Prologue

21 2 0
                                    


Xyra's P.O.V

"Arrgh!" Naiinis na sigaw ko sabay sabunot sa sariling buhok, paano ba naman ay ang hirap ng project na binigay ng teacher namin.

Nandito ako sa sala, hirap na hirap gawin ang isang project na binigay ng teacher namin groupings naman dapat ito ngunit dahil wala akong kaibigan at madalas pang mabully ay wala akong kagrupo, haist...

"Huy! Inumin mo na yung gamot diyan!" Pag-utos sakin ni mama, napabuntong
hininga na lamang ako dahil sa taka.

Wala naman akong sakit ngunit nitong mga nakaraang araw, pinapainom na lamang niya ako ng gamot, buma-bawas na rin ang sungit niya sa akin. Naiilang ako

"Opo..." Mahinang sagot ko sa kanya, kahit masungit sakin ang nanay ko ay sinusunod ko parin siya.

Kinuha ko na ang gamot at tumungo sa kusina na katabi lamang ng sala na tulugan din namin, magkatabi ang sala, kusina at banyo sa sobrang liit ng bahay namin ay mata-tawag pa bang bahay ito?

Nang makakuha na ako ng tubig dito sa kusina ay ininom ko na rin ang gamot, mapakla siya ngunit nasanay na rin ako, pangatlong araw simula ng pinainom ako ni mama ng gamot nang maramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko kaya nagtaka ako ngayon dahil wala akong naramdaman na pagsakit ng ulo. Okay pa nga yun

Agad din naman ako bumalik sa sala at tinapos ang project, bukas na ang deadline nun kaya minadali ko na para magkaroon naman ako ng tulog kahit dalawang oras lang. Nilatag ko na ang banig dito sa sala at pinatungan iyon ng kumot para man lang hindi masakit sa likod.

Papatulog na sana ako ng marinig ko si mama na mag-salita.

"Patawad anak" nagulat ako sa pagtawag niya sakin ngunit nanatili akong nakahiga at nakapikit. "I love you" dag-dag pa niya at hinalikan ako sa noo, hindi ganto si mama, she never calls me 'anak', kisses me much more tell me she loves me. Weird

Hindi ko ma lamang iyon pinansin masyado dahil antok na antok na ako at pinagpa-tuloy ang pagtulog.

Nagising na lamang ako sa lamig, naramdaman kong parang umikli ang kumot na gamit ko kaya tumayo na ako, wait! Tinignan ko ang paligid ng bahay, bakit lumiit ang bahay? Tumangkad ba ako o ano? Ba't ang lamig? Para akong nasa tore! Joke! Exagge Naman nun. OMG!

"Oh! You're awake" Nagitla ako sa boses ng isang lalaki kaya hinanap agad siya ng mata ko na di naman nahi-rapan dahil nakaupo siya sa sofa.

May edad na siya, mga 45 pataas ganun, may itsura siya kahit natatakpan ng balbas niya ang unting parte ng kanyang mukha pero di iyon nakabawas sa kagwapuhan niyang taglay. May kasama siyang dalawang lalaki sa likod, mga binata pa lamang base sa katawan nila. Ang isa sa kaliwa ay posturang-postura habang ang isa naman na nasa kanan ay masama ang tingin sa 'kin.

"Sino kayo?!" Takot na sigaw ko nang maalalang di ko pa sila kilala, baka kung ano gawin nila sakin, wait! Paos ba ako? Iba boses ko e

"Inire kami" pambabara sakin nung lalaking nasa kanan, gwapo siya pero ampangit ng ugali niya. Tss

"Go to the Bathroom." Utos sakin nung may edad na lalaki na sinuklian ko naman ng nagtatakang mukha.

"Banyo! Pumunta ka sa banyo!" Naiinis na paliwanag naman nung lalaki na masungit. Tss

"Alam ko pero bakit?" sambit ko sabay irap sa masungit na lalaki

"Just go!" Pagtutulakan niya sakin.

