Nung Grade 2 ko lang unang nakilala ang mama ko. Nag-OFW siya isang buwan pagkatapos akong ipinanganak at iniwan sa care ng aking tahimik na tatay at makulit na kuya.
Nang umuwi siya sa bahay, may kasama siyang isang malaking kahon, package daw. Binuksan ni tatay at nilabas ang mga contents nito; damit ni mama, mga bagong polo ni tatay at laruan ni Kuya.
Napansin ni mama na nakasimangot ako pagkatapos niya ibigay yung remote control cars kay Kuya.
"Bakit so sad ang aking unica hija baby?" Pinisil ni mama yung aking mga pisngi habang hinalikan ng limang beses ang aking noo.
"Ako po ba walang racecar?" tanong ko.
"'Yun lang ba, baby?" tumawa si mama. Pumunta siya sa malaking kahon at naghalungkat. "'Wag ka mag-alala, honey. Super duper amazing ang bigay ko sa'yo. Mas maganda pa sa racecar ng kapatid mo! Magugustuhan mo siya! Love it ko rin kasi! Ay, nako, pretty baby, ang ganda-ganda ng regalo ko sa'yo!"
Nakangiting - nakangiti ako. Syempre, mas maganda daw sa racecar yung akin eh. Ano kaya 'yun? Helicopter? Airplane? Train?
Pero laking gulat ko nang may hinigit si mama na paa galing dun sa kahon. Nung una, paa lang. Tapos, unti - unti kong nakita yung binti, tiyan, at finally, yung ulo. Isang baby?
Binigay sa akin ni mama yung baby. Ang gaan. Kumukurap yung baby pero hindi siya gumagalaw. Patay ba 'to? Kinidnap ba 'to ni mama?
"Oh, 'di ba, honey? Ang ganda - ganda! Ikaw ang magiging pinakasikat sa friendships mo dahil magseselos sila sa super duper mong magandang doll!" sabi ni mama.
Nung time na 'yon, hindi ko maintindihan kung ano yung tinutukoy ni mama. Doll? Ano ba 'yun? Sa seven years kong pamumuhay kasama ang tatay at kuya ko, hindi ko pa naririnig yung term na yun. Ang doll ba ay baby na patay?
Dapat ba ako ang mag-aalaga dun sa baby?
Kailangan ko ba siyang pakainin?
Ako ba yung maghuhugas ng tae niya?
Kailangan ko ba siyang tulungan sa assignments?
Magiging nanay na ba ako?
Umiyak ako. Ayaw ko pang maging nanay, gusto ko pa maging bata.
"Oh, tingnan mo, baby! Napaiyak ka sa tuwa! Tears of joy! Now, hug your mama, baby. Ang galing ni mama, ano? Gets na gets ang gusto mo!"
BINABASA MO ANG
Beauty Pageant! (Short Story)
Teen FictionAccording sa nanay ko, malalaman mo daw ang success ng isang babae base sa kanyang love life. 'Eto naman akong si boyish na wala pang balak magboyfriend. -_-' At dahil gusto ng nanay kong maging "successful" ang kanyang unica hija, isinali niya ako...