Tinatamad Ako (one shot)

137 6 2
                                    

"Autumn, may bisita ka sa baba" kasalukuyan akong nanonood ng por--foreign movie nang kumatok si mama sa pinto, sino nanaman bang bisita ko? Hindi ko naman birthday ngayon, wala din akong sakit, tss. Ayoko sa lahat kapag may umiistorbo sa ginagawa ko eh, sarap kalbuhin

"Opo baba na" sabi ko, pasalamat siya at mabait pa ako neto, pinause ko yung movie na pinapanood ko para bumaba, dun ko nakita si Calix boyfriend ko. May dala siyang flowers, bakit? Iaalay niya ba yun sakin? Patay na ba ako? Nakangiti siya nang makita niya akong pababa ng hagdanan, ngumiti nalang ako pabalik

"Hi cupcake!" kaagad akong napasipangot sa narinig ko, kailan pa ako naging cupcake? Sa huling pagkakatanda ko -- Autumn naman ang pangalan ko

"Anong ginagawa mo dito Calix?" tanong ko sakanya, nag pout naman siya, hindi niya ikina gwapo promise -- pero aaminin ko na, gwapo talaga boyfriend ko, hindi ako pumapatol sa mukhang aso, okay?

"Weeksary natin cupcake" ay pakisapak nga tong boyfriend ko! Nung isang araw sinabihan ko siya na ayokong mag celebrate ng monthsary, anniversary lang dahil sabi ko ang mga magulang ko hindi binibilang kung ilang buwan na silang nagsasama -- tapos itong lalaking to, gumawa ng weeksary?! May saltak ba to sa ulo?

"Mag celebrate ka mag-isa mo" sabi ko sakanya at akmang aakyat na ulit sa kwarto ng hilahin niya yung kamay ko para yakapin ako, syempre hindi ako tanga para hindi siya yakapin pabalik -- boyfriend ko kaya to, kahit na ulol siya mag-isip, mahal ko parin to

"Joke lang, nandito lang naman ako para dumalaw, nakakahiya naman pag walang dala diba, kaya flowers nalang." sabi niya iniabot sakin ang isang pirasong rosas na huhulaan kong bente pesos ang isa sa tapat ng simbahan

"Alam mo mas ma-aapreciate ko yan kapag pagkain yang dala mo." sabi ko sakanya, napakamot naman siya sa ulo, huwag niyo kong sisihin hindi ko siya hinawaan ng kuto, promise!

"Next time, kwek-kwek naman!" sabi niya at napairap ako, hindi naman sa hindi ako kumakain ng kwek kwek or dahil sa maarte ako, wala lang -- trip ko lang umirap.

"Bakit? Hahahaha, date tayo cupcake!" sabi niya, mas lalo akong napasimangot na naging dahilan para kurutin niya yung pisnge ko --- masakit promise.

Tinatamad Ako (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon