.
Ano bang ginawa niya?
"Tubig..." Paghingi niya. Mabilis naman nitong inabot ang tubig sa table na pinagitnaan ng dalawang higaan.
"I'm sorry pero diyan ako sa kabilang higaan matutulog." Bigla wika ni Zehel.
"Ha?"
"I said I'm your roommate. You here and me there." Sinundan niya ang kamay nitong nakaturo sa isang higaan.
"What!?" Hindi pwede!
"Aalagaan kita, Delly. Alam kong may masakit sayo. And I'm worried kaya dito ako sa tabi mo matutulog. No buts, no reklamo, okay?" Sabi nitong may accent ang tagalog. "Gutom ka na ba?" Pagkuway tanong ni Zehel sa kanya.
"Alam mo ba ang sinasabi mo, Zehel? Hindi ka pwede dito! Maid's quarter ito, bisita ka, alam mo yan diba?"
"I know pero komportable ako sayo. I mean, magaan ang loob ko sayo tsaka nag-aalala ako nong makita kitang nasasaktan tapos may nakita pa akong pain relievers dito. Anong masakit sayo, Delly'ko?"
"Ano? Delly mo?"
"No! It's Delico." Tugon ni Zehel na binuntunan ng tawa.
Napakamot nalang siya ng pisnge. "Bahala ka nga sa buhay mo. Hindi ako nagugutom kaya matutulog nalang ako pati na din ikaw. May jetlag ka diba?"
Ginulo nito ang buhok niya.
"Goodnight, Delly'ko. Sleep well." Pilyo nitong sabi bago pumunta sa higaan at paharap na humiga sa kanya.
Umirap siya sa hanging at hindi na nagkumento pero sure siyang tama ang dinig niya na 'Delly'ko' ang sinambit ni Zehel. Tinalikuran niya ito at pumikit.
What a day...
BINABASA MO ANG
The Story ( BL )
FantasyCompilation of short story... BxB, Yaoi, MxM 💖 Gothic Romance ----