*Printed Version available for pre-order. Just message me here or on my facebook page. See my profile for links*
CHAPTER 3
Tatlong linggo na ang nakalilipas mula nang lisanin ni Heiley ang mansyon ng mga Santillan. Noong una ay nahirapan siyang limutin si Zeck. Parating laman ng isipan niya ang mga halik nito. Sa ngayon, nasasanay na uli siya sa dating routine ng kanyang buhay. Ngunit alam niya sa sarili na may nabago sa kanya. Napuna niya sa wakas kung ano ang kulang sa buhay niya.
Lovelife.
Bago pa niya nakilala ang mga Santillan ay larawan siya ng isang taong kuntento sa buhay ngunit matapos makilala si Zeck nagkaroon ng kahungkagan sa puso niya.
"Sino sa mga Santillan ang iniisip mo?" untag ni Joan. May panunudyo sa tinig nito. Nasa kabilang cubicle ito pero nakadungaw sa cubicle niya. Nasa trabaho sila sa kasalukuyan. Magkakahilera ang cubicle na naroon at pagmamay-ari niya ang isa sa mga desk na nasa loob ng cubicle.
Napabuntong-hininga siya. "Huwag ka ngang maingay diyan. May makarinig sa'yo baka kung ano pa isipin," sita niya.
"Oh come on!" maarteng anito. "Matagal ka nang pinag-uusapan dito dahil sa biglang pagbabago ng mood at aura mo mula nang makasama mo iyang mga Santillan. Everybody concluded that you're in love with one of Santillan's member."
She sighed again.
"Magkuwento ka na kasi," pabulong na tudyo nito.
Magsasalita sana siya nang biglang may sumingit. Isang invitation letter ang iniabot ng isang 'di kilalang lalake sa kanya.
"Umaasa po ang mga Santillan sa pagdating ninyo, Ms. Conteza."
Sa-Santillan!
Nahuli niya ang nanunuksong tingin ni Joan pero binalewala niya iyon. Sinipat niya ang invitation letter.
Engagement party! Sino sa mga Santillan?
Isa lamang iyon maliit na tarheta at nakasulat lamang roon na iniimbetahan siya sa nasabing event. Kasamang nakasulat doon ang date at next week na iyon. Tinupi niya iyon at nag-angat ng mukha. Umalis na pala ang naatasang magbigay niyon.
"Patingin naman." Muntik na iyong agawin ni Joan mabuti't maagap siya.
"Pasensiya na Joan pero personal ito." Itinago na niya iyon sa kanyang bag. "Pakiusap Joan, huwag mo sana itong isasama sa write ups mo." Nagsusulat ito sa isang weekly news tungkol sa mga kilala at matatayog na nilalang sa bansa.
"Well, wala pa naman akong maisusulat sa ngayon kaya huwag kang mag-alala safe pa ang sekreto mo," tugon nito sa pabulong na tono. Tumalikod na ito at naupo. Hinarap na nito ang pinagkakaabalahan sa harap ng computer. Gayon din naman ang ginawa niya.
Pinanabikan ni Heiley na makita si Zeck sa event na iyon ngunit ganoon na lamang ang pagtataka niya nang ito mismo ang umiwas kanina. Blangko pa ang emosyon nito nang magkatitigan sila kaya hindi niya magawang magsaya. Pumunta pa naman siya doon para masilayan ito. Akala niya pagkakataon na iyon para magkalapit sila pero masyado nga siguro siyang nangangarap.
Bakas sa mukha niya ang matinding kalungkutan. Mabuti na lang nasa madilim na bahagi siya ng bulwagan. Nakadaupang-palad na niya ang lahat sa mga Santillan maliban dito. Sayang lang ang get-up niya. She's wearing a black dress with white polka dots matched with black high heeled shoes. Nagpasalon pa man din siya! Lalo siyang napabusangot. Gumastos siya para sa event na ito pagkatapos magiging bulaklak sa pader lang pala siya!
Boba ka kasi! Tignan mo nga ang mga tao sa paligid mo. Tototoong sosyal ang mga nakapaligid sa 'yo at kung ikukumpara ka sa kanila, isa ka lang trying hard na pasosyal!
BINABASA MO ANG
MANIPULATED LOVE AFFAIR
Любовные романыPuno ng kapanatagan at kakuntentuhan sa buhay si Heiley Conteza nang biglang guluhin ng mga Santillan ang nanahimik niyang buhay. Hindi naging maganda ang unang engkuwentro niya sa isa sa mga iyon. Si Zeck Santillan na ubod sama kung makapag-insulto...