//PROLOGUE//
[DYLAN's POV]
"Kailangan ko na ng apo, hijo," hindi pa man dumidikit ang puwet ko sa upuan sa opisina ni tanda, ang Lolo ko, 'yon kaagad ang narinig ko. Apo? Bakit naman? Saka bakit sa akin niya sinasabi?
"Anong apo? Marami ka na nun kaya bakit kailangan mo pa ng apo?" I asked. Kinuha ko ang chewing gum na nasa bibig ko at ipinadikit sa isa pang upuan. Natawa ako sa aking isipan. I'm pretty sure na kawawa ang makakaupo sa chair na 'yon.
"Nakikinig ka ba, apo?" nagtataka akong napalingon kay tanda. Wala sa sariling napatango ako sa tanong niya. Tsh! Nasa chewing gum ang focus ko kaya bahala siyang dumada.
"So, payag ka na?" muling tanong nito. Huh? Payag saan? It's really hard when you're not listening carefully. Sobrang out of place talaga.
"Ah, oo naman," nakangiting peke na sagot ko kahit na hindi ko alam kung ano ba ang tinanong sa akin ni tanda?
"Great! Hindi mo ako nabigo, hijo. Bad boy ka para sa lahat, but this time masasabi kong good boy ka na," nakangiting saad nito. Para siyang ewan? Naglakad siya papalapit sa puwesto ko at muntik na akong mapahalakhak nang bigla siyang umupo sa kabilang upuan kung saan ko idinikit 'yong gum. Pftt, I couldn't imagine na ang CEO ng company ay pupunta sa meeting niya mamaya na mayro'ng nakadikit na chewing gum sa pants niya. Disgusting! Isn't he?
"So, kailangan bago ako mapalitan ng dad mo bilang CEO ay mababalitaan ko na may apo sa tuhod na ako sa 'yo," masayang saad nito. Napatayo ako sa matinding gulat. Nagtataka naman siyang napatingin sa akin.
"Apo sa tuhod sa akin?!" gulat na tanong ko. Ano'ng apo sa akin? Nasisiraan na 'ata ng ulo si tanda.
"Yes. Pumayag ka na 'diba?"
Damn it! Iyon pala ang tanong niya? Stupid! Kung alam ko lang hindi sana ang isinagot ko.
"No! I didn't!" mabilis na sagot ko.
"Why me? I'm just 18. Bakit hindi mo na lang hilingin 'yan sa iba ko pang pinsan?!" gulat na tanong ko. Nawala tuloy ako sa mood.
"Ayaw rin nila. Babae ang iba mong pinsan. Mas okay na sa apo kong lalaki muna ako magkakaroon ng apo sa tuhod. At ikaw na lang ang chance ko sa ngayon," sabi nito na tila namamangha pa. Bakit ba gusto na niyang magkaapo sa tuhod? P'wede naman niyang pakiusapan ang iba ko pang pinsan na lalaki.
"That could not happen. Wala pa akong asawa."
"Hindi ko naman sinasabi na kailangan mo ng asawa para magkaanak. All you need to do is find your baby maker. P'wede ring sa girlfriend mo. Pag-usapan ninyo ng mabuti. May girlfriend ka naman siguro 'diba?" girlfriend? Wala ako nun, kalandian lang mayro'n.
"Of course, may girlfriend ako," pagmamayabang ko. Tsh, kahit wala naman talaga. Ayaw ko lang talaga ng seryosong relasyon. Sobrang corny kaya nun.
"Pumayag ka na kanina kaya wala ng bawian," nakangiting saad nito saka tinapik ang balikat ko.
"Paano kung bawiin ko?" tumayo 'to bago kumindat sa akin.
"Alam mo na. Mawawala lahat sayo," sagot nito. Damn! My bank account, RC, condo at kung ano pa, lahat ng 'yon kaya niyang bawiin.
"Good luck, apo," saad nito at nagpatuloy sa pagpirma ng mga papeles. Inis akong napatayo sa kinauupuan ko. Damn that old man! Kung alam ko lang, hindi na sana ako nagpakita sa kanya. Mas gusto ko pang gumawa ng kagag*han kaysa gumawa ng bata!
*****
[HER POV]
Nakaupo ako sa isang tabi sa cafeteria at kumakain ng fruit salad. Masyadong maingay ang mga estudyante. Mayro'n silang kani-kanyang mundo. Pero mas nakakapukaw ng pansin ang grupo ng mga sikat rito sa school. Kung makapag-ingay akala mo sila lang ang tao rito. Natigilan lang ang lahat nang may biglang tumilapon na kung ano. Inangat ko ang tingin ko at nakita kong nagkalat ang mga basura sa sahig. Mayro'n kasing sumipa ng basurahan. Napailing na lang ako nang makilala ko kung sino ang may gawa nito. The bad boy! Wala talagang pasintabi kahit sa mga kumakain man lang. Naglakad 'to patungo sa table niya, ng mga sikat. Binati siya ng mga kaibigan niya at tudo lingkis naman ang mga babae niya. Hindi lang bad boy kundi playboy din. Muling nag-ingay ang grupo nila. Masyado ng nakakairita.
BINABASA MO ANG
She's My Innocent Baby Maker (Monteverde Series #1)
RomanceBakit sa sobrang dami ng babaeng nagprisinta na anakan niya, ako pa na hindi interesado ang napili niya? No. 1 in prank MONTEVERDE SERIES #1: Dylan Sion Monteverde