"Tss" Singhal ko at tumuloy na patungong banyo. Kanina pa ako naba-bother sa katawan ko, iba boses, mababa ang paligid, malamig ang paligid parang nagbago ako ng katawan.

Pagkadating ko sa banyo ay tumungo agad ako sa salamin-Oh my God! Ang gwapo naman ng nilalang na ito! Matangos na ilong, mapupulang labi, nagkikislapang mga mata, makinis na mukha,  matangkad, matikas na pangangatawan, napakaperpektong nilalang kumabaga...

"Waaaaah! Maaa! Sira yung salamin!" Pagsisisigaw ko matapo mabalik sa ulirat na nasa nasa tapat ako ng salamin ngunit ibang katawan ang aking nakikita, ito na ba yung napapanood ko sa internet? Yung mga paranormal kemerut?

Hinawakan ko ang salamin, ayos naman ito walang crack o ano pa man, sunod ko naman hinawakan ay ang katawan ko, mula ulo mraramdam ko na hindi ito ang katawan ko, wala na ang double chin ko, boobs? Wala naman talaga ako nun charot! Abs? Bilbil lang to kanina ah! Waaaaaah nagbago nga ako ng katawan,

"Waaaaaah!" Sigaw ko ng makita ang junior ng katawan na ito!

Lumabas agad ako sa banyo upang kumuha ng damit o tiwalya man lang sa kabinet. Ba't ba kasi wala tong saplot?!

"You!" Pagduro ko sa kanila sabay kuha ng kumot upang itakip sa katawan na 'to.

"From now on you are Andrei Legazpi, you are borrowing the body of Andrei Legazpi" Lintaya ng lalaking may edad na.

"What?!" Takang tanong ko.

"You only have one job, it is to destroy the top 3 underworld organizations" Seryosong wika niya na di man lang pinansin ang tanong ko, destroy?

"What?! One job ta's 3 organization?" Taka ko pa ring tanong.

"This two guys right here, will teach you the things you should do" Wika niya sabay turo sa dalawang lalaking nasa likod niya.

"Bakit ako? Ba't di na lang sila? Paano kung di ko matapos yang trabaho na 'yan?" Sunod-sunod na tanong ko, naiilang pa rin ako sa boses ng katawan na ito.

"Someday you'll remember, and we have your mother, you only have 366 days to use the body temporarily" mahabang lintaya niya na nakapagsanhi sakin para magpanic, Si mama? Nasan siya? Nasaan si mama!?

Tumakbo agad ako sa kusina at banyo ngunit wala akong nakita ni anino man lang. Bumalik na agad ako sa sala ngunit pagbalik ko ay yung masungit na lalaki na lang ang nakita ko. Nasan na?

"Nasaan sila?" Tanong ko na di siya tinitignan man lang.

"There's a paper in your table that has the information about the owner of that body and the rules underground" He replied not even taking a glance at me too. Tss

"So?" I asked sarcastically

"We have your mother, her destiny is in your hands" He answered nonchalantly. They really know how to get me.

"All you need to do now is transfer school" He added.

"Where?" I asked

"Your death is in your hands now either you make it hurry to you or not" He said, now looking at me with his penetrating gaze.

"J-just don't h-hurt my m-mo-" I stuttered, I'll do everything for my mom.

Umalis agad siya kahit di pa ako tapos magsalita. Bastos!

Inayos ko na muli ang higaan ko pagkatapos kong magbihis para sa katawan na ito, ngunit ngayon ko lang ulit nakita ang luma kong katawan, di ko ito napansin kanina. Anlaki ng pinagkaiba ng luma kng katawan at ang hiram na katawan na ito. Haisst...

Natulog ulit ako sa sobrang pagod, andaming nangyari ngayong gabi na hindi kayang iabsorb ng utak ko.

"Oh~ Umaga na" Wika ko sabay takpan ng mukha mula sa sinag ng araw, wait! Maliit ang kamay, lumang boses, mataas na paligid.

"PANAGINIP LANG LAHAT?!"

Andreeeea: Hello my dreams! I need your insights about my story and of course, Vote, comment, and follow won't hurtHAHAHA

Borrowed BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon