We Could Happen

7 1 1
                                    

PROLOGUE.

"Psst!"

"Sino ba 'yang sitsit ng sitsit? Taena. Kanina pa yan ah!" rinig kong sabi ng isa sa mga kabarkada ng aking kuya.

"Psst!" sitsit ko ulit. Gusto ko ng tumawa pero pinipigilan ko lang dahil baka makita pa nila ako. Yari ako kay kuya.

"Baka hose lang na may butas. Sumisirit yung tubig?" sabi naman nung isang kabarkada ni kuya.

"Psst!" ulit ko. Shemay. Natatawa ako sa mga itsura nila. Yung mukha nila, parang natatakot. Di ko ma explain eh. Hahaha.

Nandito ako sa balcony ng kwarto ko. Nakatago sa likod ng isang halaman. Nasa second floor ito kaya kita ko silang nag-iinuman sa garden na katapat lang ng balcony ko.

Pinagtitripan ko si kuya ngayon para gumanti sa kanya. Pinagtripan niya kasi ang bago kong pinrint na picture ko. Ginuhitan niya kasi ito ng kung ano-ano like bigote, sumbrero, sungay at pangil. Idadamay ko na rin ang barkada niya dahil sobrang ingay mag-inuman. Nakakaistorbo sila.

Alas syete na ng gabi kaya medyo hindi ko na rin maaninag ang mga mukha nila.

Huminto na ako sa pagsitsit kaya nagsimula na naman silang mag-ingay. Pito silang lahat na nag-iinuman, kasama na si kuya. Third year college pa sila pero kung makainom eh para nang matatanda. Mamamatay sila ng maaga nang dahil dyan eh.

Dahil nilalamok na ako sa balkonahe -naka off kasi ang ilaw- pumasok nalang ako sa kwarto ko. Naka-on na ang laptop ko na nakapatong sa aking kama. Naiwan ko pala itong doon. Magyu-youtube na nga lang ako.

Viral doon ang Ice bucket challenge. Habang nanonood ng video ng mga nag a-Ice bucket challenge ay may naisip akong kalokohan.

Makakaganti na rin ako sa wakas!

Humanda! Bwahahaha.

Ready na ang balde na may lamang kalahating tubig at mga naglulutangang ice cubes.

Nilagay ko ang balde sa railings. Hindi naman nila ako mapapansin dahil madilim dito sa balcony.

I don't care kung magagalit si kuya, as long as makaganti man lang ako sa kanya.

Nakita kong lima nalang ang nakaupo sa round table at nag-iinuman.

Hmm. Where's kuya?

Maya-maya ay may naaninag akong anino na papalapit sa garden at sakto naman na natapat ito sa kinatatayuan ko. I know it's kuya dahil naririnig ko ang boses niya. May kausap kasi siya.

Lumabas na siya at nakita ko ang ulo niya and it's my cue para ibuhos ang laman ng balde.

Nakangiti pa ako habang binubuhos iyon pero natigil ako ng wala akong nakuhang reaction from kuya.

Dapat nagmumura na iyon eh.

Dumungaw ako sa railings at nanlaki ang mga mata ko nang makitang hindi si kuya ang nabuhusan ko.

"WHAT THE FUCK EVE?!!" iyon ang OA na reaction ni kuya kahit hindi naman siya ang nabasa.

Nakatingala lang sa akin yung lalaking nabuhusan ko. Walang emosyon niya akong tinitigan. Tumutulo pa ang tubig na nanggagaling sa buhok niya pababa sa suot niyang black sleeveless shirt.

Gulp.

"Oh shit.." ang tanging lumabas sa aking bibig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon