Thorns

70 4 1
                                    



ㅡㅡㅡㅡㅡ

ㅡㅡㅡㅡㅡ

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ㅡㅡㅡㅡㅡ

HI! Ako po si Zj Lira pero mas kilala bilang CrazyInPinkCupcake. 14 years of age. Makulit,Mabait, Magulo kausap at Pet Lover.

"Isang magandang rosas na may mabangong halimuyak pero punong-puno ng tinik."

Naglalakad ako sa bayan, na hindi ko naman laging ginagawa dahil nakatira ako sa pinakasulok-sulok ng kagubatan. Ugh! Ang lugar na iyon ay puro insekto kung maari nga lamang na dito na lamang ako tumira sa siyudad. Napamamaypay na lamang ako gamit ang aking kamay na may inis na ekspresyon sa aking mukha dahil sa hirap ng aking pinagdaanan papunta rito. Iniisip ko pa lamang ang aking mga ginawa kanina ay sumasakit lamang ang aking ulo.

Pero nawala ang aking inis at napangisi dahil sa pagsulyap sa akin ng mga kalalakihan dahil sa aking angking ganda. Hindi sa pagmamayabang pero mas maganda pa ako sa isang tunay na babae, dahil sa aking makinis na balat na parang gatas sa puti at ang aking itim na itim na mahabang buhok na mahihiya ang tikwas dito, sa manipis at malambot na labi na ginamitan ko ng kulay rosas na pampakulay na bagay na bagay sa aking mga labi.

Suot-suot ang aking pinagmamalaking kulay pulang may halong kulay asul na kimono na may disenyong mga bulaklak at gawa sa mamahaling seda, na bumagay sa aking balingkinitang pangangatawan. Sa panahong ito hindi na uso ang mahabang kimono katulad ng aking suot-suot kaya nakakagaw talaga ako ng pansin. Sumulyap-sulyap din ako sa mga lalaking tumitingin sa akin at umaasang may mapupusuan ako sakanila.

Napataas ang gilid ng aking bibig ng mapansin ang isang lalaki na mukhang mayaman, naguumapaw sa kagwapuhan at isang bagito na nakasuot ng normal na T-Shirt na yumayakap sa matipunong katawan nito at mahigpit na pantalon. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik ay naglakad ako na may kasamang pagpitik ng aking balakang at pagtingin sa lalaki gamit ang mga mata kong puno ng pagnanaasa. Para lalong kong makuha ang kaniyang pansin ay dinilaan ko ang aking labi sa malanding paraan.

Napalunok siya sa aking ginawa, na nagbigay sa akin ng kakaibang kaligayahan sa aking kaibuturan.

Alam kong katulad lamang siya ng mga ibang lalaki na hayok sa laman sa isang magandang dilag na inaakala nilang isang binibini.

Natuod siya sa kaniyang kinatatayuan at nakatitig lamang sa aking mukha na tila hindi makapaniwala sa nakikitang isang dyosa sa kaniyang harapan. Hindi na ako nagugulat sa kaniyang inasal dahil sa halos lahat ng lalaki na makita ako ng malapitan ay naiistatwa.

Hinawakan ko ang kanyang baba at sinuri ang kaniyang napakagwapong mukha. Ang kaniyang hindi kakapalang kilay at ang kaniyang mga mata pati narin ang kaniyang mga labi pati na rin ang mabango niyang halimuyak na kinaadikan ko noon. Kaparehas na kaparehas nitong binatang ito.

Napailing na lamang ako sa aking sarili dahil gusto ko na siyang kalimutan pero nakikita ko pa siya dito sa lalaking ito.

Hindi ko sa kaniya pinahalata ang pagkagulo ng aking isipan imbes ay nginitian ko siya ng sobrang tamis labas ang aking mga mapuputi at pantay na ngipin.

Tales From the Heart IIWhere stories live. Discover now