Chapter 1

40 1 0
                                    

First chapter but may bad words na agad mga kareaders!

Sorry po sa mga bad words, okay. For  15+ only po pero bahala ang mga below 15 dyan kung gusto niyo pa basahin.

Warning: language

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

New day, Bad day.

"Catty, wake up!"

Kilala ko kung sino ang kanina pang nanggigising sakin at dahil tinatamad akong buksan ang mga mata ko ay binaliwala ko siya. Ang aga-aga pa nang bubwisit na siya!

Patuloy siya sa pagyugyog ng katawan ko at pagsigaw ng pangalan ko. Nagsimula na rin akong mairita.

"Catty, malelate na tayo!" Sigaw niya ulit na nagpabangon na sakin. Unang araw pala namin sa school nang pinagtransfer-an namin, at kapag hindi ako pumasok ngayon ay kakatayin ako ng buhay ni lolo.

"Eto na..." Tamad kong sabi at dahan dahan bumangon sa pagkakahiga. Hinarap ko siya.

"Pwede ka nang lumayas."

She frowned. "I really hate you today."

I smirk at her. "Same here." I said then went inside the bathroom. Narinig ko pa ang pagdadabog niya hanggang sa pagsarado ng pinto. Akala mo sisirain sa sobrang lakas ng pagkakasara niya.

Fuck. I really hate school!

Ilang oras ang tinagal ko sa loob ng banyo. Malamang, alangan naman na isang minuto lang ako sa loob. Ano yun? Nagbasa ka lang ng katawan tas labas agad. Kadiri mo girl kung ganon!

Umupo ako sa tapat ng vanity mirror at inilabas ang make-up kit ko. Light make-up lang ang ginawa ko sa mukha ko. Pink ang lipstick na ginamit ko.

Parang wala rin akong nilagay na make-up dahil mukhang natural lang ang mukha ko.

I'm always like this when first day of school comes. Bait-baitan kunwari di dimonyo. Elizabeth tayo ngayon.

Binilower ko muna ang aking buhok bago ito suklayan. Nilugay ko ang ash-gray kong buhok. Napaisip din ako. Bakit ko pa ilulugay kung itatali ko rin naman.

Kinapa-kapa ko muna ang buhok ko kung tuyo na bago itali na pa-bun. Tumayo ako at tumungo sa cabinet kung saan nakalagay lahat ng wig kong ginagamit araw-araw. Plain black long hair wig ang kinuha ko at isinuot.

Tinignan ko muna ang boung sarili sa mahaba at malaking salamin na katabi lang ng pinagkuhaan ko ng wig.

Sumilay ang ngiti sa aking labi. Perfect!

Nilock ko ang pinto ng kwarto ko. Dahil mahilig ang lolo ko pumasok ng walang paalam sa kwarto ko. Naiinis ako kapag ginagawa niya yon kaya minsan ay hindi ako umuuwi ng bahay.

Naabutan kong nag-uusap si lolo at monique sa sala. Nakangiti si Monique, samantalang seryoso naman ang mukha ni lolo.

"My twins are doing fine with my parents in L.A. They're always updating me about what's happening with Xyro and Xyria." Nakangiting sambit ni Monique kay lolo.

Tumango-tango naman si lolo at simimsim sa tasang ng nasa lamesa sa harap nila. Nakita ko rin ang laptop na ginagamit ni lolo kapag nasa bahay siya, para sa kompanya.

"That's good, then." Napatingala si lolo ng tingin kaya nakita niya akong nakatayo lang sa hagdan. Napansin din ako ni monique.

"Tagal mo ah." Reklamo niya. Tinawag ko ang isang maid na abala sa paglilinis ng vase na nasa gilid ko lang. Inutusan ko siyang sabihin sa driver namin na ayusin na ang sasakyan na gagamitin ko.

The Scenery Of DarknessWhere stories live. Discover now