Chapter 2: His Confession

2 1 0
                                    

EZEKIEL'S POV

Ilang araw na din ang nagdaan mula ng nagkasagutan kami ni payat. Alam ko namang kilala nyo na si payat dahil ubod siya ng daldal at yun ay walang iba kundi si Angelica. Grabe naninibago ako sa kanya. Hindi nya ako iniimikan at hindi din sya umiimik sa classroom. She's avoiding me for a f*cking week.

Andito ako ngayon sa school at hinihintay ko siya dahil absent ako ng three days. Si daddy naman kase sinama pa ako sa bussines meeting sa Davao.

Sa sobrang kakaisip ko hindi ko napansin ang dalawang taong dumaan sa harap ko. Napansin ko lamang ito  dahil sa mga tilian at bulongbulungan. Naagaw ng pansin ko ang pigura ng isang babae na alam kong kilala ko at hindi nga ako nagkamali ng humarap siya sa may gawi ko upang bumati sa mga taong bumabati sa kanya. Si Angelica...

Angelica akala ko ba kayo na ni Ezekiel?  Sabi ng babaeng kumakausap sa kanya.

At san mo naman napulot ang balita na yan? Tanong niya na may ngiti sa kanyang mga labi.

Akala kase namin kayo kase lagi kayo magkasama. Sabi pa ng nauna.

Hindi kami ni Ezekiel parang kuya ko na nga sya eh. Sabi naman ni Angelica.

Parang dinudurog ang puso ko sa aking narinig. Naiinis ako dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko. Parang gusto ko na syang hatakin mula sa lalaking nakahawak sa kanyang bewang. Pero hindi ko iyon magawa dahil wala naman akong karapatan sa kanya.

At nililigawan ko na kase si Angelica kaya malabong maging sila nung sinasabi nyong Ezekiel. Sabi naman ng lalaking nasa gilid niya at nakahawak sa bewang niya. Pero ang mas lalaong nagpainis sakin ay ang makitang tumatawa si Angelica at umakbay pa sa lalaki. Hindi ko maiwasang mainis  kase bakit parang may masakit sa may dibdib ko at parang may tumulong tubig sa may mata ko. Umuulan ba? Pero ng napatingin ako sa taas wala naman kaya napagtanto ko na umiiyak ako. Umiiyak? Anong ibig sabihin ba nito? Gusto ko na ba siya? Kaya nagmamadali akong unalis sa lugar kung saan nandon ang dahilan ng mga nangyayare sakin. Kailangan ko munang masigurado kung totoo nga ba tong nararamdaman ko.

--

Sorry for the short update😅 busy si author pero hahanap ako ng time para makapag update twice a week😉
Dont forget to vote  😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What if HE came BACK!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon