"Bakeeeeet!!!!!!! ........Baket ang sama sama mo!!!!!!" sigaw ko sa kawalan habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko.

Sunod sunod. Umaagos na tila gripong binuksan.

Masakit. Sobrang sakit na ng puso ko. Parang unti unti itong dinudurog.

Kasabay ng pag tanggap kong iniwan na talaga niya ako.

" Tang ina !!!! Akala ko ba Diyos ka !!! Pero bakit hindi mo siya niligtas !!!! Bakit hinayaan mo lang siya mawala!!!" patuloy kong sigaw sa kawalan.

Nakakapaos...

Nakakapagod...

Pero bakit yung sakit nandito pa din?...

Bakit ba kasi ang hirap?...

"Bakit mo siya kinuha sa akin!!!! Tang ina!!! Bakeeet!?! Masyado siyang mabait alam mo????? Kinuha mo na ang lahat!!!! ...Pati ba naman siya!!!"

Puta. Nakakaloko. Hindi naman ako naniniwala sa Diyos pero kinakausap ko siya ngaun. 

Tama. Desperado na nga talaga ako.

"Ako na lang ........ Ako na lang dapat ang kinuha mo........ Ako na lang dapat at hindi siya..... Ako na lang... " mahina kong sambit bago tuluyang humagulgol.

Hinilamos ko ang aking mga kamay sa aking mukha habang unti unting umupo sa lupa.

Sana andito siya..... piyadong tuwang tuwa yun ngaun. Nandito kasi ako sa paborito niyang burol.

Ang burol kung saan nagsimula ang lahat. Lahat ng ala alang nagbago sa buhay ko.

Sa buong buhay ko.

Unti-unti akong tumayo at lumapit sa puno at hinawakan ito, napatingin ako sa magandang tanawin sa harap. Unti-unti ko ulit naisip ang mga masasayang ala ala...

Napapikit na lang ako ng madiin at isang luha na naman ang pumatak.

"Malapit na ako Nina. Hintayin mo lang ako diyan. Huwag ka sanang mainip. Ilang minuto na lang at magkakasama na din tayo." sambit ko sa hangin habang hawak hawak ang lubid sa puno.

Magalit man ang Diyos, wala na akong pakialam. Kung wala siya, wala na ring saysay ang buhay ko.

Paalam mahal naming burol. Ikaw ang saksi sa pagmamahal namin... ikaw din ang makakasaksi ng pagkamit ko ng kapayapaan. Ito na lamang ang tanging solusyon para maging masaya ulit.

 Paalam.

A Man's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon