The baby Maker - Chapter Seven

26.3K 451 9
                                    

C H A P T E R-#07

Halos paliparin ni Sandy ang sasakyan pabalik ng hotel lahat silang dalawa ay nakatulog at wala ding tawag na ginawa si Nicole sa kanila ng nag-daang gabi. Si Cathy ay umuusal na ng panalangin na sana ay nakalabas na ng kwarto si Nicole dahil kung hindi lahat ay mabibisto ni Archie..

Pagdating nina Cathy at Sandy sa hotel. Agad tumuloy sa kwartong kinuha para kina Nicole at Sandy, andoon pa ang mga gamit ni Nicole, ibig sabihin di pa eto nakakaalis ng hotel. Nagmamadaling nagpalit ng damit si Cathy.

"Shit anong nangyari, bakit wala sya dito Sandy? Di kaya nakatulog sya? Wag naman sana." natatarantang wika ni Cathy, ng makabihis soot ang kanyang bathrobe ay tinungo nya ang kwarto na kinuha nila para sa kanila ni Archie. Sarado ang pintuan niyon, nakalock. Muli sya bumalik para kunin ang susi na nandoon sa kwarto nina Nicole.

Samantalang sa loob naman ng kwarto nauna nagising si Archie,hinawi nya ang buhok ng babaeng nasa harapan nya na natutulog.. Maganda ang hugis ng mukha nito,maninipis ang labi,katamtaman ang tangos ng ilong. Nasaan ba sya? Diba asawa nya ang kanyang kasama kagabi? Inikot nya ang buong kwarto ng hotel na yon nandoon parin sya kung saan sya pumasok kagabi, at ang gamit ng asawa nandoon, bumangon sya at nakita nya ang pantulog na nasa baba ng sahig, muli nyang nilingon ang babae, hindi eto si Cathy. 

"Nasaan si Cathy?" tanong nya sa kanyang sarili.. Muli nyang nilingon ang babae nahihimbing parin eto sa pagtulog.. Maraming katanungan sa kanyang isip ngayon. Dahan- dahan sya sa paglapit mapit sa side ng babaeng kanyang katabi, ingat na ingat sya na makagawa ng ingay ngunit natabig nya ang maliit na lampshade na nasa side table na nakagawa ng ingay, at syang pagbangon ng babae. Pagbangon ni Nicole sya namang pagbukas ng pintuan ng kanilang kwarto. Ang lahat ay gulat na gulat. Tinakpan ni Nicole ang kanyang katawan nagmamadaling pinulot ang mga damit nya.

"Anong ibig sabihin nitu?" tanong ni Cathy, na tila ba wala syang alam sa mga pangyayari. Si Archie man ay nagulat, paalis na sana si Nicole ng tawagin sya ni Archie.

"Sandali lang mis. Saan ka pupunta, kailangan mong ipaliwanag ang lahat nang eto.." wika ni Archie. Samantalang si Cathy panay na ang iyak, di naman malaman ni Nicole ang gagawin, umiiyak si Cathy bakit? At nagtanong pa kung ano ang ibig sabihin ng lahat? Napakagaling naman ng kanyang amo pala magdrama parnasusukol na. Mabilis na umalis si Nicole at di na sya lumingon pa. Di naman makalabas si Archie para habulin eto, wala syang saplot sa katawan. Kaya nilapitan nalang nya ang humahagulhol na asawa..

"Bakit ka umiiyak? Kailangan ko ng paliwanag galing sayo Cathy?" wika ni Archie, nagulat naman si Cathy, dahil ang akala nya makakalusot na sya.

"Anong ibig mong sabihin, ikaw ang nakita kung iba ang kataba, bakit ako ang magpapaliwanag sayo?" tanong ni Cathy sa kabila ng pag-iyak nitu.

"Tama ka, nakakapagtaka nga Cathy iba ang katabi kong babae, pareho kayo ng soot, nasa labas ka at nasa loob sya, may hawak kang susi na pwedeng makapasok ng kwarto anytime.. Bakit Cathy ganoon ba ako ka-bobo sa tingin mo? Bakit mo ginawa eto?!" madiin ang mga salita ni Archie halatang galit eto..

"Wala akong alam sweetee sa sinasabi mo, nagpahangin lang ako at lumabas sandali.." pagkakaila parin ni Cathy.

"Stop it Cathy! Malalamin ko rin ang katotohanan, tell me sino ang babaeng iyon? Hindi mo kailangan magsinungaling Sa akin." wika ni Archie. Ngunit pilit na tinanggi parin ni Cathy ang katotohanan.

"Damn it!" sabay alis ni Archie at tinungo ang banyo.. Paglabas ni Archie agad etong nagsuot ng lanyang damit at akmang aalis..

"I'm sorry. Ginawa ko to kase natatakot akong mawala ka. Tama ka kilala ko ng ang babaeng iyon, binayaran ko sya para makipagsiping sayo ng saganun ay mabuntis sya at pagnagbunga ang lahat magkakaroon na tayo ng anak Archie. Diko maibibigay ang sangol na matagl mo ng gisto kaya eto lang ang nagawa kong paraan para maging masaya ka at ng saganoon ay wag kading magsawa na mahalin ako. Wala akong kakayahang magbuntis Archie, at diko rin kaya mawala ka. Patawarin mo sana ako.." paliwanag ni Cathy.. Sa narinig ni Archie lalo etong nagalit kay Cathy. Iniwanan nitu ang asawa na lalo namang lumakas ang pag-iyak..

The baby Maker  [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon