The Interview

9.9K 197 2
                                    

        "Ms. Carrie delos Reyes?" dinig niyang wika ng babaeng lumabas sa may opisina. Narito sya ngayon sa kompanyang sinabi ni Denise noong nakaraang nagkita sila at dahil nga may kakilala sya sa HR hindi na nya kailangan ng initial interview, interview na agad with the boss. Halos abot abot langit ang panalangin ni Carrie na sana ay matanggap siya dito sa kompanyang ito. Kung tutuusin ay napakagandang oppurtunity nito para sa kanya. Maganda at malaking kompanya ang Wright Luxury Condominium and Hotel kaya napakaganda experience at dagdag credentials ito para sa kanya. Mas madali nyang makukuha ang inaasam nya kung madali syang makakahanap ng magandang trabaho.

        "Yes ma'am, andito po." wika nya.

        "Please follow me." agad naman siyang sumunod sa silid na pinasukan ng babaeng tumawag sa kanya.

        "Just wait for a while, Mr. Wright is just talking to someone on the line. Please have a seat" agad nyang tinunton ang upuang itinuro sa kanya ng babae.

Napakalaki ng opisinang iyon maaari na ngang maging isang buong bahay yun eh. Pero what do you expect may ari ng kompanya ang nag ookupa ng silid na ito kaya hindi na nakakapagtaka na ganito kagara ang opinsina nya.

        Makalipas lamang ang ilang sandali ay lumabas ang isang lalaking medyo may edad na sa isang silid doon. Hindi nya naisip na may isa pa palang kwarto sa silid na iyon. Bagamat may edad na ay mababakas mo pa rin sa kanyang itsura at tindig na talagang magandang lalake ito at maaaring madami na rin itong napaiyak na mga babae katulad ng mga kakilala nyang mga lalaking gwapo at mayaman. Para kay Carrie, that is the most dangerous and lethal combination na katangian na pwedeng taglayin ng isang lalaki. Bukod sa madaming babae ang agad na nasisilaw sa panlabas na anyo at pera, sila yung mga tipong paaasahin ka lang dahil alam nilang maaari din agad silang makahanap ng kapalit. Wala silang pakialam sa mga nararamdaman ng mga babaeng pinapaasa nya. At higit sa lahat parang meron silang undocumented golden rule na ang mayaman ay para lamang sa mayaman kaya ang mga ordinaryong babae ay hindi nila sineseryoso dahil feeling nila hindi sila bagay para sa kanila na animo diyos ang tingin sa sarili.

        Pero syempre hindi naman nya nilalahat meron pa rin namang mga lalaking mayaman, gwapo at mabait na kayang magmahal ng isang babae na higit sa lahat inspite of their differences and circumstances.

        "Oh sorry Ms..." sabay tingin sa hawak nito na sa tingin ni Carrie ay kanyang resume.

"Ms. delos Reyes. I'm Dominique Alexander Wright II please to meet you" sabay lahad ng kanyang kamay na agad namang tinanggap ni Carrie.

"So, I've seen your credentials and all I can say is I'm impressed. You graduated at Ateneo ng iyong Master's Degree at your young age. Maybe I can conclude that you are a genuis? Hahaha" wika nitong halatang hangang hanga sa kanya.

"You're praising me too much sir but I can confirm your conclusion that I was indeed have an above average IQ." sabi niyang proud na proud sa sarili. Sino nga bang hindi hahanga sa kanya eh accelerated sya at top of the class nung nag aaral sya. At naconfirm na din nya dati nung kumuha sya ng IQ test na above average ang IQ, actually close to genius na yun pero hindi nya iyon ipinapapalagay dahil feeling nya mas lalo syang maiiba sa karamihan.

"Well, I think my son is in good hands kung ikaw ang kukunin ko." 

"Po? Son? Sorry sir you had me at my disadvantage, may I ask what do you mean by that?" tanong niya.

"Oh, actually I'm hiring you not for me but for my son. You know medyo malikot kasi yun sa babae kaya ang daming issue ngayon sa kanya at nakakaapekto ito sa kompanya namin. I want you to fix that and from now on bantayan mo lahat ng ginagawa nya at huwag syang hahayaang gumawa ng kalokohan na makakasama sa image nya." paliwanag nito.

"Correct me if I'm wrong sir and please pardon my language, you are asking me to babysit your stubborn son?" diin niya.

"Hahahaha I like you. Sa tingin ko Ikaw yung tipo ng taong hindi basta bastang yumuyuko sa kahit na sino. Alam mo kasi my son is a difficult person at hindi ko sya pwedeng bigyan ng tao na madali lang nyang mapapasuko. Kailangan ko yung taong tulad mo na kayang ihandle ang tulad nya."  

"basically it's like that but at same time kailangan mong ayusin ang image nya so basically its half PR and half babysitting" humahalakhak nitong sabi.

"But Mr. Wright?!" pagtutol nya.

"I'll offer you 30,000 a month salary and allowance. Just accept the job. I can feel that you are perfect for this" nakangiti niyang wika.

Hindi birong halaga ang 30,000 lalo na sa panahong ito na sobrang gipit na talaga sya. Hindi madaling tanggihan ang iniooffer ni Sir Alex but kaya nya ba talagang gawin ito? Although he has a point, it's not really different from her previous job as a PR specialist sa advertising agency na pinagtatrabahuhan nya. The only difference this time is that she's working for  a specific personality.

Ngunit mas nananaig sa kanya ang pangangailangan niya sa pera.

"You know Ms. delos Reyes, I will give you all the privilleges to control my son. Just do what you think na makakatulong sa image nya. Ako ng bahala sa anak ko and since ako ang nag hire sayo kahit anong gawin nya hindi ka nya pwedeng tanggalin unless I say so." paliwanag nitong muli.

Huminga na lamang ng mallim si Carrie. Nararamdaman na nya kung ano ang katapusan ng interview na ito.

"Okay sir! I'll accept it". sagot niya

"We'll that's nice! I'll arrange it as soon as possible para makilala mo na ang anak ko."

Loving Mr. Wright (PUBLISHED UNDER DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon