[DYLAN's POV]
"Abot hanggang Korea ang ngiti mo, ah. Anong mayro'n, Dyl?"
Tanong ni Aikeel. Magkasabay kaming naglalakad sa corridor. Lahat ng babaeng madadaanan at makakasalubong namin ay tudo tilian. Sanay na ako sa setup na 'to kaya hinahayaan ko na lang.
"Hulaan mo." Nakangiting sabi ko.
"Hmm, binawi na ng lolo mo ang hiling niya?" Panghuhula nito.
"No. Kung totoo lang 'yang sinabi mo hindi lang ngiti ang magagawa ko baka nagpaparty pa ako kung totoo ngang binawi ni tanda ang hiling niya." Sagot ko. Sumimangot naman siya.
"Eh ano ba? Ah, siguro may naikama kang magan___" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya.
"Ul*l! Ang bastos ng bibig mo." Asik ko rito.
"Nagsalita ang hindi bastos ang bibig." Natatawang sabi nito. Babatukan ko sana siya, pero nakaiwas ang loko.
"Haha, alam ko na." Bigla niya akong inakbayan. "May baby maker ka na?" Nae-excite na tanong nito. Napangiti naman ako saka sunud-sunod na tumango. Damn it! I couldn't explain. 'Yong tipong ang saya-saya ko dahil may baby maker na ako. Hindi man lang ako nahirapan na mapapayag si Selena. Feeling blessed ang isang Monteverde ngayon. Haha, I considered na dahil sa pagbabanta ko kay Selena na paalisin siya sa school ay ang naging rason niya para pumayag sa gusto ko. Well, siguro dahil graduating na siya sa senior high then malaking kawalan para sa kanya kapag napaalis siya sa school. Big deal na kasi kapag nakapasok ka sa school namin.
Kagabi after niyang pumayag bigla na lang siyang umalis. Hindi ko na rin pinansin kung bakit parang nagmamadali siya at parang hinahabol. Baka drama niya lang 'yon.
"Woah. Talaga? At sino naman ang masuwerteng babae?"
"Selena." Bulong ko sa kanya.
"Emery? What? Siya ba talaga?" Muntik ko na siyang masipa palayo sa akin dahil medyo lumakas ang boses niya.
"Ayos-ayusin mo nga ang reaction mo." Medyo naiinis na sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang natawa.
"Okay. Take two." Hinintay ko kung anong gagawin niya.
"Emery. What. Siya ba talaga." Bulong nito then 'yong mukha niya wala man lang kahit anong reaksyon. Pareho kaming natahimik at maya-maya pareho kaming natawa. Mukha kasi siyang ewan.
"Grabe. Ang pangit ng pagmumukha mo." Tudo tawang sabi ko.
"Oo nga. Kasing pangit ng pagmumukha mo." Tudo tawa rin na sabi ni Aikeel.
"Loko ka. May problema ka, ah?!" Pinakita ko sa kanya ang kamao ko.
"Joke lang, Dyl. Ang gwapo mo nga. Sa sobrang gwapo nababakla na ako sayo." Malumanay na sabi nito sabay kindat sa akin. P*kyu talagang Aikeel 'to. Ang bakla! Parang walang girlfriend. Napahinto kami sa pagbibiruan nang makita naming paparating si Selena.
Katulad ng dati, ganito pa rin ang ayos niya. Walang taste. Masyadong manang. Ang inosenteng mukha nito ang mas napansin ko. Parang hindi siya nakatulog ng maayos. Siguro iniisip niya ako kagabi? Iniisip niya ang katangahang ginawa niya sa akin. Niyakap niya pa ako nang walang pasabi! Kawalang galang 'yon.
"Mukhang puyat na puyat ang baby maker mo, ah. Pinuyat mo ba siya kagabi? Nagsimula na ba kayong gumawa ng milagro?" Pabulong na tanong ni Aikeel habang nakatingin kay Selena na naglalakad papalapit sa amin.
"Hindi noh. Wala akong kinalaman d'yan."
Tumango naman 'to.
"Psttt." Ani ni Aikeel nang dumaan si Selena sa tabi namin. Tumigil naman siya sa paglalakad at tumingin sa amin ni Aikeel.
BINABASA MO ANG
She's My Innocent Baby Maker (Monteverde Series #1)
RomanceBakit sa sobrang dami ng babaeng nagprisinta na anakan niya, ako pa na hindi interesado ang napili niya? No. 1 in prank MONTEVERDE SERIES #1: Dylan Sion Monteverde