C H A P T E R- #11
Nagmamadaling isugod ni Archie sa malapit na Ospital si Nicole. Gusto nyang sisihin ang dalaga dahil binalaan na nya eto ngunit di naniwala sa kanya bagkus nanaig parin ang tiwala sa dating amo nitu. Nang makarating nang Ospital agad silang dinaluhan ng mga staff na nasa Emergency Room, maging ang mga eto ay tila nandidiri sa itsura ng dalaga.
"Anu ba? Kung makahawak kayo nang mukha nya para kayong diring-diri ah, kailangan nya ng agarang lunas para sa mukha nya!" asik ni Archie sa isang staff dahil sa nakita nyang reaksyon nitu, agad namang nataranta ang nurse sa pagbulyaw ni Archie.
Agad naman na binigyan ng pansamantalang lunas nang manggagamot ang nasirang mukha ng dalaga. Umaga na nang magising sya, mahapdi ang mukha nya, hinawakan nya ang parteng iyon napapalibutan iyon ng benda, halos mata lang nya ang walang takip at nahihirapan pa syang idilat ang mga iyon sa sobrang kirot.
Aaahhhhhh..
Ungol ni Nicole sa nararamdamang hapdi niyon, na sya namang pagising ni Archie.
"Ang mukha ko Sir Archie, anong nangyari? Ang sakit at ang hapdi.." wika ni Nicole..
Nalungkot naman si Archie sa pagdaing ng dalaga.
"Hayaan mo at tatawag ako ng nurse para bigyan ka nila ng gamot para di mo maramdaman ang sakit.." wika ni Archie..
"Huhuhuhuhu.. Ano bang naging kasalanan ko kay ma'am Cathy? Bakit nya ginawa sa'kin to? Akala ko.. Akala ko.. " dina na tuloy ni Nicole ang sasabihin pa, dahil nagsalita na si Archie.
"Binalaan kita dika nakinig sa'kin. Please Nicole stop crying makakasama sa dinadala mo yan, magiging maayos ang lahat, just be patient.." tugon naman ni Archie..
Naguluhan naman si Nicole sa sinabi ni Archie na makakasama sa kanyang kalagayan ang pag-iyak nya, anu ang gusto ng lalaking eto na matuwa sya ngayong pangit na sya?
"Bakit di mo sa'kin sinabi na buntis ka Nicole? Pati ba sa'kin kailangan mong maglihim? Akala ko ba, nagkakaintindihan tayo?" tila tampo naman ni Archie sa dalaga..
"What? Pakiulit ang sinabi mo? Buntis ako?" gulat na gulat namang tanong ni Nicole. Wala syang nararamdamang kakaiba sa kanyang katawan, pero delayed na nga sya, di naman nya binigyan yon ng pansin ang buong akala nya, delayed lang talaga ang pagdating ng kanyang buwanag dalaw.
"Nakita ng doctor, dalawang buwan kang buntis, kaya ingat na ingat sila sa pagbigay ng gamot sayo, nakakatampo ka naman, di mo man lang sa'kin nabanggit.." himig tampo parin nitu..
"Hindi ko alam, wala akong kakaibang nararamdaman na buntis ako, o may sanggol na sa sinapupunan ko.." sagot naman nitu sa binata.
"Naniniwala naman ako, nakita ko sa mata mo ang pagkabigla. Masaya ako para sa'ting dalawa it's a blessing, gift from God.." mahaba pa sana ang sasabihin ni Archie ng makaramdam nanaman si Nicole ng sakit sa kanyang mukha. Kaya naman nataranta syang lumabas agad ng kwartong iyon..
Ilang sandali pa ay dumating narin ang doctor na may hawak kay Nicole.
"Iha mabuti naman at gising ka na, gusto talaga kitang makausap para makapag desisyon ka rin sa tuloy-tuloy na pagpapagamot sayo. Marahil ay nasabi narin sayo nang asawa mo na nagdadalang tao ka, at kung magpapasurgery ka ngayon alam mong may kamahalan eto, nakadagdag pa ang pagdadalang tao mo, kailangan natin nang gamot na hindi maapektuhan ang bata, which is we need a big amount of money para gawin iyon.." paliwanag naman ng doctor nya..
Humugot naman ng malalim na buntong hinanga si Nicole. Galit sya galit na galit sya kay Cathy, pinagkatiwalaan nya eto di nya akalain na ganitu ang gagawin nitu sakanya.
BINABASA MO ANG
The baby Maker [Completed]
Fiksi Umum"If someone really loves you, your past is just an old story, and he/she will accept for who you are.."