CHAPTER 02: Meet him again

0 0 0
                                    

CHAPTER 02:
MEET HIM AGAIN

-ARA-

Matapos nang aming first subject ay naghiwa-hiwalay na kami. Si Aljon ay para pumasok sa next subject niya, si Aljen ay nagpunta sa library para magbasa at tumambay.

Ako? Ewan na naman. Mamaya pa kasing 9am ang next subject ko at dalawang oras rin ang hihintayin ko. Ayoko namang maglibrary dahil naiirita lang ako sa librarian doon. Napakatalas ng pandinig. Ultimo pinakamahina mong bulong, rinig niya.

May multa pa man din kapag nagingay ka doon. Tsk.

Namalayan ko nalang na nasa cafe na ako at bumibili ng mga pagkain.

"Two slices of cake po. One strawberry and one chocolate." I ordered.

Agad naman nilagay ni ate ang cakes ko sa dalawang maliit na boxes tsaka ipinlastik. Nilagyan din niya iyon ng disposable knife and spoon.

"Any drinks maa'm?" Tanong niya ng nakangiti.

"Capuccino frappe po. Medium."

Tumango lang siya at agad naman akong ginawan ni ate ng frappe.

"Name po?" She asked.

"Ara." I answered while smiling. Matapos niyang sulatan ang frappe ko ay nagbayad na ako.

Tiningnan ko ang buong Cafe ng school. Walang gaanong tao. Nakakatamad naman kumain dito.

Kaya naisipan ko nalang na maglakad lakad para humanap ng perfect place to eat.

At hindi ko man lang napansin na dinala na pala ako ng mga paa ko sa building na napaka creepy tignan kagabi pero buhay na buhay ngayon.

This building is not for students who has a section. This building is for the SSG officers. At ang mga malalaking rooms per floor ay para sa mga studyanteng nagte-training ng quiz bee and so on. Mga dance room, music room, theater room, art room at mga iba pang para sa sports at sa mga oras na ito, kaunti palang ang tao. Maaga palang naman kasi.

Kahit ako, mamaya pa ang training ko sa laban ko next month kaya wala pa talagang tao dito. Mga hapon pa siguro.

"Ara? Why are you here? Need anything? Mamaya pang 4pm ang training mo ah." Kausap sa akin ni Ms. Kachapero. Ang gurong namamahala sa building na ito.

"Ahm.. May naiwan lang po sa art room, Ms. kukunin lang po sana." Pagdadahilan ko.

"Oh, okay. Bukas naman iyon. Nandoon kasi ang coach mo ngayon."

"Thanks, Ms. By the way, have a nice day." I smiled.

"You too." Ngiti niya muli sa akin.

Aww. My bad for lying. I don't really know why I am here. I just have this feeling of going upstairs at the rooftop.

Agad akong sumakay sa elevator nang lampasan na ako ni Ms. Kachapero para mag-agahan das sa canteen.

Nang makarating sa rooftop, bigla nalang akong napangiti. Kahit kasi dito ako nagte-training, di ko pa napuntahan itong rooftop.

She's my treasureWhere stories live. Discover now