Simula

9 0 0
                                    


Simula

"Halika na, Lero!" tawag sakin ni Klove.

Hinila niya ako hanggang sa makarating na kami sa court.

"Sige na, Lero. Sayo nakataya yung mga ipinusta ko dito. Remember hatian natin ay 50-50." Hindi pa rin ako sumagot at pinagmasdan lang ang paligid.

Ang ingay nila, tsk. Ang daming babae na nakashort shorts at palda na tinernuhan lang ng sleeveless.

"Dayo pa yang mga yan dito kaya medyo malaki ang pusta, wag kang mag-alala Lero tsaka mo lang naman sasabihin yung magic words mo pag dehado na talaga sila e." Tama naman siya. Alangan namang sabihin ko kaagad yon nang di pa nagsisimula yung laban

"Pasalamat ka kaibigan kita Klove, sinasamantala mo na naman ako." angil ko sa kanya

"Wow! 50-50 na nga yon bakit ikaw tumaya, ikaw tumaya?!" Singhal niya sakin

"Hindi, ah basta! Wag ka na nga maingay baka may makarinig pa sayo."

Nakaupo na kami sa bench na upuan ng players ng basketball. Kasali kasi kuya nitong si Klove kaya andito kami ngayon sa harapan. Di rin naman ako nito pipilitin na gawan ng magic yung laro kung hindi niya kuya yung maglalaro.

Nagsimula na yung game at umpisa pa lang parang dehado na agad sila. Pano ba naman 17-3 pa lang yung score. At 3 pa lang talaga yung score nila Klone ewan ko kung malakas lang ba talaga yung kalaban nila o nagpapatalo sila?

Lumipas ang sampung minuto, umabot ang score ng 49-35 konti na lang agwat. Kaya pa nilang habulin yan.

"Lero, 'pag nanalo sila kuya ng di kinakailangan nang powers mo e walang hatian ng pera ha? Hehehe." loko talaga tong babaeng to sabi kanina hati kami ngayon wala na maski piso

"Edi hindi mo na lang sana ako sinama dito diba?" singhal ko naman sa kanya

"E Lero naman! Sige na nga pero 75-25 hatian ha?"

"Sige. 75 sakin, 25 sayo. Deal!"

"LEROOOO! Nakakainis ka talaga!" Papadyak padyak pa kunware

"Oo na, bahala ka na." Tinaas ko yung kamay ko na parang sumusuko na sa mga pulis

"Hala! Ang galing! Mananalo pa ata sila kuya!" Bigla siyang napapalakpak kaya bigla ulit ako napatingin sa mga naglalaro.

"Sus, di yan sa una lang yan." Pang-aasar ko sa kanya

"Bawiin mo sinabi mo Lero dali!" Pagsigaw niya sakin sabay hampas sa braso. Aray.

"Ayoko, mamaya na lang pag malapit na matapos laro." I stuck my tongue out and laugh

"Ang daya mo talaga Lero! Bakit nagkaka-utak ka bigla sa mga ganong bagay! 50-50 na tuloy kainis ka! Grrr!"

"I don't know but my brain is blown by the wind and now is whispering to be back."

Nanahimik na lang siya kasi talagang natatalo na nga ulit sila Klone. Kanina kasi ay lamang na sila ng mga limang puntos sa kalaban. E nung sinabi kong matatalo sila ayan nagsimula na tuloy.

Oo, makapangyarihan yung salita ko. Kung anong sabihin ko yun yung nangyayari pwera lang kung may kinalaman sa sarili ko yung sasabihin ko hindi nagkakatotoo e.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

fortuner's fortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon