Kaiden's POV
Pinuntahan namin ni Esther ang mga kasama namin at sinabihan sila kung saan kami magse-stay sa ngayon.Makalipas ng ilang minuto at nakarating na kami sa S86 building at pumasok kami. Kaya naman ata namin dito manirahan ng isang gabi.
Inilagay namin ang mga gamit namin sa living room at pumunta sa mga kwarto na kung saan magkahiwalay ang mga lalaki at babae.
Nakatulog na ang iba. Nagising ako ng madaling araw, at nakita ko sila Esther, Zabrina at Rina sa sala magkakasama.
Si Esther naiyak, Si Zabrina pinapatahan si Esther at si Erina naman ay mukhang may iniisip kaya nilapitan ko sila.
"Anong meron? Bat di pa kayo natutulog? At bakit ka naiyak Esther?" Tanong ko
"Di kami naantok, at gustong gusto na talaga namin makauwi" sagot ko Rina. Sabay tinuro ko naman si Esther na naiyak pa rin
"Nalulungkot lang, namimiss niya na ata mga kaibigan niya sa Universe natin" sagot ni Zabrina
"Matulog na kayo, kailangan pa nating maglakbay bukas" wika kk
"Bat ka nga pala nandito?" Tanong ni Esther habang nagpupunas ng luha
"Nagising ako eh, eh wala akong magawa kaya yun" sagot ko. Biglang humikab naman si Esther "Tignan mo, antok ka na pala di ka pa matulog. Kailangan magdrama bago matulog?" Biro ko sakaniya
Hinampas niya ako ng mahina "ano baaaa"
Humikab naman din si Erina "ako din eh naantok na din, matutulog na din ako"
"Tara na" yaya ni Zabrina
"Matutulog na nga lang din ulit ako hahaha" wika ko at lahat kami pumunta na sa mga kani-kanilang mga silid
*Kinaumagahan*
Third Person's POV
(8:30) Natutulog pa rin ang iba habang sina Zaime, Crystal, Ezrah, Martin, at Zabrina ay gising na. Nasa sala silang naguusap."So anong balak natin? Lahat ng stop natin, kailangan magpapahinga tayo ng gaya ngayon? Second night na natin toh mga teh at kyah! Kailangan na nating magmadali!" Wika ni Zabrina
"Eh anong magagawa natin? Napapagod din kami! Ikaw din, di ka ba napapagod?" Tanong ni Zaime
"Napapagod, pero kailangan na natin mag madali para makapahinga na tayo" sagot naman ni Zabrina
"Pwede naman tayong mag madali pero kailangan din natin magingat. Baka nakakalimutan niyo, may Queen tayong papatayin or papatayin din tayo kaya kung di tayo magiingat mamatay din tayo sa universe natin!" Paalala ni Martin
"Eh pano yan, di natin alam kung paano gamitin ang powers natin" wika ni Crystal
"It's time na ata mag-training para sa powers natin" wika ni Zabrina
"Baka nakakalimutan niyo, may matang makakakita ng gagawin natin at makikita tayo ng Evil Queen" wika ni Ezrah
"Kailangan muna natin maghanda ng plano, para maligtas tayo kung ano man ang mga pagsubok ang madadaanan natin" wika ni Zabrina
"Eh yung mata nga" wika ni Ezrah
Pababa naman sa hagdan si Esther "Magandang umaga mga binibini at mga ginoo" bati ni Esther
*Pababa na din ng hagdan si Kaiden "Dami mong alam" wika niya
Pababa din ng hagdan sina Stella, Jessie, Tasha, at Annie
Umupo sa Sofa si Esther "Manahimik ka, di ka naman kasama sa mga binabati ko" wika ni Esther
"Tsk" pagkainis ni Kaiden habang si Esther naman ay umirap na lang
"Yan nanaman kayo eh" wika ni Zabrina
"Magbati na ko" wika ni Martin
"Pake ko sakaniya" wika ni Kaiden
"Bahala siya sa buhay niya" wika ni Esther sabay tumayo at kinuha ang phone at sinaksak ang charger ng phone niya "Kung ayaw niya pwes mas ayaw ko"
"Walang nagtatano-" hindi natapos ni Kaiden ang sasabihin niya nang sumigaw si Rina habang nababa
"Tigil na!!"
"Ano ba? Lagi na lang ba ganto? Nahihirapan na nga tayong makabalik sa universe natin tapos magaaway pa kayo? Di ba pwedeng magtulong tulong na muna tayo? Kahit saglit lang? Pwede ba yun" wika ni Chase
"Umagang umaga nagaaway away kayo" sigaw ni Rina
"Sino ba kasing T*ngang nagdala satin sa kinatatayuan natin ngayon? Sino ba ang dahilan kung bat tayong naghihirap ng ganto?" Sigaw ni Esther
"Esrher! Gumalang ka sa mas nakakatanda sayo, tandaan mo ikaw pinakabata dito! Tsaka wag ka ngang magmura!" Sigaw ni Zabrina
"Bastos na kung bastos, kailangan ko din ipaglaban sarili ko" sigaw ni Esther at kinuha niya ang cellphone at charge niya at paakyat sa hagdan "tawagin niyo ko kung matitino na kayo kausap!" Sigaw niya muli ay nagdadabog paakyat
BINABASA MO ANG
TRAVELED FROM ANOTHER UNIVERSE
Fantasía*started filming* -Tasha "so I think we've fallen a hole here in a forest like world an-" -Stella "you think? or nahulog talaga tayo?" -Martin "stop it you two, nahulog na nga tayo lahat lahat mag-aaway pa kay-" -Ezrah "nahulog nga tayo, wala naman...