Hi Readers! :)
Eto na po yung Chapter 2. Actually dapat hindi na ako maguupdate. Matagal tagal na din kasi simula ng huli kong update. Sorry sa mga nabitin. :'(
Kinakailangan ko pa kasi ng maraming lakas ng loob para magupdate. I know I'm Selfish. Sorry for that.
Hope you enjoy the 2nd Chapter (^▽^)
Vote and Comment naman dyan!
Trisiya-
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tricia's POV
Andito ako sa taas ng Puno. ^_^ Nagbabasa ako ng libro, ng biglang may pumasok dito sa garden..
Hindi ko ito pinansin, pinagpatuloy ko lang ang aking pagbabasa. Nasa Climax na kasi ako ng story. :)
Nagtataka siguro kayo kung bakit sa taas ako ng puno nagbabasa ng libro?. ?_?
Ganito kasi yun. Noong bata ako mahilig na talaga akong umakyat sa puno. Bakit?. Feel ko kasi kapag nasa taas ako ng puno, safe na safe ako. ヽ(^。^)ノ
Ang peaceful din kasi sa taas at ang sarap pa ng simoy ng hangin.*^O^*
Kapag pinapagalitan ako ni Mommy, aakyat ako sa puno sa may park at doon iiyak.π_π
Ayokong may nakakakita saakin na umiiyak. Dahil ayokong sinasabihang mahina ako. ~>_
Dito sa school na ito lagi akong nabubully. Hinahayaan ko lang silang bullyhin ako.
Kahit na nasasaktan na nila ako ng bonggang bongga. Hindi ko pa rin sila pinapansin. Naging manhid na ako. Sa halos araw araw nilang pambubully saakin. Nasanay na rin siguro ako. :(T_T
Wala pang nakakakita ng precious tears ko. Kahit na yung mga nambubully saakin.
Tumatakbo ako. Tumatakbo ng tumatakbo hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa garden. Ng makita ko ang mataas na puno, inakyat ko ito at doon ko na binuhos lahat.
Tinignan ko kung sinong yung pumasok kanina. Pagkakita ko.…
Isang Nerd na katulad ko?. O_o
Seriously?. Hahaha XD May katulad pala ako dito sa school na to. Akala ko ako lang ang natatanging nerd dito na laging nabubully . Tss.
Sinarado ko na ang aking libro. Pinagmasdan At inobserbahan ko ang aking kapwa nerd.
Mahilig din syang magbasa tulad ko. Haha XD Mukhang magkakasundo kami neto ha. :)
Mahilig din sya kumain ng Sweets, like Chocolate. Grabe sya, ang bilis nyang makalahati yung nutella.
Yung totoo?. Hindi ba kaya sya nauumay?. Grabe tong kapwa nerd kong ito ha.
Mahilig rin sya sa multi-tasking. Paano ko nasabi?. Kasi habang nagbabasa sya ng libro, pinapapak nya yung nutella.
Hahaha XD Astiggg. Pero mas astig ako. :) Nice.
Bonjour! (Hello)
Je m'appelle Tricia Atienza (My name is Tricia Atienza)
15 years old. I'M NERD AND I'M PROUD OF IT ^_^ I can speak a little French. Hindi ako half, I'm pure Filipino na laging pinagkakamalang half-Japanese because of my eyes. Hahaha XD
Tumalon na ako pababa. Malapit na rin kasing magbell. AT ayaw na ayaw kong nalalate. Hehehe XD Ang arte ko noh? Ganun talaga.
Tsss. Mukhang nagulat ko ata sya. Tsk. Wrong move! -_-
"Sino ka?" Tanong nya na may halong pagtataka.
Siguro tulad ko ngayon lang din sya nakakita ng kapwa nya nerd dito sa school.