[A/N] Hello my dear readers. Another one-shot. Bigla lang pumasok sa isip ko tong story. xD Pagpasensyahan niyo na. I'm suck writing one-shots. So please bear with me. :))) Please vote/comment po ha.. thank you! =)]
W I S H.
“Nasaan na ba si Gretch. Kanina ko pa tinatawagan eh. Hindi sumasagot.” Reklamo na ni Reese kay Abby habang dina-dial ang number ng best friend nilang si Gretchen. “Gutom na ako Abby.. Ikaw ba?”
“Okay pa naman ako.” Ani ni Abby sa kaibigan.
“Tara lakad muna tayo sa banda roon. Baka may Makita tayong murang makakainan. Nasaan na ba kasi yung babaeng yun. Hindi sumasagot!”.
Hanggang may nakita silang parang food court sa kung saan sila naroon. Pero open area ang lugar. Pumili sila ng kakainan. Bumili na lamang si Reese ng pagkain niya.
“Tinatawagan ko si Luther, hindi man lang sumasagot.” Sabi ni Abby. Hindi kumibo si Reese sa sinabi ng kaibigan dahil busy tong kumakain.
Hanggang sa nagulat na lamang si Reese ng nalaglag sa sahig ang cellphone ni Abby. Nakatakaw pansin iyon sa ibang taong nasa paligid.
“Bes…anong…” Putol nito at dinampot cellphone. “Luther dialing…” Kita nito sa screen ng cellphone ng kaibigan nang biglang tumakbo palayo si Abby sa kinaroroonan nila. Mula sa kinatatayuan ni Reese ay tinanaw niya ang direksyon ang dahilan nag pagkaganun ni Abby. “Gretch... Luther?”
Hinabol nito si Abby ngunit bago pa niya ito maabutan ay patawid na ito sa highway. “Abby wait!” Sigaw ni Reese. Nakita nitong may paparating na bus. “ABBY!!!!” Sigaw ulit nito ngunit huli na ang lahat. Nasagasaan si Abby ng bus.
--
Sa Ospital…
“Kasalanan nyo to! Ang kakapal ng mukha ninyo na pumunta dito! Eh mga taksil kayo!” Galit na tono ni Reese. “Lalo ka na Gretchen! Naturingan nating bestfriend si Abby! Bakit mo nagawa sa kanya to?”
“Reese. Mali kayo ng nakita ni Abby.” Giit ni Gretchen.
“Mali? Eh mismong dalawang mata ko. Nakita kung anu yung ginawa ninyo!” Reese kay Gretchen.
“STOP!!!” awat ni Luther. “Pwede ba! Hindi nakakatulong yang pagtatalo ninyo! Please get out of this room. Hayaan niyo muna kami ni Abby.” Habang si Abby nakaratay sa hospital bed.
Walang malay. May benda ang ulo. Lumapit si Luther at umupo sa tabi ni Abby.
BINABASA MO ANG
WISH (JADINE ONE-SHOT)
Teen FictionSabi nila, “Be careful what you wish for…” eh ano naman masama sa pag-wi-wish? Ang sabi naman sa palabas sa pinapanuod kong fairytale drama series .. “Every magic comes with a price...” Sana nga totoo nalang si Rumplestiltskin. Para pwede ko hil...