Pink Prayers

36 4 0
                                    


ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

"Good things come to those who wait.", sabi nga sa isang tanyag na pahayag. Pero gaano katagal na paghihintay ba ang kailangan? Paano mo masasabing ngayon mo na nga ito makakamtan? This Valentine, witness the great things one's simple prayer could bring. Na bukod sa kilig, kirot, kati, o anomang K na pwede mong maramdaman sa February 14th, maiisip mong ang araw na ito ay ipinagdiriwang hindi lang dahil nagkakilala si ganito at si ganyan. Kung hindi dahil itinakda talagang magtagpo ang kanilang mga landas. This is Adney, serving you a very FINK story ngayong araw ng mga FUSO!

---------

P i n k .

B a k i t  b a  palagi na lang pink?

First day sa elementary, lunchbox mo pink.

First day ng high school, backpack mo pink.

First day ng college, lipstick mo pink.

First day mo sa trabaho, long sleeves mo pink.

Bakit ba palagi na lang pink?

I mean, hindi naman sa pang-aano, pero ano nga?

Kailangan ko rin bang mag-PINK?

- The Baby Flamingo –

-------------------

"L o r d ... m a y   b o y f riend na po si Poleng..."

"Pero wait! Bago 'yun, nauna nang nagpakasaya sa jowa niya si Lester."

"Si Karla po, ayun, nakabingwit ng Moroccan."

"Si Tito Jet naman, nagpapakasasa sa basketball boys niya. Happy na daw siya sa kiddy meal."

"Pero 'bat ako, Lord?"

Inayos ko muna ang pagkakaluhod at ipinatong ang aking sling bag sa mahabang upuan.

Tumingin akong muli sa altar. "Bakit po?", patuloy kong pagdarasal.

I mean, hindi naman Sunday ngayon. Hindi ko rin birthday. Pero nasa simbahan ako dahil dito ako inabutan ng ulan, sa labas mga Te, obviously.

Hinihintay ko lang sina Tito Jet kanina. Marami daw siyang hada kaya manlilibre siya. At total Valentine naman, sa labas daw dapat umawra, ika niya. Naglalakad ako galing work nang biglang bumuhos ang luha ng kalangitan. Sumunod lang ako sa mga taong nagtatakbuhan. At heto na nga, ginaya ko na rin ang iba sa pagluhod. Wala namang masama, diba?

So anyway, mabalik tayo sa dasal ko. Oo nga, dumaan na pala ang apat na seasons sa split ends ko. Tinry ko na ring magpastraight, mag-ala-twisted sister, kahit buhok ni Hetty natry ko na rin. Pero ano? Ngangabels!

Tales From the Heart IIWhere stories live. Discover now