CHAPTER 1: How It Started

127 5 2
                                    

(A/N: Ito na naman po ako, si author! XD pasensya na ulit kung magkaroon ng maraming typo. :P And may "pagka-humorous" po yung story ko pero ako lang siguro ang matatawa sa mga ginawa ko. haha! baliw na ako! thank sa paghihintay ma-update... kung may naghintay man... TT_TT anyway, next chapter magde-dedicate na ako kahit kanino... idini-dedicate ko ang chapter na ito sa aking sarili... FOREVER ALONE! Ito na nga! Bwisit si author, inubos oras niyo sa Author's Note! XD hahaha! Yun nga lang, hindi po ito author's note, authors message na. :P Ayy naku! Ito na talaga. PROMISE! Mag-enjoy kayo and feel free to leave a comment at kung may awa kayo, i-vote niyo po. :D Have a great read!)

CHAPTER 1: How It Started

"Rhian!" Tawag sa'kin ni Jennifer.

"Jennifer. =D" I gave her a smile. Tumatakbo siya papunta sa'kin with… uhmm… a worried face? Wait, don't tell me may away na naman. =.= Lord, wag naman po sana. Monday na Monday and birthday ko pa po ngayon so please po…

"Anyareh?(Anong nangyari?) May bugbugan ba?"

"Meron and hindi lang bugbugan, royal rumble pa!" Hinihingal na sagot niya.

"What do you mean?"

"Grupo ang nagbubug-bugan ngayon eh!"

"Eh?"

"Lika na!" Sabi niya.

Nauna siyang tumakbo papunta sa hallway pero pagdating ko dun, wala na siya. Wait, asan yung away? Asan siya? What the happen!? O_O

*WIIIIIIIIIIIIT!!!*

I heard a whistle and when I turned, I saw Michael. Lumapit agad ako sa kanya to ask.

"May nakita ka bang---"

"HAPPY BIRTHDAY!!!" students, faculty and staffs greeted me.

"Oh… My…"

"Love." Dugtong ni Michael.

"Ayeeeeee!!!!" Pangaasar nila.

"Sorry Rhian kung pinag-alala ka namin ah, lalo na ako." sabi sakin ni Jennifer.

"Ok lang yun. Teka Michael, ikaw may plano nito noh?"

"Uhmmm… Eh… Ano… Uhmm… Parang ganun na nga."

Ang cute ng itsura niya kapag kinikilig!!! >//////////<

So, dahil birthday ko ngayon, NO CLASSES. Yehey!!! Akala ko nakalimutan nila ako kasi ni isang tao na nakasalubong ko, walang bumati sa'kin eh! T_T For Seniors like me, sine-celebrate ang birthdays namin dahil nga graduating na kami and hindi na kami mag-aaral sa school na ito. I'm studying here at Northville Academy, school na pagmamay-ari ng tito ko na si Ky Rodriguez. This school is open for Pre-school to college.

The party ended at around 5:00pm. Naglinis na sila and isa-isang umuwi.

"Andami mong gifts ngayon ah!" sabi ni Xander.

"Inggit ka?" tanong naman ni Seantal, girlfriend niya.

"Yes baby."

Ayy grabe lang, naglalambingan na yung dalawa oh. =.=

"Don't be jealous! I will give you more than those!" tapos parang in-spread niya yung arms niya in a way na gumawa siya ng big invisible circle-shape using her arms.

"Really?" tapos parang nag-twinkle yung eyes ni Xander. (*_*)

"Of course!" Then she showed her hand. "Give me money and I'll buy you gifts!"

"Hahaha!!! Pare, basag ka lang ah!" sabi ni Arthur.

Nagtawan ang lahat sa sinabi ni niya.

"Oh siya, itigil niyo na yang lambingan ninyo at pupunta pa tayo sa Heels Paradise." Sabi naman ni Michael.

Lumabas na kami ng building at pumunta sa limousine niya. Habang nasa biyahe, nagpahinga sila habang ako, pinagmamasdan yung view na nadadaanan ng kotse hanggang sa makarating kami sa aming destination.

"Guys, gising na. We're here!"sabi ko. Bumaba na kami isa-isa at pumasok na sa Heels Paradise. Ito ang tambayan namin- second family actually. Ito ang tirahan ng pinakamamahal naming mafia group, siyempre alam ng parents namin 'to kasi sila ang nagpasok sa'min dito. Andun pa ang iba naming mga kasamahan, wait, it's different here. Why are they so quiet?

"Hey guys! Bakit ang tahimik ninyo?" Tanong ni Seantal. Akala ko ako lang ang nakapansin eh.

"Oo nga." Pagsang-ayon ni Xander.

"Eh kasi," a random started. "Aalis na kayo. Mahihirapan kami mag-adjust."

Nang marinig ko yun, natahimik din ako at nalungkot pero pinilit kong ngumiti.

"Guys, ok lang yun! Andyan naman parents natin para i-guide tayo sa mga dapat nating gawin dito eh." nakangiti ko pa ring sabi.

"Kahit na! Iba pa rin kapag kayo  ang kasama namin." Sabi ng isa.

Para hindi na kami malungkot, ito na lang ang nasabi ko.

"Kahit anong mangyari, kahit sino pa ang umalis, tandaan ninyo, kapag kailangan niyo kami, darating kami. Aalis lang naman kami. It doesn't mean na iiwan na namin ang aming positions and responsibilities. Kailangan lang muna namin mag-rest dahil aasikasuhin din naman namin ang family bisuness, ok? Wag na kayong malungkot. Let's be happy! Birthday ko ngayon ah. Don't tell me nakalimutan ninyo." Kunwari nagtampo ako and with that, nagsitayuan sila at nag-group hug kami. We partied again and it last until 12 midnight.

"Hatid na kita." Sabi ni Michael sa'kin.

"Wag na. Andiyan naman yung driver namin eh."

"Ganun ba? O sige. Ingat ka na lang." after we talked, he gave me a goodnight kiss.

"Good night, baby."

"Good night din."

The Wrong OneWhere stories live. Discover now