[One Shot Story] Ghost

315 13 19
                                    

This is dedicated sa lahat ng members ng PVPR ^____^

Ghost

Bestfriend. Ano nga ba ang 'bestfriend'?

Marami akong kaibigan dati pero ni isa sa kanila hindi ko bestfriend. Ano ba kasi yun? Tao din naman yun diba?

Hanggang sa makilala ko sya.

He's a boy. Yes. A boy. Nakilala ko sya nung minsang nasa coffee shop ako at naghahanap sya ng isang mauupuan.

"Miss? Pwedeng maki upo?" napalingon ako dun sa nagsalita. Bulag ba sya? Kita naman nyang nakalagay yung mga gamit ko sa katapat na upuan tapos magtatanong sya kung pwede syang umupo? Tch!

"Please? Wala na kasi akong mahanap na mauupuan eh" dagdag nya. Napatingin naman ako sa buong coffee shop at talagang wala na talagang mauupuan. Maulan kasi ngayon at lahat ata ng tao ay naghahanap ng kape. Tumingin ako ulit kay....sino nga ba sya? Ah ewan. Tumingin ako ulit kay 'kuya' tapos tumango ako.

Hindi ko sya ningitian dahil badtrip ako nung araw na yun. Nakakainis kasi yung mga kabigan ko! Sabi nilang sabay sabay daw kaming uuwi tapos iiwan din lang pala nila ako? Nakaka asar! -___-+

"Easy ka lang. Wala namang ginagawang masama sayo yung kape" napatingin ako sa kanya. Tumawa sya ng mahina, 

"Eh kasi nakakunot yung noo mo eh. May problema ka ba?" tanong nya. Nilapag ko yung cup ko.

"And so?" sabi ko with matching taas pa ng kilay, "I don't talk to strangers" dagdag ko pa. Ngumiti naman sya sakin. 

Ngayon ko lang narealized na may pagkagwapo naman pala sya. Matangos ang ilong, ang ganda ng mata tapos ang kinis ng mukha nya.

"Strangers ba? Hmmm" sabi nya, "Ako nga pala si Shawn...and you are?" naiinip na ako. Hindi ko alam kung bakit ako naiirita sa kanya. Siguro kasi....kapangalan nya yung ex ko? :3

Tumayo na lang ako at kinuha yung bag ko tapos tumingin ako ulit sa kanya, "Kalabaw" tapos umalis na ako dun at iniwan sya sa coffee shop.

Kinabukasan...

"Samira!!" napatigil ako sa paglakad at nilingon yung mga tumawag sakin. Yung mga "friends" ko pa lang nangiwan sakin kahapon -___-

"Sorry gurl! Eh kasi naman toh eh! Kung san san nya ako hinatak kahapon!" reklamo ni Divine.

[One Shot Story] Ghost(Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon