Angelica's POV
Nandito ako ngayon sa may gate ng school na pinapasukan ko. hindi na naman ako makaalis dahil sa mga lalaking nakaharang dito sa harap ko😑 nakakainis talaga malelate na naman ako sa unang klase ko😑.
"Hi babe"
"Hi Angelica labs"
"Ate how to be you po?"
Hayaan na naman sila. Pero nagulat ako ng bigla na lang sila magsi tabi. At ng mapatingin ako sa harap ko nandun na si Ezekiel na nakangiti sakin.
Dub.. dub... dub.. dub...
May heart,anong nangyayare sakin bakit ang bilis ng tibok mo. May sakit ba ako sa puso?
"Good morning young lady" napatulala na lang ako sa kanya habang nakangiti naman siya sa akin. At nagulat na lang ako ng bigla nya akong hinila papasok sa aming school.
"Grabe ang swerte nya talaga kay Ezekiel" narinig kong sabi ng mga nadaanan naming grupo ng kababaihan yung puso ko halos kumawala na sa sobrang saya na nararamdaman ko. Nakaramdam ako ng pagmamalaki dahil sa mga naririnig kong bulungan nila.
Ng makarating na kami sa aming room ay sabay kaming bumati sa aming guro. "Good morning Ms. Claire sorry we're late" yan ang bati namin sa kanya.
"Good morning din"
Matapos nya kaming batiin ay umupo na kami sa aming upuan. Nagtataka siguro kayo no? Hindi ko naman
Kase talaga boyfriend tong gwapong nilalang na to eh. Sa kanya lang ako hinabilin ng kuya ko kase close sila. By the way ako nga pala si Angelica Bianca Tan at ito namang gwapong nilalang sa tabi ko ay si Ezekiel Guerrero. Sya lang naman ang first love ko. Pero sa kasamaang palad hindi nya ako mahal."Lalim ng iniisip mo ah?"biglang tanong nya sakin.
"Ah wala may inaalala lang ako." Dahilan ko na lang para hindi niya ako mahuli na siya talaga ang iniisip ko.
"Ah ganun ba?"tapos nginitian nya lang ako. At tumango naman ako bilang sagot sa kanya.
--
Sa bilis ng oras hindi ko namalayan na uwian na pala. Nagmamadali akong inayos ang mga gamit ko para makauwi na. Ng makarating ako sa bahay nakita ko si kuya na mukhang paalis na naman
Kuya paalis ka na naman ba? Pero kararating mo pa lang diba? Tanong ko kay kuya na palapit sa akin.
Oo princess kailangan ni kuya bumalik sa Paris eh. Hinihintay ako dun ni Mom, Dad at kuya Jake mo. Because a bussines matter. Sabi ni kuya na humalik lang sa forehead ko at lumabas na ng tuluyan sa pintuan ng bahay.
Dahil wala na naman silang lahat mag-isa na naman ako dito sa bahay. Tanging mga katulong lang na dumadating sa umaga at umaalis sa gabi ang makakasama ko. Okay lang sanay na naman ako sa ganito simula nung elementary days ko ganito na ang takbo ng buhay ko. Sa sobrang dami ng bussines namin new year at christmas na na lang kami nagpapangi-pangita.
Pumasok na ako sa kwarto ko at nagpalit. Matutulog na muna ako kase napagod ako sa maghapon. Kailangan ko pa magreview dahil may exam ako next week na Basic Education Exit Examination (BEEA) by the way G12 na ako kaya mag-eexam ako ng BEEA.
--
Nagising ako sa madilim na silid nakalimutan ko palang buhayin ang ilaw ng aking kwarto. Ng makapag ayos na ako ng aking sarili ay bumaba na ako para makakain. Nasa may hagdan palang ako naamoy ko na ang aking paboritong sinigang. Parang anv sarap sarap nito. Nagmamadali ako bumaba ng hagdan at nagpunta sa dinning hall. Habang palapit ako parang walang tao. Eh asan naman kaya sina manang Flora? Ng makaraging ako sa may dinning table nakita ko na maraming nakahanda na pag kain. Pero mas nagulat ako ng makita ko kung sino ang naghain ag nagluto nang lahat ng ito.
Good evening sleepy head. Bati sakin ni Ezekiel!? ..... oo tama kayo ng nababasa si Ezekiel talaga.
Good eve din. Anong ginagawa mo dito? At paano ka nakapasok sa bahay namin? Sabi ko sa kanya habang deretsong nakatingin sa kanyang mga mata.
Gusto ko kase ipagluto ang prinsesa ko kaya hiningi ko sa kuya mo yubg password ng bahay nyo. Bigla naman akong kinilig sa mga una niyang sinabi. Pakiramdam ko nagbablush na ako. Kikiligin na sana ako kaso bigla syang tumawa ng malakas.
Bakit ka ba tumatawa? Inis na tanong ko sa kanya. Okay na sana eh kaso bigla siyang tumawa.
Mukha ka kaseng timang. Hahahhaha!!! Grabe ang epic ng mukha mo. Mukha kang natatae na ewan. Halos maiyak na siya sa kakatawa at dahil dun lalo akong nanggigil sa kanya. Gustong gusto ko na sya sipain sa kinabukasan niya. Ano nagulat ba kayo sa ugali ng mokong nato. Hindi ko nga alam kung bakit nabaliw ako sa mokong na to eh.
Bwiset ka talaga Kiel puro ka kalokohan. Lumayas ka na nga dito sa pamamahay namin. Kase baka kapag naggagal ka pa dito mapatay pa kita. Inis na sabi ko sa kanya.
Lakas mo. Bakit ako aalis eb ako ang nagluto mg lahat ng to. Matulog ka na nga lang ulit para walang nakakairitang boses. At isa pa hindi ko to niluto para sayo. Niluto ko to kase dadating yung mga kaklase natin. Litanya nya sa akin habang naglalagay ng mga pinggan sa table.
WHAT!? WALA NAMAN AKONG ININVITE NA MGA KAKLASE AH!.Sigaw ko sa kanya dahil sa inis. Napakagrabe talaga ng lalaki na to porket sobrang close nya sa pamilya ko halos dito na sya tumira sa bahay namin.
BAKIT IKAW LANG BA ANG PWEDENG MAG-INVITE NG KAKLASE DITO? NAGPAALAM NA AKO KA TITO AT TITA. KAYA WALA KA NG MAGAGAWA.! Sigaw naman nya sakin.
Sa sobrang inis ko sa kanya kahit na gutom na gutom ako umakyat na ako sa kwarto ko at isinara ang pinto ng malakas para marinig niya na inis na inis ako sa kanya. Humiga ako sa kama at tumutig sa kisame na may picture ng family ko at syempre picture ni halimaw. Kakaisip ko at kakatitig sa mga picture ay di ko namalayan na hinatak na pala ako ng antok.
Hi😊 sana magustuhan nyo to😊 tandaan kung may makikita man kayong mali or grammatical error mag iwan na lamang kayo ng comment. Hindi pa po ako professional but i will do my best for you😊😘 dont forget to vote and suggest to your friends 😊😘 thank you♡
BINABASA MO ANG
What if HE came BACK!?
Teen FictionMay mga tao talaga na pinagtagpo pero hindi itinadhana pero paano kung pagtagpuin ulit sila ng tadhana at sa ibang sitwasyon? May chance na ba na maging PINAGTAGPO AT ITINADHANA?