Halos 6 months na din ang nakalipas pagkatapos namin magbreak ni Brian at nakapag-usap na din kami ng maayos. Mas pinili nalang namin parehas na maging magkaibigan katulad ng dati, naging sila ulit ni Claire at ako? Eto single ulit at happy na din ako na kasama ko ang mga kaibigan ko. Infact! Magkasama na yung grupo namin nila Kianne… kaso hindi talaga mawawala ang mga away bata sa amin. Katulad nalang ni Maxine at Darwin na walang ibang ginawa kundi mag-away araw-araw. Si Phanie naman at Ryan, ayun hindi pa din masyadong close at kami ni Kianne??? Sinusubukan nyang ipaalala sa akin yung mga nakalimutan ko lalo na yung pagkakaibigan namin dati. Malapit na din ang prom namin kaya pare-parehas kaming excited.
Si Darwin niyaya na si Maxine na maging kadate nya. Hindi nga namin akalain na sila ang magiging magkadate eh! XD pero sabi nila behave naman daw silang parehas sa prom! ^_^
Kami naman ni Phanie wala pa din. Ewan ko nalang kung magkakaroon pa kami ng iba pang kadate pwera dun sa dalawa :3
“Sis! May kadate ka na ba sa prom?”
“Ano bang klaseng tanong yan Sis? Araw-araw tayong magkasama tapos hindi mo alam kung may kadate ako o wala?” mataray kong sabi sa kanya
“Eh kasi naman! Wala pa ding nagyayaya sa akin…” malungkot nyang sabi sabay tungo
“Sino ba kasing gusto mong kadate? Malay mo wala pa pala yung date at matulungan kita”
“Talaga Sis??!! Alam mo naman kung sino ang gusto ko eh! Walang iba kung hindi si Kianne” kinikilig na sabi nya
“Ah! Oo nga pala! Sige, mamaya kakausapin ko yun tutal sabay namin kaming umuuwi eh”
“Thank you Sis! Kaya mahal na mahal kita eh!” sabay yakap sa akin
*Break time*
Habang bumibili pa yung apat, kami ni Ryan naghanap na ng mauupuan
“Zel?”
“Bakit?”
“May nagyaya na ba sayo sa prom?”
“Wala pa bakit?”
“Pwede ba kitang makadate?”
Sasagot na dapat ako kaso bigla kaming nilapitan ni Kianne
“May nahanap na kaming upuan dun malapit sa stage”
Sumunod nalang kami at pumunta na sa table namin.
Natapos ang break time na hindi man lang kami nakapag-usap ulit ni Ryan kaya baka bukas ko nalang sa kanya sasabihin
*Uwian*
As usual tuwing uwian, watak watak na kami. Si Maxine at Darwin ang magkasama dahil parehas lang naman sila ng street, si Phanie at Ryan din ganun at kami naman ni Kianne ang magkasabay dahil magkatapat lang kami ng bahay
“Best!” sabay naming sabi
“Sige, ikaw muna” sabi ko sa kanya
“Gusto sana kitang yayain na maging kadate ko sa prom. Ok lang ba sayo?”
“Best… sorry ha. Kasi ang sasabihin ko sayo kanina, kung pwede gawin mong kadate si Phanie kasi gusto ka nyang kadate at isa pa… naka-oo na ako kay Ryan eh”
“Ah… ok”
“Ok lang ba talaga sayo?”
“oo”
So ayun na nga po! Ang AWKWARD!!!! =____= buti nalang at nasa harap na kami ng bahay namin kaya nagpaalam na ako sa kanya
“Ahm.. best! Papasok na ako sa amin ha? Thank you sa pagsabay sa akin. Bye” nginitian ko sya tapos iniintay ko ang sagot nya kaso bigla syang tumalikod at pumunta na sa bahay nila kaya pumasok na din ako sa amin
Ganun ba talaga ako kasalbahe at nagalit sya masyado dun sa sinabi ko? Sabi naman nya OK lang daw sa kanya ah! -__-
Kianne’s POV
Ano ba yan! Naglakas ng loob na nga ako para yayain sya at magtapat na sa kanya tapos biglang may nagyaya na sa kanya at ang masama pa, yun kaibigan ko pa… Kaso wala na akong magagawa kasi nagrequest sya eh. Pagbibigyan ko nalang sya.
Umakyat na ako sa kwarto ko at hindi na ako kumain. Nakatulala lang ako at iniisip kung ano ba ang dapat kong gawin? Hindi nya pa din ba nahahalata na may gusto ako sa kanya?
Ah! Alam ko na!!! >J
Titignan ko nalang kung may feelings sya sa akin kahit konti lang!!! ^_^
*School*
Pagpasok ko ng classroom namin, hinanap ko agad si Stephanie at medyo nakakailang na lapitan sya dahil nandun si Zel kaso kailangan kong gawin ang plano ko
“Stephanie, pwede ba kitang maging kadate sa prom?”
“A-a-a… O-o naman!”
“Ok. Thank you”
*Breaktime*
Niyaya ko si Stephanie na magsolo muna kami ng table at agad naman syang pumayag. Halatang gusto naman magtanong nung apat pero hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso na kami ni Phanie sa table na malayo sa kanila. Nag-usap lang kaming dalawa sa kung ano-anong bagay tapos tiitignan ko si Zel kaso parang wala naman syang paki sa pinaggagagawa ko -_-
Konting tiis nalang naman ang gagawin ko dahil malapit na ang prom namin.
BINABASA MO ANG
Inlove with My Best Friend
Teen FictionNaranasan nyo na bang mainlove sa best friend nyo? Aaminin mo ba sa kanya ang feelings mo kung alam mo na nakasalalay dun ang friendship nyo? Pano kung may gusto rin sya sayo pero natatakot din dahil ang alam nya FRIENDS lang kayo follow the story...