"Ang gwapo talaga ni Mr. President, no?" sabi ng kaibigan kong si Katelyn.Nasa auditorium kami ngayon at kasalukuyang nagsasalita ang Student Council President.
"Oo?" sagot ko sa kanya at ibinalik ang tingin sa harap.
Na pinipigilan ang sarili na sabihin ang tunay na nararamdaman. Hindi pa ngayon.
"Oo? Parang di ka pa sure!" hindi maka-paniwalang tanong nito.
Totoong gwapo naman talaga ang president. Chinito ito, matangkad, maputi at higit sa lahat ay matalino. Ideal guy ng halos lahat ng babae sa campus at isa na si Katelyn dun.
"Ang gwapo kaya! Mula ulo hanggang paa. Tsaka tingin ko may abs din siya." halos tumulo na ang laway ng nagpatuloy ni Katelyn.
Hindi inaalis ang titig niya sa binata.
Napailing nalang ako. Medyo may pag kamanyak talaga tong si Katelyn. Mahilig mangarap ng gising."Oo na! Oo na. " pilit kong pagsang-ayon sa kanya kahit alam ko naman totoo ang alahat ng sinasabi niya.
"Muli, salamat sa pakikinig." huling salita ng president bago bumaba ng entablado.
Medyo mahaba din ang naging speech niya. Pero hindi naman ako nakikinig. Dahil kung ano ang haba nito, ay ganun din kahaba ang pagdaldal ng katabi ko. Lahat ng kilos, kibot ng mga labi ni Mr. President ay napapansin niya. Lahat ng puri ay ginawa na niya. Hindi na ako magtataka na baka bukas makalawa ay gawan niya na ito ng imahe at sambahin.
"Tara na. Kumain na lang tayo." aya ko kay Katelyn. Kahit hindi pa tapos ang program at may nagsasalita pa kasi sa harapan.
Tumayo naman siya agad. Sa totoo lang ang president lang naman kasi talaga ang ipinunta niya. Kaya okay lang naman kahit na hindi na namin tapusin ang program.
"Emeged, emeged, emeged, emeged" nagulat ako kay Katelyn.
Habang naglalakad kami papuntang cafeteria ay hindi tumigil kaka omyged. Halos tumili at mangisay na sa kilig.
"Ano ba yan?" tanong ko sa kanya.
Pero sa halip na sagutin niya ako, ay pinanlakihan niya pa ako ng mata at may ininguso kung saan.
Pagtingin ko sa direksiyon ng tinuro niya ay napatampal nalang ako sa noo. Ofcourse! It's Mr. President! Bakit umalis siya agad?
Napansin ko na patungo rin siya sa cafeteria, siguro ay bibili din. Syempre ano nga bang ginagawa sa cafeteria? Tatambay siya? E, hindi pa nga tapos ang programa at 'di niya gawain iyon.
"Ako na ang o-order. Maghanap ka nalang ng upuan." sabi ko pagpasok na pagpasok namin sa cafeteria.
"Okay, yung dati ulit" nag-alangan pa siya.
Hindi mapakali, halos ayaw din pumayag dahil nakita niyang nasa counter si Mr. President.
Minsan lang ako mag-volunteer na mag-order dahil kapag ako ang oorder ibig sabihin ay libre ko. And knowing Katelyn she can't say no to free food even it's her chance to get close to her crush. Mas matibay parin sa kanya ang pagkain kaysa sa nararamdaman niyang paghanga kay Mr. President.
Um-order na ako ng lunch namin. Ang President naman ay bumili lang ng tubig. Sumulyap ako sa banda niya at nakitang nakatitig siya sa'kin. Agad din akong umiwas ng tingin dahil hindi ko mapigilan ang kakaibang tugon ng aking katawan sa tingin niya.
Pagtapos kong kunin ang mga pagkain namin ay nakita kong dali dali lang din siyang umalis. Isang buntong hininga ang ginawa ko. Ano ka ba sanay ka na, diba? Sabi ng utak ko.
BINABASA MO ANG
Sweet Clandestine
RomanceEveryone has a secret, some people have dark secrets, But Sofia Hernandez? She has a sweet secret A Sweet Clandestine...