Rasselle is very pissed off. Kasalukuyang siyang naglalakad nang mag-isa sa school grounds para pakalmahin ang sarili. Nanginginig siya sa galit at alam niyang kapag may nangalabit sa kanya ngayon ay sasabog ang lahat ng kinikimkim niyang sama ng loob sa kanyang katawan. She was involved in a fight a while ago and she walked out the moment she spotted a teacher approaching. Ayaw na niyang ma-office ulit at pasakitin ang ulo ng kanyang mga magulang ngunit hindi na niya napigilan pa ang sarili nang narinig niyang pinag-uusapan siya ng kanyang kaklaseng babae.
It was break time and Rasselle was walking towards the nearest restroom when she heard a couple of her classmates talking about her.
"Nakakainis naman kasi talaga yang si Rasselle, eh. Akala mo kung sinong magaling. Galit lang yata siya sa mundo dahil wala siyang kaibigan kaya pati tayo dinadamay sa kamalasan niya." diing pahayag ng babaeng kaklase.
"Hoy, friend! Baka marinig ka niya. Sige ka, ikaw rin." pananakot ng kasamahan nito. Rasselle is famous inside the campus for her rudeness and vicious nature. Who knows? Baka nga pati sa labas kalat na rin ang pagiging maldita nito.
Susugod na sana siya ngunit may idinagdag pa ito na lalong nakapagpakulo ng dugo niya.
"And so? I'm not gonna back down just because she has a reputation. Palibhasa kulang siya sa pagmamahal ng magulang!" dagdag ng kaklase. Rasselle entered the girls' restroom wearing her intimidating smirk.
"Oh? What reputation, Miss Go?" nang-uuyam niyang wika. Napalingon ang dalawa. Lumaki at bumilog ang chinitang mga mata ng kaklase at nawala ang kulay sa mukha nito habang ang isa naman ay tahimik lamang na nakayuko.
Ayos lang kay Rasselle na pag-usapan siya ng mga taong walang magawa sa buhay ngunit hindi niya maatim na madadamay ang mga magulang niyang walang ginawa kung 'di ang mahalin siya ng sobra sobra at bigyan siya ng atensyon at kalayaan. Para kay Raselle, napunta sa kanya ang pinakamabubuting mga magulang sa balat ng lupa. Siya ang may problema, hindi ang mga magulang niya.
"I said, what reputation?!" Rasselle yelled. Ang kaninang gulat na kaklase ngayon ay nagtatapang-tapangan na.
"Iyan! 'Yang pagiging maldita mo! Nakakabwisit, alam mo 'yun?!" singhal nito pabalik kay Rasselle.
Rasselle eyed the girl pointedly which made the girl uncomfortable in return. Her classmate began shifting her gaze, carefully avoiding her eyes. Dito silang lahat tumitiklop kapag mga mata ko na ang nangungusap. Naisip niya.
"And your pretense irritates me, Miss Go. Stop pretending you have power over me cause I can see you're scared as hell. Nanginginig ka pa nga oh." ngising nakakaloko na saad ni Rasselle sa kanya. Natahimik ito ng ilang sandali, nanginginig parin. She noticed a movement in her peripheral vision so Rasselle turned her head. She saw a teacher outside the restroom.
"Looks like it's your lucky day." she sniggered and quickly got out as fast as she can pero bago pa siya nakaalis, may pahabol na sinabi si Go.
"Balang araw, pagsisisihan mo ang pagiging mapagmataas mo." napalingon siya dito. Nakatingin ito kay Rasselle ng matalim. Rasselle raised one eyebrow, rolled her eyes and marched out of the room just as the teacher entered the restroom. Rasselle didn't give them a second glance and continued walking until she finally stepped out of the building.
Matagal na niyang gustong tigilan ang pagiging suplada ngunit hindi niya alam kung paano. Hindi siya nagkaroon ng kaibigan dahil ayaw niyang pag-usapan siya ng mga ito kapag nakatalikod siya. Ganoon ang mga taong nakilala niya. At isa pa, walang nagtatangkang lumapit sa kanya. Lahat takot. Lahat naiilang. Raselle is still feeling hot-tempered when she heard a sob at the back of the building. Curiosity filled her as she carefully trod her way towards the soft weeping. When she was already at the corner, she took a peek and the sight stunned her.
BINABASA MO ANG
Still
RomanceMagkaparehong ilap sa mga tao ang isang bakla at isang ubod ng malditang babae kaya hindi nakapagtataka na nakahanap sila ng kakampi sa isa't isa. Kung si Gianlorenzo'y may pusong babae, si Rasselle naman ay walang puso. Kung si Gianlorenzo'y takot...