Kerstan P.O.V
Pag karating konang bahay ay agad agad akong dumaretso sa kwarto ko at humiga. Nakatingin ako sa kisame habang iniisip ang mga problema ko.
"Kerstan..." tawag ng isa naming katulong sa akin, hayy pag sya ang tumatawag alam kong dumating na sila Mommy at Daddy.
"po?"
"Bumaba kana at handa na ang pagkain pati narin ang Mommy 't Daddy mo dumating naren."
Tinatamad pa sana akong bumangon ngunit siguradong bubulyawan nanaman ako ng mga magulang ko kapag hindi ako bumaba agad. Kaya dali dali akong nag bihes ng damit at bumaba sa sala kung nasaan ang mga magulang ko.
" Oh Kerstan, halika dito at umupo kana." yaya sa akin ni Mommy na umupo sa harap nila ni Daddy na ayaw na ayaw ko dahil sigurado akong may sasabhin nanaman silang hindi ko magugustuhan. Pero syempre ay umupo nga ako dun upang wala silang maireklamo.
"Kerstan, ihanda muna ang mga requirements mo para sa pag enrolle mo sa Senior High School at syempre sa school ka natin mag aaral dahik sigurading magugustuhan mo don dahil may magaganap na pag babago."
Sabi ni Daddy na may ngiti sa labi na parang may binabalak, diko man maintindihan ng maayos ang ibig nilang ipahiwatig ay sumang ayon na lang ako dahil wala rin naman akong magagawa kahit tumangi ako ay doon at doon parin nila ako pilit na pag aaralin.
****************★*****************
Lumipas na ang dalawang buwang bakasyon at ngayon na ang enrolan kung saan ay kailangan ko pumunta sa school nayon para mag enrol. Syempre kahit sa pamilya ko ang ang iskwelahan nayon ay kailangan ko paring mag enroll. Sumakay ako sa Porche na kulay abo.
Makalipas ang ilang oras ay na karating na kami sa iskwelahan namin at sumalubong sakin ang napaka raming studyante na nag eenroll. Nag mamadali silang tumabe habang pumapasok ang kotse namin habang umaandar din to papasok ay nasulyapan ko rin ang pangalan ng iskwelahan na nakalagay sa itaas ng gate habang pinipinturahan ng isang matandang lalaki ito.
"Satany Academy, huh!"
Nagulat ako ng may mag salita sa gilid ko at pag tingin ko ay nakita ko si Jhomar na nakatingala sa pangalan ng iskwelahan namin.
"Hmm" isang buntong hininga lang ang naisagot ko sa kanya. Alam nya naman na hindi ko gusto sa iskwelahang yon kahit na sa amin payon.
"Pero Kerstan, tanong ko lang bakit dito pa napili ng mga magulang mo ipatayo ang iskwelahan nato."
Kung ikaw lang din ang isa mga studyante na papasok dito ay mapapatanong karin kung bakit sa gitna ng kagubatan ipinatayo ng magulang ko ang iskwelahan nato at ang malala pa ay limang kilometro pa ang layo nito sa syodad.Pero sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit nga nilagay dito ng magulang ko ang iskwelahan nato, puro mayaman lang at kaya mag bayad ng limang daang piso. Napaka mahal no,kaya hangang tatlong daan mahigit lang ang nakaka pasok dito taon taon.
"Malay ko, tara na!" matamlay kong yaya sa kanyan. Malapit nasana kami sa office kung saan kami mag eenroll ay biglang sumalubong samin si Irine.
"Oh Irine, what's up?" bati ni Jhomar kay Irine sabat akbay nito sa kanya.
"Tatangalin mo yang kamay mo o babasagin ko yang ano mo."
"Nako grabe ka pag nabasag to ikaw rin ang mag sisise." sabay tangal ni Jhomar sa pag kakaakbay kay Irine at humak sa ano nya...
"Yuck, damn Jhomar, Get out of my sight! " naiinis na sabi ni Irine habang padabog na nag lakad palayo sa amin. Hababg si Jhomar naman ay nakangiti habang nakatingin kay Irine na halatang halata na gustong gusto nyang inaasar ito hayss... Ang dalawang to talaga.
