CHAPTER 2:

32 0 0
                                    

CHAPTER 2:

~~ ZHA-ZHA'S POV ~~

[N/P: Sa ngalan ng pag ibig; by: December Avenue]

Dali dali kong kinuha ang phone ko sa bag at sinagot ang kung sino mang punyetang tumatawag ng hindi tinitignan ang caller.

"Hello?"

[Huhuhuhuhu! H-Hello?! A-Ate?! Huhuhuhuhu]

Ate? Iisa lang naman ang tumatawag saking ate ah! At yun ay ang nakababata kong kapatid na si Klein Jamaica Ibarra. Kaya ang kabobohan Keizha hindi inaaraw araw yan! Lagi mong tatandaan na iisa lang ang kapatid mo!

"Lein? Bat ka umiiyak? Wag ka na iyak, tahan na. Ano ba nangyare? May problema ka ba sa school? Binully ka na naman ba?"

[A-Ate Z-Zha! H-Huhuhuhuhu...]

"Takte, Lein! Magkakaintindihan tayo! Sige iyak pa! Kulang pa! Hindi masakit sa tenga!" inis kong sigaw.

Pinagtitinginan na ko ng mga tao dito sa jeep. Pero lakompake sa kanila! Alas tres na ng hapon, ibig sabihin tapos na ang oras nv trabaho, kaya nakasakay na ko ngayon ng jeep papauwi kaso tong kapatid kong dimunyu nang aasar na naman yata! Buset! Nagpabully na naman yata! Hindi gumanti parang tanga lang, kung ako yun hindi ko hahayaan na saktan nila ko.

[A-Ate---]

"Ate ka ng ate! Gasgas na yung salitang ate sayo eh! Sabihin mo na kase!"

[S-Si m-mama k-kasi---]

"Si mama? Anong nangyare kay mama?" kinakabahang tanong ko.

[P-Punta ka na lang d-dito. N-Nandito kami sa o-ospital. H-Huhuhuhu]

"Saang ospital yan!?!"

~~ SCOTT'S POV ~~

"Dad, I have a question!" sabi ni Vella habang ngumunguya.

Scarlette Vella Gray ang full name nya. And she's my daughter. At napaka daldal nya! Namana nya yata sa walang kwenta nyang nanay eh! Pero ayos lang naman na madaldal sya kase matalino naman, at sakin nya namana yun. Syempre sasabihin ko yun! Akalangan i-down ko sarili ko!?!

"Vella, don't talk while your mouth is full." pangaral ko.

"I'm sorry, Dad." she said and drink her juice.

"What's your question, by the way?"

"Where's my Mom? What's her name? Why did she leave us?" malungkot at sunod sunod nyang tanong.

"Vella, araw araw mo na lang ba tong itatanong? Iba na lang ang itanong mo. Wag yan."

"Yes, Dad! Everyday ko tong itatanong until you answered all my questions! I have million questions in my brain!"

"Fine! What's your first question?" salubong ang kilay na tanong ko saka uminom ng tubig.

"Where is she?"

"I don't know."

"Why you don't know?"

"I just don't know."

"Fine! My second question is... what's her name?"

"Keizha Pristina Ibarra."

"Humaygad! Why so cute naman ng name nyaaa~!"

Tatayo na sana ko papuntang kwarto ng may maalala ko.

Wtf!?!!! O o O

"Thanks, Dad, for telling me her name!" masayang masaya nyang sabi saka kumaripas ng takbo papuntang kwarto nya!

F*ck! Siguradong ia-add nya yun sa facebook at kikilalanin nya! Six year old pa lang sya pero... yung isip nya pang ten year old! Dapat di ako nagpauto sa kaawa-awa nyang muka eh! Malas! Bwiset!

~~ END OF CHAPTER 2 ~~

- R A K K I G I R L ♡

MARRYING MY COLD BOSSWhere stories live. Discover now