ALJON
"Jelay anong oras meeting natin mamaya at saan pala?" tanong ko sa babaeng kasabay ko.
10:15 pa lang nang umaga at may susunod pa kaming klase.
"3:30 pa naman tsaka dun lang sa may sc room sa 3rd floor" sagot nito habang naghahanap ng upuan.
"Hah?! may tryouts ng 4 baka nakakalimutan mo" sagot ko habang inaayos ang bag ko.
Co-captain kasi ako this year, Team Captain namin si Seth. Volleyball player din si Jelay, open spiker kasama si Reign na setter at si Lie na libero.
"huwag kang mag-alala kinausap ko na ang mga coaches na imove ang tryouts ng 5pm" paliwanag nito sabay upo.
Sa totoo lang iniidolo ko talaga si Jelay. Sobrang talented at napakasipag na tao. Student-Athlete na nga tapos nagbabanda pa sila nila Seth at miyembro ng student council. Sobrang ganda rin ni jelay ang daming nagkakacrush at nanliligaw diyan kahit si Kurt. Kaya lang yun nga ayaw niya sa iba dahil mahal na mahal niya si Kaori.
"Jelay, bakit kahit paulit-ulit ka nalang saktan ni Kaori, ilang beses ka ng binasted, ipinahiya, at sinigawan hindi ka parin tumutigil na ligawan siya? hindi ka parin tumitigil na mahalin siya kahit na may mahal siyang iba?" tanong ko habang nakikinig sa prof na nagtuturo.
"Simple lang naman umaasa rin ako na balang araw mamahalin niya rin ako" sagot nito habang nagsusulat.
"Tatag mo naman apat na taon ka ng nanliligaw" asar ko sa kanya.
"Siyempre mahal mo pero alam mo kung ano" sabi nito sabay tuloy "Mas okay ng mabasted ako araw-araw, mapahiya ako, masaktan ako, at hindi niya ako mahalin. At least alam ko sa sarili ko na umamin ako. Alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat kahit na mabigo ako. At least nasabi at naiparamdam ko sa kanya na mahal ko siya. At least sa dulo if ever na hindi niya talaga ako mahalin, walang what ifs, wala baka, at walang sana."
And that hit me hard. Tsaka ko lang narealize na dapat umamin na ako. Para sa dulo, walang what ifs.
"Huy Jelay! halika na lunch na" sigaw ko sa kanya.
Paano ba naman lunch na pero sa maling daanan siya papunta hindi sa canteen.
"Baliw may klase ako sa philo sige na bye" sigaw nito sabay takbo.
"Yancy! namove ang tryouts" salubong ko kay Seth habang nilalabas ang lunch ko.
"Oo nga eh! sakto magjajamming muna kami nila Kurt" sabi nito sabay subo ng baon niyang adobo.
"Wow adobo! penge seth" sabi ni Kare sabay kuha, nakikuha na rin si Kaori.
"Ang sarap naman ng adobo na ito" sabi ni Karina habang ngumunguya at tumango naman si Kaori bilang pangsang ayon.
"Talaga ba? si Jelay kasi nagluto niyan eh since ayaw mo naman daw eh sakin nalang niya binigay. Sarap nga eh nakatipid pa ako" nagulat naman ang lahat at biglang nabilaukan si Kaori.
"Kare, 3:30 pala pinapasabi ni Jelay sa sc room nalang daw" sabi ko kay Kare.
"Sige salamat!" sagot nito sabay subo ng spaghetti.
"ALJON!" sigaw ni Kurt kaya tumayo ako at tinanong siya "Bakit Kurt?"
"Pasabi naman kay Jelay naiwan niya yung acoustic guitar niya kagabi. Daanan nalang niya kamo sa bahay mamayang gabi naubusan na kasi ako ng load tapos may klase pa ako ng chem" paliwanag nito.
"Ah sige sasabihin ko nalang mamaya bago magmeeting" sagot ko rito.
"Talaga ba? sige salamat mauna na ako" sagot nito sabay takbo paalis.
"Ano pa lang sinabi ni Kurt sayo?" tanong Kare habang ngumunguya.
"Ah wala gusto lang niyang sabihin na daanan daw ni Jelay yung gitara niya sa bahay nila" sagot ko sabay inom ng tubig.
"Karina! andiyan ka lang pala halika na hinahanap ka ni Gabby yung project niyo daw sa physics" pagtawag ni Krist sa kanya at halatang napagod sa kanya sa paghahanap.
"Hala oo nga pala! Sorry Krist hah" sagot ni Kare habang nag-aayos ng gamit.
"Paano ba yan mauna na ako may tatapusin lang" paalam ni Kare sabay alis kasama si Krist.
"Ano Aljon, hanggang tingin nalang ba?" asar sa akin ni Seth habang paalis sila ni Kaori.
Hay Karina kailan ko kaya maamin sayo ang tunay kong nararamdaman?
SC ROOM 3:30PM
Halos kumpleto na ang lahat at isa nalang ang hinihintay at iyon ay si Jelay. Himala nga at wala pa siya kasi siya ang laging nauuna.
"asan na ba si Jelay?" tanong si ate Loisa 5th year BA Journalism, President ng Student Council, at team captain ng volleyball this season.
"Oo nga eh himala at wala pa siya" pansin naman ni kuya Edward 4th year BS Computer Engineering, at vice president ng student council.
"Andito na po ako sorry tagal po kasi magdismiss ni sir Dizon" sabi ni Jelay at halata mong hingal na hingal siya.
"Finally! come on let's start" sabi ni kuya Andre 3rd year BS Computer Science, treasurer ng student council.
"Okay dahil kumpleto na po tayo let's start" sagot naman ni Criza, pinakabata sa aming student council, 1st year BS Economics.
"First issue po ay iyong mga recently na nawawalang mga gamit. Compared sa previous school years ay dumami ang bilang ng mga nawawalang gamit" pagsisimula ko.
"Kung last year po ang mga nawala ay 39 buong school year, this time po 76 na po ang nawawala at hindi pa po tapos ang 1st semester" pagpapaliwanag ni Karina.
"Nagconsult na po ang principal at chineck na po namin ang lahat ng cctv pero wala naman pong nakikita or nahuhuling suspect" pagtatapos ni Criza.
"Okay dahil tapos na tayo sa mga issues"pagsisimula ni kuya edward at sinundan ni kuya Andre ng "FOUNDATION WEEK NA!"
"Shhh! baka may makarinig sa inyo" pagsisita ni ate Loisa.
"Okay so dahil 4:29 pa lang may oras pa po tayo para makapag-isip ng possible theme ng foundation week natin" pagpapaliwanag ni Criza.
"What if we make it a dreamland?"suggest ni kuya Andre.
"Nope nagawa na yan" sabi ni ate Loisa.
"ALAM KO NA" sigaw ni Jelay....