A year ago.
" Putang inang bata ka! " sabay hagis ni inay ng notebook ko sa aking mukha.
Nakaluhod ako ngayon sa harap niya, katulad ng utos niya.
" Wala ka na ngang silbe, wala ka pang utak ! " sigaw niya habang dinudutdot ang aking noo.
Aminado ako.
Bobo ako.
Hindi ako katulad ng aking kapatid na matalino.
Hindi ako si Kuya Christian na magaling sa lahat.
Hindi ako katulad niyang perpekto.
" Dapat talaga hindi na kita kinupkop ! Isa ka lang walang kwentang bata ! Mana ka sa tatay mong bobo! " sigaw niya bago ako muling hinampas ng libro sa ulo.
Masakit.
Oo.
Pero nasanay na din ako.
Bata pa lang ako, lagi na niya akong sinasaktan. Ano nga naman ba ang aasahan ko? Kinupkop niya lang naman ako dahil sa awa. At dahil ayaw machismis ng mga kapitbahay na hindi ako tinanggap noon.
Kasabay nang pag alis niya ang pagtulo ng aking mga luha.
Oo tama ka, napipigilan ko din naman ang umiyak.
Hindi ko lamang ito nacontrol ngayon dahil sa sobrang sakit.
Hindi sa hampas, o mura ni inay.
Kundi sa kanyang pagtanggi sa akin bilang anak.
Masakit nga siguro ang walang ina, ngunit wala ng sasakit kung itinatanggi ka ng harapan ng sarili mong ina.
Madalas niya iyung ginagawa. Kesyo napulot lang daw ako at utang na loob ko sa kanya ang buhay ko. Kesyo malas daw ako at dapat yumao na kasama ng aking totoong ama.
Dahan dahan kong pinulot ang mga naka kalat na papel mula sa aking exam at mga librong nagkalat.
28/100. Napakabobo ko. Nag aral naman ako pero hindi ata tumatak sa utak ko.
Tumayo ako upang pumunta ng kwarto bitbit ang mga gamit kong pang eskwela.
Nadaanan ko pa si kuyang nakasandal sa pader malapit sa hagdan. Nakatingin lang sa akin at hindi umiimik.
Nanuod pala siya. Nanuod lang at hindi manlang ako ipinagtanggol kay inay.
Nasaktan ako, yun ang totoo. Pero sige, siguro Ok lang yun.
Sanay na naman ako, kahit kailan hindi ko din naman naramdamang pamilya ko sila eh. Mas ma swerte pa nga ata ang mga badjao sa bayan, nanlilimos man, kumikita din.
Samantalang ako, 16 taon nang nanlilimos ng pagmamahal. Pero wala pa ding nakakapag bigay sa akin. Ang corny ko, ganito ata nagagwa ng lungkot sakin.
Binuksan ko ang pinto at nilapag sa sahid ang mga gamit. Dumiretso ako sa higaan at sumalampak dito.
Ilang minuto lang, naririnig ko ang ingay ng pagtatama ng kutsara sa pinggan. Kumakain na sila ng hapunan, ngunit wala ni isang tumawag sa akin.
Lalo kong naramdaman ang gutom ko. Palibhasa hindi ako naka kain ng tanghalian kanina sa pagmamadali sa pagpasok sa eskwela
Kung tutuusin, hindi na dapat ako magtaka. Maraming mga handaan na din naman akong hindi sinasama. Ganyan naman na talaga sila. Kahit nga kaarawan ko ay hindi alam dito sa bahay...o cinecelebrate at sanay na rin ako doon.
Dumapa ako at niyakap ang kaisa isa kong unan. Minsan talaga naiisip ko nang magpakamatay.
Nang sa gayon ay hindi ko na nararanasan ang lupit ng aking tinatawag na pamilya.