Xyra's P.O.V
2 weeks ago
Nakayuko akong naglalakad sa hallway mag-isa na tila takot sa atensyon kahit uwian na't walang tao. Madalas kasing madami akong mapanghusgang matang natatanggap kahit huminga lang ako haha..haist
Papasok na sana ako sa CR nang may narinig akong kalabog.
"Ah-" Gulat kong sigaw, ngunit may isang kamay na tumakip sa bibig ko para di matuloy ito.
"Nin-" Bakit naman ako pinipigilan ni Ninong? E madalas naman talagang may gumagawa ng kababalaghan sa CR na' yan.
"Shh!" Pagpapatahimik niya sakin kaya tumahimik na lang rin ko. Nakasilip kami dito sa butas sa pader ng CR, medyo malaki ito para makita ng malinaw kung sino ang nasa loob, mga bastos na lalaki talaga.
Di nagtagal ay narinig kong bumukas ang pinto ng CR, nilingon ko ito at nakitang isang lalaki ang pumasok sa CR ng mag-isa.
Walang kababalaghan, sayang
"Where is it?" Dinig Kong tanong ng lalaki pagkapasok nito sa banyo, habang si Ninong Kanor naman ay tutok na tutok sa kanila, kailan pa siya naging chismoso?
Si Ninong ay isang tagalinis sa school namin, kilala siya bilang si Mang Kanor at ayaw niyang tawagin ko siyang ninong pag may ibang tao dahil baka daw mabully ako e kahit gawin ko 'yon ay napagtitripan pa rin ako. Wala pa siya sa k'warenta, matangkad siya, kayumanggi at kahit natatakpan ng balbas ang unting parte ng mukha niya ay 'di matatagong maitsura siya para sa kanyang edad.
"Here!" Dinig ko naman na wika ni Dean, yes, ang dean ng school na 'to
Nakablack na leather jacket at pantalon ang pangalawang lalaki habang si Dean naman ay naka polo lang, di pa maayos pagkabutones
"Make him drink this and he'll be our freaking loyal dog" Dagdag pa ni dean na unting natawa, Loyal dog? So aso naman pala pinag-uusapan nila e.
"Code?" Tanong ng lalaki. Di na ako magugulat na may nangyayaring transaksyon na sanggkot ang Dean dahil halata naman na kurap siya.
"Kurt Aotian" Dean answered that made me look at them, kurt? The kurt Aotian I know? Well I know him just because he's a son of one of the stock-holders of the school.
Tsaka niya binigay ang isang litrato na nagpatunay na yung Kurt Aotian nga na alam ko ang tinutukoy nila.
Tapos non ay umalis na muna si Dean na sinundan naman nung isa pang lalaki pagtapos ng ilang minuto.
"Ano 'bang nangyayari, ninong?" takang tanong ko kay Ninong na nakaharap na sakin na tila nag-iisip ng malalim.
"Xyra, anong mangyayari sa February 18?" tanong niya na nakapagtaka sakin.
"Mascarade ata, teka, ano po ba ang nangyayari?" wika ko na takang-taka parin.
"It seems like we can't hide you forever," huh?
"What?" takang tanong ko
"February 18, umattend ka sa party." sagot niya na di man lang pinansin ang tanong ko.
"Hindi po ako aattend dun, wala po kong pambayad" totoo naman, tsaka wala naman gustong makipagsayaw sakin don e.
"Ako na bahala don, basta gawin mo na lang" Anong pinaplano mo Mang Kanor, at parang big deal pinag-usapan nila para sayo?
BINABASA MO ANG
Borrowed Body
RandomUnexpectedly, Xyra never thought that borrowing a man's body can be this painful... Temporary happiness Temporary sadness Temporary friends Temporary family Temporary enemies Temporary love Temporary hatred With a Temporary body Will in the end she'...