Princess x Bodyguard

45 1 1
                                    

Nagmulat ang mga mata ko. Asan ako? Lahat ng makita ko puro puti. Yung amoy. Ospital ba to? Napakabigat ng buong katawan ko. Pinipilit kong igalaw ang ulo ko pero hindi ko magawa. Tumutulo na ang luha sa mga mata ko. Ni hindi ko sila napunasan. Ano bang nangyayari? Teka? May mga boses. Kilala ko yung una. Si Dad. Yung isa , si Tita Liza. Teka. Yung ikatlo. Kay Mummy ba yun? Bakit sya nandito? Mamamatay na ba ko kaya ngayon lang sya nagpakita? Bakit parang nagtatalo sila? Anong pinagtatalunan nila?

Hindi ako makapagsalita. Gusto ko sanang sumigaw para tumigil sila. Lumalabo na yung mga mata ko dahil sa mga luha.

May nakikita akong puti. Kamay? Hindi ko maaninag masyado. Pinunasan nito ang mga luha sa mata ko. Luminaw ang paningin ko. Maputing kamay. Maliit na parang pangbata. Humahaplos sa gilid ng mukha ko. Malamig na maliliit na mga kamay. Hindi ko makita kung sinong may-ari ng mga kamay na to. Pero gusto ng loob ko na gawin ang lahat, ibigay ang makakaya ko para mahawakan ang kamay na to na parang aalis ito. Hindi ko alan kung bakit. Naigagalaw ko ang mga mata ko at nakita ang isang babae. Maputi ang mukha at kayumangging buhok. Lumuluha na naman ang mga mata ko, hindi ko alam kung dahil sa hindi ako makagalaw, o natatakot ako, o dahil ayokong mawala ang taong nasa harapan ko kahit hindi ko sya kilala.

Hindi na nya pinahid ang mga luha ko. Hinaplos lang nya ang mukha ko pagkatapos ay inilapit ang mukha nya sa akin. Hinalikan nya ang noo ko. Pagkatapos ay unti-unting lumapit ang labi nya sa tenga ko.

Unti-unti akong nahuhulog sa antok habang binubulong nya ang mga salitang:
Magkikita na rin tayo. Intayin mo ko hah?





Author (Hanaprincess) Note: Binabati ko po ang mga babasa dito, future horror film ang kalalabasan nito .heehee. jowk lang. Romance po to. XD

Princess x BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon