Chapter 2: Sweet Beginning

20 4 2
                                    

Chapter 2: Sweet Beginning

Flashback
Jan 7,2018 sunday

Masaya ang paligid, marami ding pagkain at pormal ang suot ng lahat. But here I am stuck in the corner, I'm not really fan of socializing. Ngingiti lamang ako pag may tumingin sakin. Paminsan-minsan may dumadaan at binabati ako.

"Sofia my dear, we're just going to Mr. Ramon to congratulate him, do you want to come with us?" Tanong sakin ni Mommy. Umiling lamang ako bilang tanggi.

"Okay, let's go hon" Aya ni Mommy kay Dad bago sila umalis sa table namin. Andito kami ngayon sa celebration ng Anniversary ng Company of Mr. Ramon -bussiness partner ni Dad.

Hindi naman ako mahilig sa mga ganitong party. Sumama lang ako dahil pinilit ako nila Mommy na pumunta dito, mahalaga sa kanila to. Hindi lang kasi bussiness partner si Mr. Ramon dahil base sa kwento ni Daddy ay bestfriend niya rin ito.

Ang venue ng party ay sa bahay mismo ng celebrant. Magarbo ang bahay nila kaya naman may sarili silang pinagdadausan ng ganitong klase ng kasiyahan. Sa paligid naman ay may mga nag-uusap tungkol sa bussiness. Iilan lang ang nakikita kong mga kaedaran ko na marahil ay mga anak din ng mga businessman.

Lumabas muna ako para maka langhap ng sariwang hangin. Medyo malamig na ngayon, gabi na rin kasi. Nasa harap ako ng fountain sa garden nila. At may ilaw din kaya hindi masyadong madilim. Umupo ako sa isa sa mga bench na nandito. Walang tao sa paligid  lahat sila ay nasa loob. Tunog lang ng tubig mula sa fountain ang naririnig ko. 

December na kaya malamig talaga ang panahon at isa pa ay naka-spaghetti strap ako ngayon. Mabuti na lamang at long gown ang sinuot ko kaya kahit papaano ay hindi naman malamig sa bandang binti ko.

Naramdaman ko na parang may gumagalaw sa paanan ko. Napatayo ako sa gulat ng may mabalahibong nilalang na nasa lupa. Tsaka ko lang nalamang pusa ito nang tumingala ito sa akin. Siberian cat pala, mabalbon kasi ito kaya mapagkakamalang tuta.

Yumuko ako para kunin siya pero agad siyang tumakbo. Napansin ko na parang may sugat ata siya dahil pa ika-ika ang takbo niya.

Hinabol ko yung pusa, medyo mahirap tumakbo dahil naka 6 inch stiletto ako, medyo bumabaon din sa lupa ang heels ko. Kung kanina ay natutuwa ako dahil naka-long gown ako, ngayon ay hindi na dahil hindi ako maka-hakbang na maayos. Ang gown ko kasi ay fit na fit sa katawan, pa-mermaid style ito kaya umaabot hanggang sa lupa.

"Hey!" Tawag ko sa pusa, hindi ko alam kung naintindihan niya ba yung sinabi ko pero huminto naman siya.

Agad ko siyang binuhat ng maabutan ko siya. Baka kasi tumakas ulit. Tiningnan ko ang pa ika-ika niyang paa, wala namang sugat siguro ay naapakan siya ng mga tao sa loob.

"Mingming" isinandal ko siya sa dibdib ko. At  pinat-pat ko ang ulo niya. Hindi ko alam kung kanino to siguro ay sa kapitbahay o kay Mr. Ramon.

Naalala ko tuloy ang aso kong si Gushi, wala akong pusa pero meron naman akong aso. Cat is also cute especially this one but maybe I like dog more than cat.

Napansin ko na nasa medyo madilim na part na ako ng garden kaka-habol sa pusang ito. Babalik na sana ako sa pwesto ko kanina pero nagulat ako ng may tao sa likod ko.

Matangkad na lalaki. Formal ang suot at siguro ay kaedaran ko lang.

"Is this yours?" I asked him when he doesn't leave his gaze on cat.

"Yes" sagot niya. "Can I?" sinenyas niya na kukunin niya na si Mingming, may pangalan na agad ang pusa sakin.

Agad ko naman pinasa sa kanya ang pusa. Akala ko pa naman ay mag-kakasama pa kami ng matagal.

Sweet ClandestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon