Chapter 5 - Accept it or not?

23K 281 13
                                    

Chapter 5


Ang ganda ng gising ko, una nakapagbayad na ako ng renta sa apartment ko . Umutang kasi ako kay Kim ng pambayad . Babayaran ko naman .

Pangalawa ang makasama ang isang Drake Buenavista sa Ice cream parlor .

Anong sinabi ko?!!

Aish! Erase that thought . Ayoko ng sirain yung umaga ko .

Naligo na ako,nagbihis at nag-ayos then bumaba na ako ng hagdan .

Pagkalabas ko ng apartment nakita ko si Drake nakasandal sa pader .

"Uy!Drake ikaw ba yan?!"tanong ko sa kanya . Lumingon siya saakin at tinanggal konti yung shades niya para makilala kung ako talaga .

"Tss.What took you so long? Kanina pa kita inaantay." Iritang tanong niya .

"Sorry naman.... Teka nga lang nagpahatid ba ako sayo?!"tanong ko .

Hindi na niya sinagot yung tanong ko dahil dumiretso kaagad siya sa kotse . "Tutunga-nga ka lang diyan?Sakay na!"utos niya .

Tahimik lang kaming nagbabyahe .

Teka lang ha?May napapansin ako .

Sumilip ulit ako sa bintana. Teka hindi naman ito yung way papuntang school ha?!!

"Hoy Drake! Saan mo ako dadalhin?!Don't tell me kikidnapin mo ako?!!"

"Kitang nag-dadrive ako eh!Can you just shut up?!Asa namang ikikidnap kita!"yan na naman siya sa ganyan niya eh . I wonder kung saan niya ako dadalhin .

"Dito na tayo."sabi niya at bumaba na sa kotse sumunod na din ako sakanya .

Pumasok kami sa isang coffee shop . Kahapon Ice Cream Parlor ngayon naman Coffee shop?Adik ata to eh .

Lumapit saamin yung isang waitress . Ngitian niya lang kami at ang cute niya . May dimples siya tapos nakapony-tail at ang puti-puti niya.

Parang kamukha niya si Drake . Tinignan ko pa siya lalo at ayun kahawig niya yung eyes and lips . Magkapatid ba sila?

"Hi Drake!Girlfriend mo?"tinuro ako nung babae tapos nginitian ako .

"No ate. She's just my friend."

"Hello po! Are you Drake's sister?"i smiled back at her ate .

"Malamang. Ate nga diba?" Aba! Nambara pa! Wala talagang manners tong lalaking to!

Pinalo siya ng ate niya sa braso . "How many times do i have to tell you Drake?Na kapag may babae sa harapan mo . Talk in a nice way. "saway ng ate niya sakanya . Tumingin ulit ang ate niya sa-akin . "Yes!I'm his sister . By the way, what's your name?"

"Sofia po . Sofia Daniella Velasco . Just call me Ella."nginitian ko lang siya.

"What a lovely name!Are you Drake's girlfriend?"tanong niya ulit .

Ate niya ba talaga ito?!Magka-opposite kasi sila ng ugali eh . Yung ate niya mabait at friendly . Si Drake . Suplado na nga masungit pa.

"No po ate . She's just my friend." naks! nakiki-ate na din?

"Haha!By the way, I'm Diana, Diana Marie Buenavista nice to meet you. "inabot ng ate niya yung kamay saakin . Nakipag-shake hands din ako.

"Ate mamaya ka na magtanong!Can you just get her fckin order?!"halatang iritang-irita na si Drake .

"Hoy Drake!Wag ka mag cu-cuss dito. Nasa harapan ka ng babae oh."

Ang kulit nga nila mag-away eh . Parang mga bata . Nainggit nga ako sa kanila kasi may magulang at may kapatid siya . :(

"Ella right?Anong gusto mo?"tanong ng ate niya saakin ..

"Coffee lang ."matipid na sagot ko .

"Ikaw Drake?"

"Coffee shake." Matipid na sagot ni Drake at naglagay ng headset sa tenga .

"Coming right up!" Ngiting sagot ni Ate Diana at umalis na . Sila siguro may ari netong shop. Sila na! Sila na mayaman!

"Teka nga Drake ano nga ba punta natin dito?May klase pa tayo diba?"tanong ko sakanya . Tumingin lang siya saakin at hindi na niya ako sinagot . Nice Talking no?

Dumating na yung order naming dalawa ni Drake . "Here's your order na . Masarap yan!"ngitian niya ako . Bat ang ganda-ganda ng ate niya?Nanliit tuloy ako .

"Thank you . "say ko at hinigop yung kape . "A-aray!Ang i-init!"sigaw ko .

"Hindi nag iingat eh!Ayan tuloy namantsahan pa yang blouse mo."sabi ni Drake at kumuha ng tissue . Pinunasan niya yung part na may mantsa eh . Napangiti na lang ako bigla .

"Thank you . " matipid na sagot ko at ngitian ko siya .

Inirapan niya lang ako at patuloy sa ginagawa niya .

Tinignan ko yung ate niya at yung ate niya! Wow! Ang lapad ng ngiti abot langit oh! Halatang kinikilig .

"I need your help."matipid na sagot niya . Ano help?Daw?

"Anong help naman yan?"say ko sabay higop ulit ng kape . Infairness ang sarap nga!

"Can you be my contract girlfriend?"sagot niya at muntik ko ng maibuga yung iniinom kong kape .

"Ha?Ano?Bakit naman?!"gulat ng tanong ko .

"Can you be my contract girlfriend for 2 months ? Two months lang naman . I'll pay you 30 000 plus apartment ."

Hindi ako makapaniwala sa help na hinihingi niya saakin. Ano contract girlfriend daw ? Bakit sa akin pa? Bakit hindi sa iba na lang? Hindi naman kami ganun ka-close eh .

Should I Accept it or Not?


=============================================================================

(A/N : Tomorrow or Later ang update! :))

VOTE.COMMENT.BE A FAN.

Comment down sa gustong magpadedic . :)

My Contract Girlfriend [KathNiel] (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon