Kwento

0 0 0
                                    

Para sa inyong dalang dala sa kwento
May dinadala,Nadala na o dadalhin pa lang
Sa loob ng isang kahon
Kahong puno ng "sayang","siguro"at"baka"
Hirap na hirap ka,
Kasi pinahirapan ka ngayon ng pinaghirapan mo
Hindi ka pinapasok sa buhay o sa bahay niya
Hanggang gate ka lang,diyan ka lang
Minsan,hindi naman sa ayaw
Pwede rin kasing di pwede
Pero aminin niyo
Ang hirap mag-isip ng tama
Kapag tinamaan ka talaga
Sa kanya ka parin tataya
Kahit dinaya ka na
Patatawarin mo kasi
Mas hindi mo mapapatawad ang sarili
Kapag nawala na siya sayo
Ayaw mong maging malungkot mag-isa
Kaya okay lang maging lokong masaya
Katangahan pero katotohanan,Mahal mo eh mahirap kasing kalabanin ang sarili kapag ikaw ay nagmamahal.

One Shot STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon