A1

29 0 0
                                    


ARCENNY

"Arceeeen! Punta ka latuuuur okay?! Okay!" sigaw nang matalik niyang kaibigan sakanya. Tumango lang siya, nag-iindikang umo-o siya kahit sa totoo'y hindi talaga siya magpapakita. Para hindi makapag-aksaya nang oras sa pakikipagtalo kay Ylejia , mas mabuting umo-o nalang siya't hindi na magpakita mamaya.

"Sige babayoooo! See yuuu laturrr! Mwuah!" pag-flying kiss pa nito sakanya pagkatapos nitong magpaalam.

Napailing nalang si Arcenny. Sanay na siya sa pagiging... aktibo nang kaibigan. Napatingin siya sa oras at nakita niyang alas tres't tatlumpo na sa hapon. Linigpit na niya ang nagkakalat niyang gamit at inayos sa bag para makauwi na, o di kaya'y mag muni-muni muna sa paligid at pagnilayan ang kaniyang mga desisyong ginawa sa buhay, kung tama ba ang mga ito at kung may papupuntahan ba.

Tumayo na siya't lumabas sa kanilang silid aralan, ang seksiyon A. Nakakatawa, nasa unang seksiyon siya pero parang hindi naman. Ang mga tao dun para paring mga tao – ugaling basura. Si Ylejia lang talaga ang natitiis niyang kausapin, sa lahat nang mga kaklase niya, ito ang pinakanormal sa mga abnormal.

Napatingin siya sa gawi ng soccer field, at nakita niyang may iilang studyante na nag-lalaro parin. Kahit na dapat ay naghahanda na ang mga ito sa magaganap na okasyon mamaya. Ang kanilang acquaintance party. Lahat ata ay masaya, subalit siya lang ang hindi. Wala siyang nakikitang rason kung bakit kinakailangan mag-celebrate nang ganyan. For socialization ba kamo? Eh ano naman? They can socialize without that goddamn party.

Napabuntong hininga nalang si Arcenny. She doesn't really have anything against events, it's just when masasali siya sa mga ito nagiging isyu na. She has some unpleasant memories she'd rather not reminisce.

Siya si Arciel Cennedy Laurently, ang unang anak na babae ng pamilyang Laurently. Inaasahan siyang maging "perpektong anak", yung tipong susundin ang lahat nang kagustuhan nang mga magulang na walang maririnig na pagtutol. Masunurin, mabait, magalang, dapat ay siya 'yon. Pero hindi, kaya nga'y tinagurian siya bilang "black sheep" nang pamilya. Ang masamang anak. Sa totoo lang, matagal na siyang nasasakal at nasasaktan sa puder nang pamilya niya. Madaming expectations sa kanya na hindi niya makayang abutin. Dati rati nga ay pinursigi niyang maabot ang mga ito sa abo't ng abilidad niya, but guess what? Nadisappoint lang sila. Her best wasn't enough for them. Diyan nagsimula ang pagiging rebelde niya. She's tired of those expectations when she knows she'll just be a disappointment to them.

Sa sobrang lalim ng iniisip niya hindi niya namalayan na patawid na pala siya at may mabilis na magpatakbong van na mababanga siya kapag hindi tumigil ang isa sa kanila. Ang mga taong nasa loob nang van ay sinubukang tinawag ang pansin niya upang paalisin pero hindi niya napansin ang pagsesenyas nang mga 'to. Ilang milya nalang ang layo nila nung may tumulak sakanya at saktong nadaganan siya nito.

"Ano ba?! Ba't ka nanunulak!" bulyaw niya rito dala sa gulat nang biglaan nitong pagtulak sakanya. "Umalis ka nga sa ibabaw ko! Tulong! Rape! Rape!" histerika niya nung napagtanto niyang nakadagan ito sakanya.

"Ikaw na nga 'tong tinutulungan ikaw pa talaga ang may apog na magalit sa resulta nang katangahan mo." Inis nitong reklamo sa naging reaksiyong nang babaita at umalis sa pagkadagan nito. Tila nabuhusan naman nang malamig na tubig si Arcenny. Napatingin siya sa gawi nang van at napatingin sa sariling kalagayan at sa lalaking lumigtas sakanya. Onga pala, sobrang lalim nang iniisip niya hindi na niya namalayan ang kung anumang kaganapan na nangyayari sa kanyang kapaligiran.

Napakamot siya sa ulo niya.

"Ay ganun ba? Hehe, salamat pala atsaka sorry rin sa pagsigaw ko sa'yo." Hinging paumanhin niya sa binata. Napabuntong hininga nalang ang ito. "Whatever." Wika nito atsaka umakmang umalis na. Sa hindi malamang dahilan, nakaramdam ang dalaga ng pagkabog nang dibdib, dapat niya 'tong pigilan, sapagkat kung hindi, hindi na niya ito muling makikita pa.

'That's weird, I've never felt this way before.' Usal niya sa kaniyang sarili. Naweweirduhan sa inaasal niya.

"Wait! Uh, can I treat you for coffee? As thanks. Arcenny nga pala."

Nakaramdam siya ng pagkabigo nang hindi man lang ito lumingon sakanya.

"Saturday. Café Eleiz, 3 PM. Tres." Saka 'to tuluyang umalis. Napangiti si Arcenny sa ginhawa at sa iba pang emosyon na hindi niya mawari.

'So Tres is his name.' she thought in fascination. 'I can't wait to see him this Saturday.' Hindi niya namalayang nakangiti na pala siya ng malawak.

Pagkauwi niya sampal ang unang bumungad sa kaniya, galing sa kaniyang sariling ina. Arsené Fractuosé-Laurently.

"Ano namang katarantaduhan ang ginawa mo ha, Arciel?!" Siya nanaman may mali. Lagi nalang, kahit hindi niya kasalanan at wala siyang kinalaman ay siya padin ang sisisihin nito. Ano pa bang bago? Ganito naman lagi ang takbo nang buhay niya. And in 3... 2... 1...

"Mom! Stop it! It's not Arci's fault! Stop blaming her!" yung nagpapaka-hero niyang kuya. Africise Ceviel Laurently. She has nothing against her kuya, infact they have a tight bond, it's just that, she hates it when he tries to save her from the inevitable wrath of their mother.

She's sick of this. Maybe this is the final straw. Matagal na din niyang plinano ang paglalayas mula sa puder nang mga magulang pero kulang lang talaga siya sa pagtulak. Pero sa nakikita niya sa kaniyang mga mata ngayon, buo na ang kaniyang desisyon. Hindi na mababago ang tingin nang mga magulang niya sa kaniya, ano pa bang silbi nang pananatili niya dito? Siya kasi, tatanga-tanga, inaasam na kahit konti lang marecognize siya ng mga ito bilang siya. Bilang anak nila. Walang halong expectations. Pero may hantungan din ang lahat, pati pasensya.

Hindi na niya pinansin ang kung anumang pinagsasabi nang ina at pumunta nalang sa kwarto niya, sinara at ni-lock ito. She went to the corner of her room where a painting of Van Gough was placed. Woman Sewing. Inalis niya ito, inalantad nito ang isang safe vault na puno nang cash at iilang debit cards na hindi konektado sa pangalan niya at sa kaniyang mga magulang. It belongs to an anonymous account of hers. Kahit papaano, hindi totoo ang bintang ng mga magulang na wala siyang talent, meron, but she doesn't like the life in the limelight. Pumunta siya sa may paanan nang kama niya at may kinakapa na tila ba may hinahanap, at nang naramdaman niya na ay kinuha niya ito mula sa ilalim nang kama. Ang maletang matagal na niyang hinanda kung sakaling umabot siya sa puntong ito. Binuksan niya ito at pilit na ipinagkasya ang perang dadalhin.

Sa huling pagkakataon ay tinignan niya ang kaniyang naging kwarto sa loob nang halos dalawampung gulang. Paalam.


Ya's Note: Arcenny is 19. She'll be 20 soon. Unedited, apologies for improper use of 'ng' and 'nang', tagalog is NOT my first language. I'm basically walking on uncharted territory.

Arcenny's CreedWhere stories live. Discover now