"Haha tignan mo Kerst, sabi nya get out of my sight pero sya ang umalis haha" malakas na humalakhak si Jhomar na ikinatingin ng lahat.
Kahit kailan talaga.
Habang sya ay nanatiling tumatawa ay iniwan kona lang sya at dumaretso na sa office. Pero ng mapansin nyang iniwan kona sya ay mabilis syang kumaripas ng takbo at sumunod sakin.
****************★****************
Nasa loob na kami ng office ng school at nakita namin ang isang babae na naka upo sa pricipal's table.Nakayuko ito na parang may kinakalikot kaya hindi namin mamukaan ito hangang sa tinawag ni Jhomar ito at agad agad na inangatvnya ang kanyang ulo. Halatang halata sa mukha nya ang pag kagulat ng makita kami at napaatras pa ito.
"Ahh, ahh, A-Anong maitutulong ko sa inyong dalawa?"
Pautal utal nyang sabi samin. Ano bang problema nito, bakit parang takot na takot sya. Alam naming may katandaan na sya pero bakit ganun nalang ang pag kabigla nya ng makita kami.
"Ah maam...." napahinto si Jhomar sa pag sasalita at tumingin sa pangalan na nakalagay sa principals table at itinuloy ang pag sasalita.
".. Ma'am Espie Rivas, mag eenroll po sana kami."
"Ah S-sigi akin na ang requirements nyo at pede nakayong umalis, M-Mr. Delvaux at Mr. Lopez"
May pag tayo at pag yukong sabi nito kaya mas minabuti nanaming umalis.
"Ano bang problema ng principak nayon, para syang nakakita ng demonyo teka o baka namn nagwaouhan sakin hahah"
Inismiran ko nalang si Jhomar dahil nag uumpisa nanaman syang mag yabang. Naka sunod parin naman sya sakin kaya ok lang kung bilisan ko nang kunti ang pag lalakad.
Malapit nasana kami sa gate ng biglang dumating ang isang humaharurut na sasakyan na muntik na makabangga samin. Buti na lang ay hinila kami ng mabilis ng guard at pare parehas kaming natumba sa lupa. Pag kabangon namin ay nakahinto na ang kotse at nakita naming lumabas dito ang isang driver at dali daki nyang binuksan ang pintuan ng kotse sa kabilang parte. At iniluwal nito ang isang napakayabang na lalaki.
"Si Jake Cyril Curzon ba yon?"
"oo nga sya yon"
"Yung nasa kabila si Kerstan Delvaux naman at si Jhomar Lopez"
Ang mga bulong ng mga tao na nakapaligid samin.
Tumingin ako sa lalaking bumaba sa kotse at na pag tanto kung oo nga si Jake Cyril Curzon nga ito ang kababata ko pero hindi ko kaibigan, kapartner namin ang pamilya nya sa kumoanya namin.
"Well well well, Mr. Kerstan Delvaux, ang anak ng may ari lang naman ng school nato"
May pang aasar na sambit nya na ikinainis ko. Alam nya kasi na ayaw ko sa school nato. Imbis na sagutin ko sya ay tina likuran kona lang sya at umalis.Ngunit bago pako makahakbang ng dalawa ay hinawakan nya ako sa broso na ikinalingon ko.
"Kerstan, ito ang tatandaan mo, sayo ang school nato pero ako ang mag hahari at magiging alipin ka lang"
Bulong nya sakin na may pagmamayabang. Nginisian ko lang sya at inilapit ko sa tenga nya ang mukha ko at ibinulong ang...
"Well let see."
Inalis ko ang mukha ko sa pag kakalapit sa tenga nya at inasar sya sa pamamagitan ng isang ngiti. Sabay winasiwas ko ang braso ko para matangal ang pag kakapit nya at umalis nako habang nakasuot saking bulsa ang dalawang kamay ko. Naka sunod parin din sakin si Jhomar.
****************♥****************
사라헤요 비비고😊😘
Wish you to like it... 😊
# DarkInLips
BINABASA MO ANG
Satany Academy
FanficSa iskwelahan kung saan ay nasanay ka nanang normal ang lahat... Ngunit may dumating na dilubyo na magiging sanhi ng pag babago ng buhay mo at nang lahat,Ito rin ang magiging sanhi ng pag pili mo between your family and your love,papasok kapa ba? O...