Tumayo si Ryan para kumuha ng juice. Gusto ko sanang itanong sa kanya kung alam nya ba kung sino ang gusto ni Kianne kaso baka kung ano ang isipin nya. Habang papalapit sya sa table, lalo akong nahihirapan kung tatanungin o ba sya o hindi kaso wala naman sigurong mawawala kung tatanungin ko sya diba? Whoo.. here it goes!
“Ryan?”
“Bakit?”
“Pwede bang magtanong?”
“Sure. Ano ba yun?”
“Kilala mo ba kung sino yung gusto ni Kianne?”
“Hindi eh. Hindi naman kasi mahilig makipag-usap sa amin yan tungkol sa mga ganyang bagay pero alam ko kung sino-sino yung mga past girlfriends nya”
“Ha? Nagkaroon na sya ng girlfriend?”
“Hahaha.. oo naman. Hindi mo baa lam?”
“Hindi eh.”
“Ay basta madami yun. Saktong sakto nung umalis ka, dun na naging playboy at siga yang si Kianne pero hindi ko talaga alam kung sino talaga yung gusto nyan kasi puro lang naman laro yung mga naging past nya eh”
“Ah.. ok”
Napatingin nalang ako kay Kianne at parang naturn-off ako bigla sa kanya. Hindi ko lang alam kung bakit pero parang ganun ang feeling eh.
“Eh ako? Hindi mo man lang ba tatanungin kung sino ang gusto ko?”
“Grabe! Kailangan talaga kapag nagtanong ako tungkol sa iba kailangan pati ikaw?”
“Oo naman syempre!”
“Hahaha.. Sige na nga! Sino nga ba?”
“Ikaw”
“Ha? Ikaw ang tinatanong ko. Ikaw na ang unang sumagot”
“Ikaw nga”
“Hay nako! Wag ka ngang magbiro dyan. Yung totoo nga kasi. Sino?”
“Siryoso nga ako. Ikaw ang gusto ko”
“Ryan… sorry pero ayoko muna kasi magkabf ngayon kakagaling ko lang sa isang masaklap na break-up diba? Tsaka may iba pa namang babae na mas karapatdapat para sayo at hindi ako yun. Sana naiintindihan mo ako at sana walang magbago sa atin”
“Oo naman. Inasahan ko na, na mangyayari talaga ‘to. Ok lang, wala pa din namang magbabago eh”
Hindi na sya nagsalita pagkatapos nun. Buti nalang dumating si Brian tapos sumayaw kami.
“Kamusta ka na Em?”
“Ok lang. Bumalik na din sa akin yung alaala ko”
“Well, that’s a good news”
“Oo nga eh. Per secret lang natin to ha?”
“Sige ba”
Habang tahimik kamin dalawa, naalala ko kung bakit naging Tan ang apelyido ni Kianne. Ang alam ko talaga Reyes sya eh. Pero wait lang! magkaano-ano kaya sila ni Brian kung parehas silang Reyes?
“Brian? Anong pangalan ng tatay mo?”
“Bakit mo naman natanong?”
BINABASA MO ANG
Inlove with My Best Friend
Teen FictionNaranasan nyo na bang mainlove sa best friend nyo? Aaminin mo ba sa kanya ang feelings mo kung alam mo na nakasalalay dun ang friendship nyo? Pano kung may gusto rin sya sayo pero natatakot din dahil ang alam nya FRIENDS lang kayo follow the story...