Chapter 2

2 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa aking iskwelahan,
Iniisip kung anong dahilan,
Kung bakit ang aking napaginipan,
ay ang lalaking kani-kanila ko lang nasilayan.

Ay ewan, kung ano ano nanaman naiisip ko!

Naka-upo ako ngayon sa ika-apat na row na malapit sa bintana, nakadungaw habang kagat-kagat ko yung thumb ko.

"Miss Alcantara."

Ang sabi nila kapag malapit ka daw sa bintana, hindi mo daw maiiwasan magemote. Totoo nga talaga ang mga sabi sabi, dahil eto ako ngayon nageemote, hindi naman yung totoong emote, iniisip ko lang yung lalaking nasa panaginip ko.

"Miss Alcantara."

Bakit ko siya napaginipan? Atsaka bakit kung makangiti siya sa akin, e parang kilalang kilala na niya ako? Isa pa, jowa ko siya sa panaginip? magkahawak kamay, masaya, at parang may sarili kaming mundo.

"MISS ALCANTARA!"

"Ay jowa!" dahil sa gulat, muntik na ako mahulog sa upuan. Napatingin agad ako sa harap kung saan ngayon ka lang makakakita ng isang dragon na mamumula-mula ang mukha dahil sa galit, at ang ilong nagsisilakihan ang butas na parang may bumubugang apoy roon. Hindi joke lang, teacher ko lang yun.

"po?" unti unti siyang lumalapit sa akin na may stick pa sa kanang kamay niya. Ako naman lumulunok na dahil sa takot, halos maubos na yung laway ko dahil sa kakalunok ko.

Nang makalapit na siya, huminto siya sa tabi ko pero paharap sa akin. Inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ko at bumulong "Sino jowa mo?" nanlaki ang mata ko, mahinahon kasi ang pagkasabi niya. "eh?"

Nagulat ko ako nang hinampas niya yung table ko gamit yung patpat ng pagkalakas lakas. Literal na napatalon talaga ako at sabay na pumikit ang mga talukap ng mga mata ko ng mabilis. "Ang bata bata niyo pa ang lalandi niyo na! Magsi-aral muna kayo bago yang jowa jowa na yan!" itinapat niya sa akin yung stick, "at ikaw, hindi ka na nga nakikinig sa klase, jowa mo pa ang iniisip mo!" inilihis niya naman yung pwesto nung stick na nasa akin na ngayon nakaturo na sa pinto "Labas! Ang aga aga pinapainit mo ulo ko!"

At dahil nga sa nangyari, ayun nandito ako sa labas ng classroom namin. Tumitig na lang ako sa kawalan at inisip siya.

Is it just a coincidence? Or talaga pinagtatagpo na kami at ang destiny kuno na ang gumagawa ng paraan? I chose the former since walang kasiguraduhan naman yung
latter part.

Tumunog na bell means break time na. Nagsilabasan na ang mga classmate ko. Hindi ako umalis sa pwesto ko at hinintay ang mga kaibigan ko. Panigurado kinausap nanaman nila si ma'am about sa academics and other stuffs. Tsk, mga nerd haha.

"Sabi nga pala ni ma'am ang next lesson daw natin ay tungkol sa mga dreams. Kailangan daw magresearch." Ani Aila habang inaayos yung baon niya. Mm sakto sa problem ko ang lesson namin bukas. Lucky me! Haha

Kinagabihan, habang kumakain kami ni daddy biglang kong naitanong kung kamusta na yung lalake. He said, "His okay, I guess?, for now kasi sabi ng doctor wala pang kasiguraduhan kung kailan siya magigising."

"Ano raw ang dahilan kung bakit siya nahimatay?" Tignan niya ako ng puno ng curiosity pero may lungkot na kasama. I don't know kung bakit siya ganun makatinggin kaya tinaasan ko siya nag kilay, nagets niya naman ang ibig sabihin nun at bigla siya tumawa.

"The boy has a Chronic myeloid leukemia sabi ng doctor at base raw sa condition nung bata halata raw na hindi ito nagpapagamot." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya and a tear fell down from my eyes at sobrang bigat sa pakiramdam ko doon sa nalaman ko.

"What? Hindi bat parang ang bata pa niya para magkaroon ng ganun sakit at kasing age ko lang siya dad. He's just 16 years old!"

"Hindi ko alam anak. Hindi din natin kilala ng lubos ang bata kaya sobra din akong nalungkot noong nalaman ko iyon." Halata ngang nalungkot siya doon sa situation niya. Naguilty ako bigla dahil nasigawan ko ng kaunti si dad.

"How about his family? Nacontact mo ba sila dad? Pupuntahan daw ba siya?" I asked

"Unfortunately, hindi ko sila na contact dahil walang identification yung bata. Hindi ko din alam ang pangalan niya kaya ang sabi na lang mga doctors doon na hintaying na lang siyang magising." Tumayo na si dad sa pagkakaupo dala dala ang plato niya at nilagay iyon sa lababo.

Lumakad siya papunta sa akin at hinalikan niya ang noo ko, "Matulog ka na anak, don't worry too much. Ako ng bahala sa kanya, okay? Goodnight anak, I love you." Dumeritso siya sa paglakad at pumasok na siya sa kwarto, habang ako nakaupo pa rin, nakatinggin sa kawalan.

Tinakpan ko ang mukha ko at nagsimulang bumuhos ang luha ko. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit sobrang sakit para sa akin na mag ka sakit siyang ganoon? Bakit natatakot akong ..... natatakot ako sa posibility na ... na mamatay siya? Lalong bumuhos ang mga luha ko at nagsimula akong humikbi ng malakas.

Pero, hindi! Hindi siya mamatay dahil kikilalanin ko pa siya, kahit pa ang pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala, at marami pa akong itatanong sa kaniya...

Kaya hindi siya mamatay. Hindi ko kakayanin kung mangyayari man iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dream In loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon