CHAPTER 1:

54 1 0
                                    

CHAPTER 1:

~~ ZHA-ZHA'S POV ~~

"Boss, what do you want to eat for lunch?" nakangiting bungad ko sa boss ko pagka bukas ng pinto.

"Just give me some coffee." malamig at walang emosyon nyang sabi habang hindi inaalis ang mga mata sa computer.

Yes! Tama kayo ng kongklusyon! Bastos nga ang boss ko, lalo na sa mga magulang nya. Hindi ko alam yung full story, basta ang sabi ng mga katrabaho kong mga tsismosa at tsismoso na matatagal na dito, ay nagalit daw si boss sa parents nya nung malaman nyang hindi pala sya tunay na anak ng mga ito. Haaaayyy! Naiintindihan ko naman yung galit ni boss pero... bakit kailangan nya pang patagalin ng 12 year yung galit nya?! Diyosmiyo! Kung ako yun naku, magpapasalamat pa ko! Lintek nang! Ikaw na nga yung kinupkop at ginawan ng mabuti, ikaw pa yung magagalet! Punyeta! San galing yung kakapalan ng muka nya?! Sa kauna-unahang puno ng cherry blossom sa Japan?! So, ayun na nga, naging yelo---este malamig yung pakikitungo nya sa mga taong nakapaligid sa kanya, pero sakin di sya cold kasi di naman ako tao---charroottt lang! Masyado kayong seryoso eh---

"Keizha Pristina f*cking Ibarra, where's my f*cking coffee!?!" napaigtad ako sa gulat ng bigla na lang sumigaw si boss ng pagkalakas lakas habang nakaupo pa rin sa swivel chair nya at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.

If looks could kill, kanina pa ko nakahandusay dito.

Maderpaker! Lagyan daw ba ng mura yung napakaganda kong pangalan!! Bwiset!

"Eto na po!" sigaw ko. "Di makapaghintay, ampotah." bulong ko habang naglalakad palapit sa kanya.

"What did you said?" mahinahon at malamig nyang tanong habang nakatingin sa akin.

"Huh? La kong sinasabe ah! Sabi ko lang eto na po!" pagpapalusot ko. "Narinig nya pa yon? Leche." bulong ko ulet.

"May binulong ka, and you did it again." kunot noong sambit nya saka humigop ng kape.

Mapaso ka sana! Bwiset ka!

"Psh! La kong binubulong---!"

"Tss. Shut your f*cking mouth and do your work." maawtoridad na utos nya saka muling humarap sa loptop nya at nag type ulet ng kung ano.

"Boss, ano ba yang ginagawa mo? Kanina ka pa kase type ng type---?"

"I said shut your mouth! Hindi kita binabayaran para lang makipag daldalan sakin sa oral ng trabaho!!" malakas at inis nyang sigaw habang nakatingin sakin ng masama.

"Oo na! Oo na! Eto na nga diba?!" napipilitan kunwaring sabi ko saka naglakad papuntang pintuan.

"Close the door before you leave."

*PLAK!*

"Bat di ka pa lumalabas?" salubong ang kilay na tanong nya.

"Sabi mo close the door before I leave! Kaya ayan, sinarado ko yung pinto bago ko umalis! So, pano ko makakalabas kung nakasara yung pinto?! Paki-explain nga, boss, please!" ear to ear ang ngiting pamimilosopp ko.

O o O ---> Boss

^ __ ^ ---> Me

"Ginagago mo ba ko!!?!" madilim ang muka nyang sigaw. Pakshet! Yung sigaw ni boss nag echo sa buong office! Hahahaha!

"Bwahahahahaha! Hinde! Jok lang yun! Nyahahahahaha!!!" sabi ko saka binuksan ang pinto at dire diretsong naglakad palabas papunta sa table ko habang sapo ang tyan at tumatawa pa rin.

~~ END OF CHAPTER 1 ~~

- R A K K I G I R L ♡

MARRYING MY COLD BOSSWhere stories live. Discover now