[DYLAN's POV]
"What are you thinking? Malalim 'ata ang iniisip mo, baby." Saad ni Shana saka tumabi sa akin. Nandito kami ngayon sa classroom. Recess time naman kasi at tinatamad akong pumunta sa cafeteria kaya tumambay na lang ako rito sa classroom, pero 'tong si Shana ay tumambay din dito. Tsh, makikipag flirt lang naman siya kaya siya nandito. Iniisip ko pa rin ang naging pag-uusap namin ng babaeng 'yon. Mukha na nga siyang inosente pati ba naman ugali niya gano'n din. Masyado akong nakampante na maiintindihan niya kaagad ang mga sinabi ko. Hindi niya pala naintindihan. Slow!
"About ba sa nangyari kanina? Dahil ba kay Mico?" Tanong nito. Si Mico ay ang isa sa mga kasamahan ko. Siya 'yong bumato ng bola kay Benji at ang nagtangkang bumato kay Selena. Sinalo ko ang bola, but it doesn't mean that I'm concerned to her. Hell! Wala sa bukabularyo ko ang salitang 'yan. Sadyang nagpakitang gilas lang ako kay Selena. Bakit? Dahil may kailangan ako sa kanya. Na challenge ako sa kanya. Nag-iba ang pananaw ko sa sarili ko. All my life akala ko lahat ng gusto ko makukuha ko, akala ko lahat ng babae in and out of school ay nauulol sa akin at akala ko isang salita o tingin ko pa lang mapapasunod ko na sila, pero dahil kay Selena naging "AKALA LANG ANG LAHAT"
"Nope." Tipid na sagot ko.
"So, ano ang iniisip mo?" Muling tanong nito.
"Wala." Tipid na sagot ko. Nagulat ako nang biglang umupo si Shana sa lap ko. Tsh!
"Hindi ka ba nagugutom? Recess tayo, baby." Malanding tanong nito. Umiling na lang ako bilang sagot. Balak ko na sana siyang itulak, pero bigla na lang niya akong hinalikan sa leeg ko. Siguradong magkakaroon ako ng hickeys dahil sa ginagawa niya.
"Shana, ano ba." Naiiritang sabi ko habang itinutulak siya, pero tila hindi man lang siya nakikinig sa akin. Damn! Wala ako sa mood ngayon. Natigilan ako sa pagtulak kay Shana nang mapatingin ako sa bintana. And there I saw Selena watching us. Walang kahit ano sa pagtitig niya. She's damn innocent.
"Ouch!" Daing ni Shana nang itinulak ko siya ng sobrang lakas. Napatayo ako nang wala sa oras.
"Why did you do that?" Tanong ni Shana nang makatayo siya. Hindi ko siya pinansin dahil kay Selena ako nakatingin.
"Sino ba ang tinitingnan m__ that girl?" Tanong ni Shana na sa tingin ko'y nakatingin na rin kay Selena. Nagsimulang umalis si Selena. I don't know why? Pero bigla na lang akong tumakbo palabas ng classroom. Natigilan ako sa pagtakbo nang mapagtanto ko kung ano 'tong ginagawa ko. Bakit ko sinusundan si Selena? Bakit ko naitulak ng gano'n si Shana? Bakit ako umaarte ng ganito? Ano ba ang pakialam ko kung nakita niya kami ni Shana? F*ck! Wala! Walang-wala.
Namulsa ako at bumuntong hininga. Don't be guilty, Dylan. Si Selena lang 'yon kaya walang malisya ang nakita niya. By the way, kailangan ko rin pala siyang kausapin mamaya dahil gusto kong malaman kung papayag na ba talaga siya.
*****
[SELENA's POV]
Naglalakad na ako pauwi. Pero habang naglalakad ay kung anu-ano ang iniisip ko. Bakit kaya gano'n? Hindi mawala sa isip ko si Dylan at Shana? Hindi ko naman sinasadyang makita ang ginagawa nila. Napadaan lang talaga ako sa classroom nila. Akala ko kasi no'ng una nililinisan lang ni Shana ang leeg ni Dylan gamit ang labi at dila nito. Kaya naman tiningnan ko talaga ng mabuti, pero mukhang nagkamali ko. Baka nagalit si Dylan sa akin. Huhu, baka isipin niya sinisilipan ko sila. Wahh! Hindi gano'n 'yon.
"Hoy." Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang sumulpot sa harapan ko si Dylan.
"D-dylan, bakit?" Napatingin ako sa paligid. Thanks God dahil walang ibang tao. Safe ako.
"Payag ka na?" Seryosong tanong nito. Bigla akong kinabahan. God! Wala pa rin akong sagot. Seryoso ba talaga siya sa baby maker na 'yon?
"Bakit ako pa?"
BINABASA MO ANG
She's My Innocent Baby Maker (Monteverde Series #1)
RomanceBakit sa sobrang dami ng babaeng nagprisinta na anakan niya, ako pa na hindi interesado ang napili niya? No. 1 in prank MONTEVERDE SERIES #1: Dylan Sion Monteverde