Mommy's POV
"Oh, bakit mo naman pinaalis si Katherine Alexandria?" tanong ko kay sis.
"May important news kasi ako sa'yo, sis!" lumapit sa akin si sis na parang may ibubulong.
"Ano nanaman yan?" tanong ko. Super duper chismosa kasi nitong sis ko eh. Wala ako sa kalingkingan ng abilidad niyang makarinig ng chismis. Kaya idol ko 'tong si sis eh!
"Importante 'to, sis! Magugustuhan mo!"
"Magugustuhan ko? I will love it to the highest level ba?"
"Oo! Highest level!"
"Highest level of the highest level ba sis?"
"Oo, sis!"
Inisip ko kung ano ba ang magugustuhan ko to the highest level of the highest level. Wala naman akong maisip. Over-acting nanaman si sis, hay nako! Binibigyan niya ako ng stress! Sayang ang beauty ko!
"Sige nga, sis. Impress me!"
Lalo siyang lumapit sa akin. Ang laki-laki pa ng ngiti niya, super excited. Dapat lang ma-excite niya ako ng highest level!
"Tungkol kay Katherine Alexandria, sis!" bulong niya sa akin.
Tungkol daw sa unica hija baby loves ko?
"Chismis ba 'yan, sis? Ano ba ang pinagsasabi nila sa baby ko? Masasama ba?" tanong ko, pinapaypay ang sarili gamit ang aking manicured hands. "Nervous na ako sa news, sis! Sabihin mo na!"
"Sabi ko nga, ma-eexcite ka to the highest level! Ibig sabihin, may good news ako, sis!"
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Possible ba? Totoo na ba? Nakikita na ba ng baby ko ang katotohanan? Nagmature na ba siya? "May boyfriend na ba si baby?"
"Hindi."
Nawala yung saglit na happiness ko. Ang killjoy naman ni sis. "Oh, akala ko ba ma-eexcite ako to the highest level?"
"Oo nga! Mas maganda pa 'to keysa sa boyfriend, sis!"
"Ah! Kinasal na si baby?!?" tanong ko. Kaya ko na bang maging lola? Gaano kaya ka-gwapo si son-in-law? Mabibigyan kaya niya ng magandang bahay ang baby ko?
"Hinde, sis! Ano ka ba, bata pa si Katherine Alexandria!" tumingin si sis sa pinto, tinitingnan kung may papasok ba o wala. "'Di ba winner si Abigail sa beauty pageant last year?"
"'Wag mo paalala, sis!" sabi ko. "Alam kong happy news 'yon. Pero hindi ko kayang maisip na mas successful na ang baby loves mo keysa sa baby loves ko!"
"'Wag ka mag-alala, sis! Magiging kasing successful na ni Abigail si Katherine Alexandria!"
"No, no, no, no way, sis! Totoo ba?"
"Yes, sis!" magkapareho na kami ngayon ng laki ng ngiti. "Isinali ko si Katherine Alexandria sa annual Christmas Beauty Pageant!"
"ANONG KALOKOHAN 'YAN?!?" bigla kaming napatingin sa pinto ng kitchen, kung saan nakatayo ang aking mga babies, si Ken at Katherine Alexandria.
BINABASA MO ANG
Beauty Pageant! (Short Story)
Genç KurguAccording sa nanay ko, malalaman mo daw ang success ng isang babae base sa kanyang love life. 'Eto naman akong si boyish na wala pang balak magboyfriend. -_-' At dahil gusto ng nanay kong maging "successful" ang kanyang unica hija, isinali niya ako...