CHAPTER 5: Knight-Damsel in Shining Dress :>

39 3 2
                                    

CHAPTER 5: Knight-Damsel in Shining Dress :>

Matagal-tagal na rin mula nung araw na yun… yung 'hostage-taking' day. And hindi pa rin kami nagkikita-kita ulit. Kami pa lang ni Michael ang nag-uusap and nagkikita pero once a week lang, minsan nga once every two weeks eh. Parang ayaw nga niya makipag-usap sakin eh. Ewan ko ba kung bakit.

So, andito ako ngayon sa labas ng office, pauwi na. Dumating yung sundo ko kasi galing ako ng work, lumipat na ako ng company and I actually moved into my newly bought condo. Sinabi ko kay manong driver na maglalakad na lang ako, I really wanted to get fresh air and mag-isip isip na rin about samin ni Michael.

Haay grabe! Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin sa relationship namin ni Michael. Makikipag-break na ba ako o hindi? Ayy wait lang, nakakagutom pala mag-isip… (-.-) At kanina pa ako paikot-ikot at nahihilo na rin.

"Makadaan nga muna sa mini – ay anak ka ng halimaw na mamaw!"

Ano ba yun! nanggugulat naman si bakulaw oh! Ang lalim-lalim ng iniisip ko, bigla akong hinila.

"Hello miss, gusto mong sumama samin?"

"No thanks."

Inalis ko yung braso ko sa pagkakahawak niya sakin pero hinawakan ulit ako.

"Sige na miss, saglit lang."

"Sinabi na nga na–"

"Leave her alone." Swabeng sabi nung lalaki. Wow, handsome voice ah. :P ang landi ko talaga! XD

"Tumigil ka na Drew ah! Hindi ka pa rin ba natututo at gusto mo bang maturuan na naman ng leksyon ng seniors?"

Seniors? Seniors ng ano?

"Alam kong tama ang ginagawa ko kaya kahit ilang beses niyo pa akong takutin diyan sa leksyon-leksyon niyo, hindi ako matatakot."

"Ahh ganun ah…" parang nag-iba yung tono ni bakulaw. Seryoso na ata, kanina kasi nagbaqbanta pa lang eh.

"Boys! Give him the lesson."

Ang daming lalaking lumabas… may dalang mga gadgets.

Ayy hindi! Joke lang, mga bakal na bilog. Ano bang tawag dun?

"Alam mo Drew, kahit kailan talaga, hindi ka na natuto. Sige na, umpisahan niyo na ang discussion."

"Teka mamaw, anong gagawin niyo sa kaniya!?" Tanong ko.

"Hindi mo ba narinig, tuturuan nga namin ng leksyon!"

Tapos, nakita ko na lang na binubugbog na nila si oh-so-gentleman guy.

Ayy grabe! Gusto ko siyang tulungan kaso hindi ko magawa. Bukod sa gutom at nahihilo na ako, hawak pa ako nung mamaw.

Bakit ganun, hindi siya lumalaban? Adik ba siya?

Biglang nagising yung katawan ko. Hindi ko alam kung paano ako nakawala kay mamaw, bigla na lang kasi kumilos yung katawan ko eh. At the moment na hawak niya yung sikmura niya dahil sobrang nabugbog na siya, andun na ako at nakikipag-laban. I don't knopw pero na-realize ko bigla na sobrang weak nila.

"S-sino ka b-ba, m-miss?" tanong nung isa kong binugbog.

"Wala ka ng pakialam dun."

"B-baka g-gusto mong… s-sumali sa'min." naghihingalong sabi ni mamaw.

"Wala akong balak sumali sa mga weak guys like you."

Pagkatapos kong sabihin yun, lumapit ako kay Mr. Gentleman at sinabit sa balikat ko.

The Wrong OneWhere stories live. Discover now