Unang Bahagi

7 1 0
                                    

            

               Ako si Roberto ngunit mas kilala bilang "Berto", isang kilalang gitarista dito sa bayan nang Tarlac. Ako ay tumutugtog sa mga kapilya, tumutugtog ako upang bigyang kulay ang mga boses na kumakanta para sa ating Panginoon. Ito'y aking ginagawa upang mas ganahan at mas madama ng mga nagsisimba ang presensya nang Panginoon, at dahil sa mga nakikita kong ngiti at galak sa mga mukha nila, mas ginaganahan akong tumugtog, kaya mas pinaghuhusayan ko pa ito. Nais ko ring maging modelo sa mga kabataan, upang maengganyo silang maglingkod sa ating Panginoon sa pamamagitan ng musika. Ito rin ay aking ginagawa bilang pasaslamat sa aking pangalawang buhay na kayang ipinagkaloob saakin.

Ang buhay ni Berto ay umiikot sa musika, sa Panginoon at kanyang Pamilya. Siya ay masaya na sa kung anumang mayroon siya ngayon. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, mas kukulay at sasaya pa ang kanyang buhay dahil sa pagdating nang isang Binibini......

            

              Isang araw habang naglalakad Si Berto patungong kapilya, Bitbit ang kanyang gitara, Nadaanan niya ang kanyang mga kaibigan na sina Lito, Paulo, Raul at Manuel. Ito ay kanyang hinikayat na dumalo sa magaganap na misa. Ngunit habang nakikipag usap si Berto sa kanyang mga kaibigan, Nahagip ng kanyang mga mata ang isang magandang binibining naglalakad patungong kapilya. Nag ningning ang kanyang mga mata nang ito'y matitigan, Kaya dali dali siyang nagpaalam sa kanyang mga kaibigan upang masubaybayan sa paglalakad ang Binibini. Habang naglalakad may bumati sa Binibini kaya napag alaman ni Berto na ang pangalan nito'y Roberta.

            

                 Pagkarating sa kapilya, si Berto ay dumiretso sa kanyang posisyon para tumugtog. Lingid sa kanyang kaalaman, Si Roberta ay namamangha sa ipinapakitang pagtugtog nang binata, nang mapansin ito ni Berto mas lalo niyang hinusayan ang pagtugtog upang mas lalong mapansin nang Dalaga. Napag alaman rin niyang isa pala itong guro sa kanilang bayan at isa ring tapat na naglilingkod sa Panginoon. Pagkatapos nang misa, hindi na nag dalawang isip pa si Berto na ito'y lapitan at alukin ito na kanyang ihatid, na pinag unlakan naman ni Roberta at Simula roon ay nagkaroon na sila nang pagkakaunawaan.
                  Hindi nagtagal naging mas malapit ang dalawang, kaya nang maglaon, niligawan ni Berto si Roberta at nang makita ni Roberta na tapat ang pagmamahal nang binata, ito ay kanyang sinagot dahil ito ay kanya naring mahal. Napuno nang kasiyahan at kagalakan ang kanilang pagsasama, halos araw araw ay namamasyal, sabay na kumakanta ngunit hindi parin nila nakakalimutan ang paglilingkod sa Panginoon.


Makalipas ang ilang buwan, Napagpasyahan ni Berto at Roberta na magpakasal kaya ito ay kanyang ipinakilala sa kanyang mga magulang na sina Carmen at Alfredo, ngunit ang akala nilang puno nang kasiyahang kwento ay hindi rin pala ganoong magtatagal.....

      

Dalawang linggo bago ang kasal, nalaman ni Berto na siya ay may malalang karamdaman, ang unang sumagi sa isip niya ay ang masasayang mukha nang kanyang mga magulang at nang kanyang pinaka mamahal na si Roberta. Hindi niya alam kung papaano ito ipagtatapat sakanila, ngunit napag desisyunan rin niyang ito'y ipagtapat sa kanyang mga magulang dahil ito ang kanyang katuwang sa lahat. Hindi natatakot si Berto sa kanyang sakit dahil kung siya man ay mawawala, makakapiling naman niya ang Panginoon, mas natatakot siyang makita at maiwan ang ang malulungkot na mukha nang kanyang mga magulang at pinaka mamahal.

              Hindi pa kayang ipagtapat ni Berto ang ang kanyang sakit kay Roberta, ngunit lingid sa kanyang kaalaman, ito ay napapansin na nang nobya.... Napapansin na nito ang kahinaan niya,kaya ito ay kanyang hinikayat na lumabas at mamasyal,ngunit hindi na makaya ni Berto na lumabas pa dahil sumusumpong nanaman ang kanyang sakit, kaya napagdesisyunan na lamang ni Roberta na mag isang lumabas, upang mamasyal at upang mabilhan nang pagkain ang nobyo dahil mukha itong may sakit. Ngunit sa kalagitnaan nang pamamasyal may nakilala siyang binata na nagngangalang Marco..... At dahil madalang na lamang masamahan ni Berto ang nobya, naging mas malapit na ito kay Marco ngunit sa kabila nito.... Hindi siya ganoong naging masaya dahil hindi si Berto ang kanyang kasama, kaya napagdesisyunan niyang magpaalam kay Marco upang umuwi at samahan si Berto.
             Pagkarating niya sa bahay nang kanyang nobyo, nagulat siya nang makita itong namimilipit sa sakit kaya ito ay kanyang dinaluhan at napag alaman niyang ito pala ay may malalang karamdaman.... Napuno nang luha ang mukha ni Roberta dahil sa kanyang ginawang pag iwan rito, nagsisisi siya dahil ito'y hindi niya naalagaan.... Ganoon rin si Berto humuhingi siya nang tawad dahil sa ginawa niyang pag lihim tungkol sa kanyang sakit. Ngunit ito ay hindi naging hadlang kay Roberta na pakasalan si Berto, kaya napagdesisyunan nilang paagahin ang kanilang kasal.

Naging masaya sila pagka tapos ng kasal. Sila ay nagsama nang payapa sa kabila ng sakit ni Berto...... Sa kabilang banda si Marco ay masaya na rin dahil nakikita niyang masaya si Roberta.






MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon