Cath
Thirteen Days After Agatha's Death
Tatlong araw na ang nakalipas pero sariwa pa rin sa utak ko ang takot at kabang idinulot sa akin ni Lucas. The memories I had with him still haunt my weak and fragile mental capabilities. Magmula noong araw na 'yon ay hindi na ako nakatulog nang maayos. Lagi na akong napaparanoid na baka sa mga susunod na araw ay ako naman ang sumunod kay Agatha.
Ang pinagtataka ko lang, hindi na uli ako ginulo ni Lucas matapos noong araw na 'yon. Ni titig ay hindi na niya uli magawa sa akin. Para bang hindi ako nage-exist sa mundo niya. 'Yung tipong para bang patay na ako sa mundong ginagalawan niya.
Dito ako mas lalong kinabahan. Alam ko, sa simpleng pananahimik niya ay maaaring may pinaplano na siya laban sa akin.
Natatakot akong may mangyaring masama sa 'kin. Lalong lalo na't ngayong kaunti na lang ay malalaman na namin ang tunay na dahilan sa pagkamatay ni Agatha.
Muntik na akong mapatalon nang biglang mag-vibrate ang cell phone ko na nasa gilid ng aking kama.
Kasalanan mo talaga 'to, stupid Lucas! Naging magugulatin at paranoid na ako nang dahil sa 'yo!
Agad kong binuksan ang message na galing pala kay Luigi.
Luigi
Hi, Cath! May ginagawa ka ba ngayon?You
Wala, why?Luigi
Let's investigate the case of Agatha. I have someone to help us.You
Who?Medyo nagulat ako nang mabasa ko ang message niya. Ang pinagkasunduan kasi naming dalawa ay wala muna kaming pagsasabihan tungkol dito hangga't wala pa kaming konkretong ebidensya sa maaring killer ni Agatha.
Luigi
My childhood friend. Don't worry, I already told him that he should keep this a secret. Mapapagkatiwalaan natin siya.Para bang nabasa niya ang iniisip ko. Minsan talaga nagugulat na lang ako sa lalaking ito, eh.
You
Okay, saan tayo mag-mi-meet?Umupo ako sa kama ko para makapagready na.
Luigi
I'll tell you later, nandito na kami sa gate niyo.Luigi
Bumaba ka na. 'Wag ka nang magpaganda. Maganda ka na naman.My jaw almost hit the floor because of his reply. Walang ano-ano ay tumakbo na agad ako palabas ng kwarto ko.
Jusko! Malilintikan na naman ako kapag nakita siya ng parents ko! Siguradong mahaba-haba na namang palinawagan ang mangyayari. Juskojusko!
Nang makarating na ako sa living area ay nandoon ang parents ko. Nakaupo sa sofa. Nanonood ng Eat Bulaga! habang tumatawa nang malakas. Napakapit naman ako sa hagdan at pinasalamatan lahat ng diyos na kilala at inimbento ko. Akala ko'y makikita na naman nila si Luigi, eh.
Nang akmang titignan nila ako ay agad akong kumaripas ng takbo papunta sa pintuan. Nang makalabas na ako ng bahay namin, nadatnan ko sina Luigi at iyong kasama niya na nakasandal sa kotse habang nakaharap sa bahay namin. Dali-dali ko naman silang hinigit at pinapasok sa sasakyan. Iyong para bang may killer na humahabol sa akin. Sa sobrang gulat nila ay dali-dali na rin silang sumunod sa utos ko.
Nang makapasok na kami sa loob ng sasakyan ay pinagkukutusan ko si Luigi. Ang loko naman, tawa lang nang tawa habang umaaray. Nakakainis! Parang tuwang tuwa pa siya kapag ganitong nagpapanic ako.
BINABASA MO ANG
Who Killed Agatha? (Published Under PSICOM Publishing Inc.)
Mystery / ThrillerSixteen-year-old Agatha, a famous author and high achiever in school, had everything to live for. That's why when she jumps to her death, her best friend questions the circumstances that lead her to the unlikeliest of people. ***** At...