After 2days...
"Hello?"
" Hi Kamusta naman bakasyon mo diyan?"
"Oh Anna, ikaw pala. Ito ayos naman." Sagot ko.
"Bakit ka nga ba biglang nagbakasyon?" Tanong niya.
"Wala lang!" sagot ko.
*toot* *toot* *toot*
Ay. Biglang nawalan ng signal?!
Sakto namang nasa 1st floor na 'tong elevator. Lumabas agad ako at naglibot libot na.
Naka- tube bra and short lang ako at naka-bun-style yung buhok ko.
Hawak ko yung cellphone nang maalala kong wala pa pala ako kahit isang picture man lang sa beach na 'to. Kaya naman kahit nakakahiya nagpicture-picture na lang ako kung saan man ako mapadpad.
Sa kakalakad ko napunta ako sa part ng beach kung saan may mga nagtitinda ng mga gamit pang-souvenir.
Magagandang key chain, printed shirts, cups; may mga pagkain din kaya naman na engganyo akong tumingin tingin.
"Miss, magkano po itong key chain na pang couple?" tanong nung isang buyer.
"100 po" sagot nung tindera
Napalingon naman ako dun sa tinatanong niyang key chain na pang couple. Hmm, maganda naman.
Patingin tingin lang ako sa mga tindahan ng may maramdaman ako...
"Shit!" gulat na sabi ko na mahina. Sabay sapo sa dibdib ko. Shit. Saan naman napunta yung tube bra ko?
Kinuha ko muna yung isa sa mga binibentang t-shirt sa tindahan na nasa harap ko at dahan dahan na sinuot.
"Ah! Miss, 180 po iyan!" sabi nung tindera nang mapansin niyang kumaha ako ng t-shirt at sinuot yun!
Hindi ko na pinakinggan yung tindera at naglakad.
"Miss binibenta po yan... Miss... Miss!"
tawag nung ale. Pero hindi ko pa rin pinanansin.
Lumingon lingon muna ako baka may nakakita sa akin na naka hubad. Hinanap ko rin kung saan napunta yung bra ko.
Napansin ko naman yung grupo ng lalaki na may mga hawak na surfboard.
Uh? Paano napunta yung bra ko sa skeg ng surfboard niya! Nakakainis naman oh. Lagot na ako nito, paano ko kukunin yung bra ko na yun.
Sinundan ko sila habang sinusubukang kunin yung bra ko pero mukang dapat ko ng hindi kunin dahil nabutas na rin yung sa bandang kawitan niya.
Paatras na sana ako nang may biglang...
"Charles." sigaw nung lalaki sa likod ko. Huminto naman sa paglalakad yung mga lalaki at lumingon yung 'Charles? siguro na tinawag nung lalaki sa likod ko. "Nakasungkit ka ata nang bra?!" tanong nung lalaki habang tumatawa. Nilingon naman nila yung surfboard nung 'Charles' at naghalakhakan sila. Bigla naman ako tumakbo dahil baka mapansin pa nilang akin yun.
Nagpunta muna ako sa malapit na restaurant para ayusin yung sarili ko.
Pagkapasok ko naman sa resto ay dumiretso na ako sa C.R
"Grabe! Nakakahiya ka Janna! Bakit hindi mo man lang naramdaman na nasungkit na yung bra mo kanina ah!" Sabi ko sa sarili ko pagkatapos ko ayusin yung sarili ko. "Hayy!" Grabe hindi ko talaga ma-imagine na mamangyayari sa akin yun! Paano pa kaya kapag nalaman nung mga lalaking yun na akin yun 'di ba?! Huuu! Buti nalang talaga nakaalis agad ako!
Nagmadali naman na ako makapunta sa suite ko!
Pakadating ko agad sa room ko ay nagpalit na ako ng damit at malamang nagsuot na rin ng bra. >_<'
Nilingon ko naman yung phone ko na nagba-vibrate.
*Anna Calling...*
"Oh! Hello?" Bati ko agad.
"Hello Janna, 2days na palang nasa hospital si Tito Daniel! Nung isang araw ka pa raw tinatawagan ni Tita Cathy kaso hindi mo raw sinasagot mga tawag niya!"
"Uh? Bakit ngayon mo lang sinabi?" I asked.
"E ngayon ko lang din nalaman e. Kasi naikwento lang sa akin ngayon ni mommy tapos kanina ko lang din tinawagan si Tita para alamin kung totoo, tapos nasabi niya rin sa akin na yun nga hindi mo raw sinasagot mga tawag nila!"
"Okay. By~, wait book me a flight. okay? Gusto ko bukas din makauwi na ako! " I said and ended the call.
Aish. Am I that devilish daughter to cause this things... Uggh! Damn It!
BINABASA MO ANG
I Woke Up Married
General FictionProlouge~ It was too late before they knew it. Before they knew that they're already married. Already married without even knowing who the person they are married to. They thought it was just a joke, a damn little joke... But it wasn't. It's a bucke...