Chapter 1

211 10 1
                                    

KAORI

"Kaori, Kaori, Kaori!!" nakakairita! lagi ko nalang naririnig ang boses na yan.

Nakakasawa kasi hindi ko naman siya gusto. Matagal ko na sinabi na tumigil na siya kasi kahit kailan ay hinding hindi ko siya magugustuhan. Never in my whole life na magmamahal ako ng iba maliban kay Rhys Miguel.

"Kaori, okay ka lang?" dahil diyan ay napabalik ako sa realidad.

Ewan ko ba sa kanya ang aga eh nanggugulo siya.

"Pwede ba Jelay tumigil ka kasi napaka ingay mo ang aga aga eh" harsh na kung harsh wala akong pake.

"Hala maingay ba ako? sorry gusto ko lang naman na batiin ka" pagpapaliwanag nito pero wala akong pake.

"Kaori wait lang! halika sabay na tayong pumasok!" sigaw nanaman nito pero dedma lang ako.

"Kaoriiiiii kumain ka na ba? halika may dala akong pagkain" sigaw nanaman nito.

"Pwede ba Jelay tumahimik ka! nakakahiya ka at kung galing lang rin naman sayo wag na" sagot ko rito at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Ako nagluto nito Kaori sige na alam ko namang di ka pa kumakain eh" sagot nanaman nito.

"Diba ang sabi ko ayoko ilang beses ko ba kailangang ulitin sayo yan" sagot ko rito ng hindi lumilingon at nagpatuloy sa paglalakad.

Pagkatapos nun ay hindi na siya nagsalita. Hay salamat tumahimik rin pero alam ko namang nakasunod lang siya sakin. Nakarating rin kami sa school at nakasalubong namin malapit sa gate sila Aljon at Karina.

"Good morning Kaori! Good morning Jelay!" sabay na sigaw nila Aljon at Karina.

"Good morning rin!" sigaw naman ni Jelay. Ngumiti lang ako sa kanila at yumakap.

"Oh Kaori di mo parin ba sinasagot si lay?" tanong ni kare habang kumakain ng biskwit.

"Never! Hinding hindi ko sasagutin si Jelay" asar kong sabi kay kare.

"Grabe! 4 years ka na nililigawan ni Jelay. Hindi mo parin ba siya mahal?" tanong ni Aljon.

Tama kayo ng nabasa. Apat na taon ng nanliligaw si Jelay. Since 3rd year high school ay nagtapat na siya sa akin. Eh 2nd year college na kami.

"Kahit kailan ay hinding hindi ko siya mamahalin okay? kay Rhys lang ang puso ko" wala akong pake kahit na nasa likod ko lang siya.

Dapat ay matauhan na siya na kahit kailan ay hindi ko siya mamahalin. Si Kaori ay para kay Rhys at si Rhys ay para kay Kaori lang.

Nag-usap pa kami nila Kare at Aljon habang naglalakad papunta sa building namin. Parehas kasi ang subject namin na history kasama si sir Del Mundo. May mga klase kami na magkakasama at meron rin na hiwalay. Hindi naman parehas ang mga course namin. Si Aljon ay BS Political Science, si Kare naman ay BA Speech Communication, ang iba pa naming barkada na si Lie ay BA Interior Design, si Seth na BS Sports Science, ako na BS Psychology, at yung isa na BA Creative Writing.

"Asan pala sila Seth?" tanong ko kay Aljon habang umuupo sa likod ni Kare.

"Malalate daw galing sila sa gig" paliwanag nito.

"Wait lang kung galing sila sa gig bakit andito ka agad si Jelay" tanong ni kare.

May banda kasi sila na On To The Next, magkakasama sila nila Seth. Drummer nila si Kurt, BS Applied Physics. Electric Guitarist at lead vocalist nila si Seth. Lead vocalist rin nila si Lie. Lead guitarist at vocalist si Gabby, BA Theatre Arts. Pianist nila si Lienel, BA Elementary Education. At bassist nila si Jelay.

"Sadyang late lang lagi sila Seth at Lie. Nakita ko na nga si Gabby kanina" paliwanag nito habang umupo sa gilid at nagtira ng upuan para kay Seth.

"Seth! andyan ka na pala" rinig kong sigaw ni Kare.

"Oo naman! ingay kasi ni Lie eh" asar nito at binatukan naman siya ni Lie.

Sakto naman na pumasok na si sir Del Mundo at nagsi upo na ang lahat. Paano ba naman kasi terror ito kahit medyo bata pa.

Maya maya lang ay nagdiscuss na siya at nakita ko naman na natutulog na sila Lie at Seth samantalang si Jelay ay nagnonotes lang.

"sir may I go out?" paalam ko kay sir at tumango lang siya sakin. Nakakabored kasi siyang magturo kaya maghihilamos lang ako para magising.

"Aray!" sigaw ko paano ba naman nabangga ako ng kung sino.

"hala Kaori sorry!" rinig kong paliwanag ni Achilles habang tinutulugan akong tumayo.

"Sige okay lang" sabi ko naman rito.

"Sorry late na kasi ako sa klase ni maam Aoriano" paliwanag nito.

"sige lang dalian mo na baka mapagalitan ka pa" sabi ko rito at kumaripas na siya ng takbo.

Si Achilles pala, BS Electrical Engineering. May banda rin siya na Monday Waves nakakalaban nila Seth ang banda nito tuwing battle of the bands na nagaganap tuwing foundation week which is sa january.

Ang Monday Waves ay sila Achi na lead guitarist at lead vocalist. Pianisst nila si Art, BS Mechanical Engineering. Drummer si Sansan, BA Secondary Education. Bassist si Gian, BS History. Electric Guitarist at lead vocalist si Missy, BS Tourism. Magaling rin sila as in kaya lang nananalo sila Seth.

Nakabalik na ako sa room pero sobrang boring parin ng klase to the point na nakatulog na rin si Aljon. jusko 7:40 pa lang hanggang 8:30 ang history then next is bio kasama si Aljon at Lie.

Lumigon ako at ang iba ay natutulog, may ibang nagcecellphone maliban kay Jelay na nakikinig at nagnonotes.

Naging magbest friends rin kami bago siya manligaw kaya nasira ang pagkakaibigan naming dalawa. Saludo ako sa kanya sa totoo lang. Nagbabanda siya, maganda ang academic performance niya, siya rin ang secretary ng student council kasama si Kare at Aljon. Volleyball player rin siya kasama si Reign, BS Biology at si Lie.

Kung hindi lang niya ako minahal at niligawan magbest friends parin sana kami hanggang ngayon. Kaya lang minahal niya ako kaya nasira ang pagkakaibigan namin. Ewan ko ba sa kanya since hs naman alam niya na mahal ko si Rhys eh. What if hindi niya ako minahal? puro what if wala naman na mahal na niya ako.

Before It Sinks InWhere stories live. Discover now